Chapter 28

3.4K 87 4
                                    

*Russ*


Ganun parin ang nangyayari sa mga sumunod na araw, Pagnakikita niya si Razel sa hallway, Caferia, parking lot at gym ay magiibang daan siya para lang maiwasan si Razel, Nasasaktan siya sa mga pag-iiwas niya pero wala na siyang magawa dahil iyon ang gusto ni Razel.



Nag vibrate ang cellphone niya at naka tanggap ng mensahe galing kay Marcus.


From: Marcus
Nasa labas na ako ng University



Susunduin siya ngayon ni Marcus para sabay na silang pumunta sa bahay nina April dahil kaarawan ngayon ng pinsan niya.


To: Marcus
Okay lalabas na ako



“Guys mauuna na ako may lakad pa kasi ako e”paalam niya sa mga kaibigan.



Nagsitanguan naman ang mga lalaking kaibigan pero nasa likod niya ang mga tingin ng mga to, nakuryoso siya kaya sinundan niya ito at natigilan ng paparating si Razel sa mesa nila. Nasa loob kasi sila ng Cafeteria, nagkaayaan ng maaga matapos ang mga klasse.



“Okay magingat ka pauwi”Iniwas niya ang tingin kay Razel ng magtama ang kanilang mga mata at tumingin kay Maurine. Ngumiti siya at tumango, sinukbit niya ang bag sa balikat at muling tinignan ang mga lalaking kaibigan at tinanguan siya ng mga ito.



Deritso ang lakad niya at hindi na muling tinignan si Razel na naramdaman niyang nakatingin sa kaniya. Nakahinga lang siya ng makalabas na ng Cafeteria. Nagmadali siyang lumabas ng building dahil ayaw niyang paghintayin ng matagal si Marcus sa labas.


“Russ”tawag nito ng makalabas na siya ng University.


“Sorry kong natagalan akong lumabas”ngumiwi siya, tumawa lamang ang kaibigan.


“Sus! Wala yon tara na?”


Tumango siya at pumasok sa kotse ng pinagbuksan siya ni Marcus. Nang matapos iayos ang seatbelt ay napatingin siya sa malaking gate ng Uni, nakita niya ang kotse ni Razel na nag-aabang sa pag bukas ng gate, Nagulat siya ng mahuling nakatingin si Razel sa kaniya, puno ng galit ang mga mata nito. Mabilis niyang iniwas ang tingin dahil sumikip ang dibdib niya sa nakitang galit nito sa mata.


Talaga galit ito sa kaniya huh?



Nang makarating sa bahay nina April ay isinantabi niya ang sakit na nararamdaman at hinanda ang ngiti sa labi, ayaw niyang mag-alala ang pinsan niya sa kaniya lalo na at kaarawan nito ngayon. Marami-rami ang bisita ng pinsan niya ng makapasok sila sa loob.



“Ate April Happy Birthday!”maligaya niyang bati at niyakap ang pinsan.


“Thank you!”masaya ding tugon ni April


“Sorry hindi makarating si Daddy may business trip kasi siya sa Dubai”aniya at kumalas sa yakap.


“okay lang yon naintindihan ko naman”


Pumunta silang pool side dahil naroon ang buong BL, Maraming pagkain ang naka hain sa mesa nila at marami ding alak. Kainan, inuman, tawanan at nag biruan sila saka inaasar nila si April na matanda na daw ito.


“Russ dahan-dahan sa paginom”saway sa kaniya ni Marcus at inagaw pa nito ang basong may alak.


“Oo nga Russ may problema ba? Kanina pa kita napapansing inom ng inom”sabi ni Luke



Pabiro siyang umirap saka ngumisi “Wala! Problema agad kuya Luke? Minsan nalang akong uminom kaya sinagad ko na, bakit pagbabawalan nyo ba ako?”



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now