Epilogue

6.4K 124 18
                                    

*Razel*


Palakad-lakad si Razel sa kaniyang silid habang kinikiskis ang palad at humihinga ng malalim. Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman para siyang nauubusan ng hininga na natatae na naiihi dahil sa kabang nararamdaman.

Ngayong gabi niya gagawin ang matagal na niyang plinano at ipinagdasal niya na sana maganda ang kalabasan ng plano niya. Kaarawan niya ngayon at isang regalo lang ang gusto niyang makuha, ang matamis na OO ng pinakamamahal niyang babae sa buong mundo bukod sa Ina niya.

“Razel anak?”

Nilingon niya ang kaniyang inang pumasok sa loob ng kwarto niya, may malaking ngiti ang naka ukit sa labi nito. “Mom”aniya

“Handa kana ba?”

“Mom kinakabahan ako paano kong tatangihan ako ni Russ paano kong hindi pa siya ready? Paano ko---”

“Sssh, wag kang mag-isip ng negatibo anak isipin mo lang ang positibo at mag relax ka lang okay? Mahal ka ni Russ at positibo akong makukuha mo ang matamis niyang oo”

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ni Razel at medyo nawala ang kabang bumalot sa katawan niya. Ngumiti siya at niyakap ang ina.

“Thanks mom”

“You’re welcome anak”anito, suminghap ng hangin at humiwalay sa yakap “Ang bilis ng panahon. Noon buhat-buhat ka pa namin ng Daddy mo ngayon napaka laki mo na at may balak ng magpakasal”nanubig ang mata ng ina habang naka ngiti. “Masaya ako para sa inyong dalawa ni Russ anak”

“Thank you ma”muli niyang niyakap ang ina.







*Russ*

“Happy birthday”bati niya ng makalapit kay Razel

“Thank you”anito at ngumiti “You look so beautiful in that dress baby”

Uminit ang pisngi niya at kinagat ang ibabang labi “Thank you”aniya at ngumiti.

Giniya siya ni Razel sa lamesa ng mga kaibigan nila at doon umupo. Kakasimula lang ng party at Family and Friends lang ang imbitado.

Puno ng kasiyahan ang buong bahay. May nag tawanan, usapan, biruan at kantahan. Sa gitna ng kasiyahan ay nagpaalam muna sa kaniya si Razel dahil may kukunin lang daw ito.

“Oh bakit kayo ganyan makatingin?”aniya ng mapansin ang mga mukha ng kaibigan, nakatingin ang mga ito sa kaniya habang may mga makahulugang ngiti sa mga labi.

“Bakit paano ba kami tumingin sayo Russy?”naka ngising aso na sabi ni Maurine.

“Ewan para kayo---”

Nawalan ng ilaw ang buong bahay at may napatili dahil don. Napasinghap naman si Russ sa gulat at napatingin-tingin sa paligid. Pero useless. Dahil napaka dilim ng paligid na halos wala siyang makita.

“Mau---”

Naputol ang sasabihin niya ng muling umilaw at narinig ang boses ni Razel. Napalingon siya sa kaliwa niya at nandoon si Razel sa gitna habang naka hawak ng microphone, naroon din ang tatlong lalaking kaibigan. Si Ryan na may hawak ng guitar, Brek sa electric guitar at Jason sa drum set. Napasinghap siya sa nakita. Ang lahat ng bisita ay nakatingin narin kina Razel, puro naka ngiti, lalo na ang Daddy niya.


“Hey Baby”sabi ni Razel at ngumiti “Gusto kong sabihin na thank you dahil dumating ka sa buhay ko, thank you dahil napaka swerte ko dahil minahal mo ako. Madami na tayong pinagdaan at napunta tayo sa punto na naging komplikado ang sitwasyon natin pero hindi mo ako sinukuan at palagi kang nasa tabi ko. Thank you and i love you so much”


Nanubig ang mata ni Russ at parang may humaplos sa puso niya dahil sa narinig mula kay Razel. Hindi niya alam ang sasabihin kaya ngumiti na lamang siya na agad namang sinuklian ng matamis na ngiti ni Razel.


Nilingon nito ang mga kaibigan at sumenyas, ilang segundo lang ay narinig na niya ang magandang boses ni Razel.


Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday’

‘They said, “I bet they’ll never make it”
But just look at us holding on
We’re still together still going strong’

‘You’re still the one i run to
The one that i belong to
You’re still the one i want for life
You’re still the one that i love
The only one i dream of
You’re still the one i kiss good night’



“You’re too good for me Russ that i think i dont deserve you, Pero gagawin ko ang lahat para maging deserving ako para sayo. Gagawin ko ang lahat mapasaya kalang, gagawin ko ang lahat makita ko lang ang maganda mong ngiti. Ikaw ang prinsesa ng buhay ko at sana pumayag kang gawin kitang reyna ng buhay ko”


Malakas ang tibok ng puso ni Russ at nagbabadya na ang luha sa kaniyang mata. Alam niya, alam niya kong anong gustong iparating ni Razel at hindi na siya makapaghintay sa itatanong ni Razel sa kaniya. Mahal na mahal niya si Razel at si Razel lang ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda.


Matapos ang kanta ay lumapit si Razel sa kinauupuan niya at unti-unting lumuhod sa harapan niya at may kinuhang red velvet box sa likod ng jeans at dahan-dahang binuksan iyon. Napunta sa naka-awang niyang bibig ang dalawang kamay at naluluhang tinignan ang napaka gandang singsing at si Razel na may ngiti sa labi. Oh My God!


“Russ Abigail De Leon will you make me the most happiest man in the world, Will you marry me?”


Hinayaan na ni Russ ang luha na dumaos-dus sa pisngi niya at tumango-tango at ngumiti. “Yes i’ll marry you Razel”

Parang batang neregaluhan si Razel ng marinig ang sagot niya, napakalaki ng ngiti nito sa labi at puno ng kasiyahan ang mata. Mahigpit siyang niyakap ni Razel at nilagay ang kumikinang na Diamond ring sa ring finger niya. Tumayo siya at niyakap si Razel. Pabuhat naman siyang niyakap ni Razel at inikot. Lahat ng taong nakasaksi sa proposal ni Razel ay nagsipalakpakan habang may mga masayang ngiti sa labi.

“Thank you for saying yes, i love you so much”

“I love you too”

And they kissed. THE END




A/N: Hi! I want to say THANK YOU VERY MUCH sa pag supporta niyo sa story ko. ( She’s The Gangster Princess ) Sa nag vote and comments thank you very much!

* May upcoming new story ako at sana supportahan niyo din yon katulad ng pag supporta niyo sa SHE’S THE GANGSTER PRINCESS *

T H A N K Y O U V E R Y M U C H ! ! ! 😘

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat