Chapter 36

3.4K 89 1
                                    

*Russ*




“Sabi ng doctor pwede ka ng maka-uwi bukas”sabi ni April at tumango naman siya. Sa katunayan pwede na naman siyang umuwi ngayon dahil okay na naman siya at bumalik na ang dati niyang lakas.



“Ano ba talaga ang nangyari Russ bakit ka pinadukot ni Savana?”Tanong ni April na halata ang pagkalito sa mga mata nito. Lahat ng BL ay nasa kwarto niya at si Razel na naka-upo sa upuang katabi ng kama niya.



Huminga siya ng malalim at bahagyang tumango, Mukhang kailangan na niyang sabihin ang totoo sa buong BL lalo na sa
Pinsan niyang alalang-alala sa kaniya. “Kilala ko si Savana dahil sa PU din siya nag-aaral ang buong pangalan niya ay Savana Lim Ferrer, Mag pinsan sila ni Jerd Lim sa motherside. Membro din siya ng Bloods na pinunuan ni Jerd Lim, Iyong Sava na kilala nyo at si Savana ay iisa lang. Hindi ito ang unang pagpapadukot ni Savana sakin, ito na ang pangalawang beses. Ang unang pagsubok niya ay iyong
Sa abandonadong bahay na ipapasunog kasali ako tapos ang pangalawa ay ito, bakit niya ako ginaganito? Dahil galit siya sakin dahil may inagaw daw ako sa kaniya na pagmamay-ari niya, gusto niya akong mawala para makuha na niya ang inagaw ko daw sa kaniya, how pathetic and childish right?”



Napailing na lamang si Russ dahil saka desperadahan at pagka immature ni Savana. Lahat ng pagpapadukot sa kaniya ay napaka immature ang dahilan, Gusto nitong mawala siya para makuha nito si Razel na wala namang gusto sa kaniya kahit katiting, nakakaawa, so Desperate and immature childish bitch. Sige sabihin na nating may past sila ni Razel pero from the word past, Noon na iyon mag Ex na silang dalawa. May tinawag ngang move on hindi ba? Hindi nalang ito mag move on dahil gusto talagang gumawa ng kasamaan. Poor Savana.




“That bitch!”mariing sabi ni April at matalim ang mga matang naka tingin sa bintana na para bang may plinaplano itong kasamaan. Pinakalma naman agad ito ni Luke. Muling tumingin si April sa kaniya. “Ano bang dahilan ng lahat ng ito? At anong inagaw mo na pagmamay-ari niya at napaka galit na galit niya sayo?”usisa nito at nagtanguan naman ang kasamahan.




Dahil sa tanong ng pinsan ay hindi napigilan ni Russ ang matawa, nagtataka naman ang mga taong kasama niya sa loob ng kwarto niya. Hindi niya mapigilang matawa, sinong hindi matatawa kong ang dahilan ng lahat ay napaka liit lamang at napaka immature ng dahilan?




“Oh sorry hindi ko mapigilan”aniya at tumikhim pero may naglalaro paring ngisi sa labi niya “Swear ate April hindi mo gugustuhin ang dahilan ng mga ginagawa ni Savana sakin, Napaka liit ng dahilan at napaka walang kwenta”aniya at nagkibit balikat.



Halos lahat ng tao sa loob ay nakataas ang mga kilay dahil sa sagot niya. Dapat seseryosohin niya ang problema ngayon tungkol kay Savana, mag paplano sila kong paano ito mahuli at ipakulong dahil sa mga illegal nitong ginagawa, pero ng maisip niya ang lahat ng dahilan ni Savana kong bakit siya nito pinapahirapan ay hindi niya kayang mag seryoso, para kasi itong batang suwail, kong ano ang gusto iyon dapat ang makuha. Hay nako Savana tsk tsk.




“Try me Russ”Hamon ng pinsan


Tumango naman siya “Okay... Ang dahilan ay si Razel dahil---”



“ANO?!”halos lahat nag react sa gitna ng pag papaliwanag niya, Sabi na eh hahaha. Kahit si Razel ay hindi makapaniwala at naka awang pa ang bibig nito. Natawa na lamang siya sa mga reaction ng lahat. Natatawang tumango siya.



“H-huh? Bakit a-ako?”mautal-utal na sabi ni Razel dahil hindi din ito makapaniwala sa sinabi niyang dahilan ni Savana.


“Anong kalukuhan ito Russ?”sabat ni Luke


She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Место, где живут истории. Откройте их для себя