Chapter 20

3.9K 94 0
                                    

*Russ*


Nasa parking lot palang si Russ ay rinig na rinig na nya ang maingay na party music sa loob ng Gang House. Lumabas ng kotse si Russ at inayos ang damit na bahagyang tumaas dahil sa pagka-upo. Kaarawan ngayon ni Marcus at late na sya, Napa haba kasi ang tulog nya dahil madaling araw na silang naka uwi galing sa outing nilang mag kakaibigan.



Pag pasok nya sa Gang House ay sinalubong sya ng maingay na party music, Usok ng cigarilyo at amoy ng alak. Sumiksik sya sa mga taong lasing na nagsasayawan habang hinahanap ng mga mata nya ang Groupo nya lalo na ang lalaking may kaarawan ngayon.




Dumeritso sya sa second floor ng Gang House dahil paniguradong nandoon ang lahat lalo na’t hindi nya nakita ang mga ito sa baba.


Bumuga ng malalim na hininga si Russ ng maka wala sa maraming tao, Sinuklay nya ang mahabang buhok gamit ang mga daliri at nag tungo sa mesang kinaroroonan ng Groupo nya.



“You’re late miss beautiful”pabirong sabi ni Nash, Ngumisi sya at bahagyang tumango.


“Yup and im sorry”aniya at ngumiti, Hinanap nya si Marcus pero hindi nya ito makita “Nasaan si Marcus?”Tanong nya sa Groupo


Nasagot ang tanong nya ng may nag salita sa likuran nya. “Im Here gorgeous”Napalingon sya sa likuran at nakita ang kaniyang hinahanap, May nag lalarong ngiti sa mga labi nito habang may hawak na isang bote ng alak.



Ngumiti sya at sinalubong si Marcus “Happy Birthday sorry kong natagalan ako”Aniya at niyakap ang kaibigan, Niyakap din naman sya ni Marcus ang isang braso.


“Okay lang at least nandito kana mag tatampo sana ako dahil akala ko hindi kana makakarating”pabirong sabi ni Marcus at humiwalay na sila sa yakap.



“Wow hindi kapa nag tampo, Ano yong drama mo nong nakaraan ha ang lamig lamig mo sakin”pagtataray nya habang naka ekis ang mga braso at naka taas ang isang kilay.


Tumawa naman ito at napa kamot sa batok “Sorry kong naging gago ako nong nakaraan may dalaw kasi ako non”biro nito



Natawa sya sa sinabi ni Marcus at pabiro nya itong hinampas sa balikat “Oo nga ang gago mo nga non, Pero pinapatawad na kita, pasalamat ka birthday mo ngayon kundi nakatangap ka sakin ng sapak”pabiro nyang sabi at pinakita pa ang isang kamao, Tinawanan lang ito ni Marcus.


“Oo nga e pasalamat talaga ako dahil kaarawan ko ngayon”tumawa silang dalawa “Pero seryoso sorry talaga sa inasal ko nong nakaraan, bati na tayo?”anito, Umirap sya at tumawa.


“Oo naman wag mo lang yon uulitin nasaktan kaya ako”aniya, Ngumiti naman si Marcus at inakbayan sya.


“Opo hindi ko na po uulitin, sorry kong nasaktan kita sa inasal ko non”


“Yeah yeah tapos na yon kalimutan na natin yon at mag enjoy nalang tayo sa birthday mo okay?”aniya at nakangiting tumango naman si Marcus.


“Oh tapos na kayong mag drama dyan?”pabirong pag tataray ni April, sabay namang tumawa silang dalawa at nag thumb’s up pa.



Masaya sya dahil maayos na ulit sila ni Marcus at hindi na malamig ang trato nito sa kaniya.



***


Pumunta sa third floor si Russ ng magpaalam ito kay April na mag papahangin muna sya. Hindi matao ang pangatlong palapag ng Gang House kaya dito nya naisipang pumunta, Binuksan nya ang sliding door ng veranda at sinalubong sya ng malamig ng simoy ng hangin, Huminga sya ng malalim at umupo sa six seater leather sofa.


Sumipsip sya sa basong may alak na dala-dala at biglang napa tingin sa kawalan at na-alala ang kwento ni Razel sa pagka disgusto nito sa mga Gangster. Hindi nya mapigilang mapa-isip.


Kinamumuhian nya ang mga Gangsters. Paano kong isang araw malaman ni Razel na isa pala syang Gangster? Kamumuhian din ba sya nito?


Napailing at buntong hininga si Russ, Syempre kamumuhian din sya nito, Hindi sya santa dahil naka patay narin sya ng tao. Muli syang sumipsip sa alak at sinandal ang ulo sa likod ng sofa.



Hindi sya papayag na malaman ni Razel ang katotohanan ng pagkatao nya sa ibang tao, Sya mismo ang mag sasabi kay Razel sa totoo nyang pagkatao, Hindi muna ngayon pero sisiguraduhin nyang masasabi nya ang lahat sa tamang panahon.



“Deep thoughts i guess?”



Napalingon sya sa nag salita at ngumisi “You’re wrong Marcus nag papahangin lang ako”Pagsisinungaling nya



Tinaasan sya ng kilay ni Marcus at umupo ito sa tabi nya “At ako pa talaga ang lolokohin mo? tsk tsk”Anito at ngumisi.




Ngumisi din sya at muling tumingin sa langit, kilalang-kilala talaga sya ni Marcus. “Problem?”Tanong nito



Huminga sya ng malalim at tumingin sa kaibigan “Kong ilagay kita sa sitwasyong hindi ka Gangster at pag ikaw ay may malaking galit sa isang gangster dahil may ginawa itong hindi ka pata-patawad sa isa sa mga pamilya mo at may kaibigan kang may tinatagong sekreto at isang araw nalaman mo na ang sekreto nya, isa pala syang gangster ano ang gagawin mo?”Biglaang tanong nya.


Halatang hindi inaasan ni Marcus ang katanongan nya dahil halata ang kaguluhan sa mga mukha nito pero hindi nag tagal ay naging seryoso ang mukha nito.



“Bakit may nangyari ba, May nakaalam ba sa mga kaibigan mo at kinamumuhian kana ngayon? si Razel?”Sunod-sunod nitong tanong.



Umiwas sya sa titig ng kaibigan at tinanaw ang kalangitan. Wala, wala pang nakakaalam sa mga kaibigan nya ang totoo pagkatao nya, Hindi pa sya kinamumuhian ng mga ito, lalo na si Razel, hindi pa sya nito kinamumuhian dahil hindi pa nito alam ang totoo pagkatao nya. Iisipin palang nya na kamumuhian sya nito ay sumisikip na ang puso nya.



“Russ--”



“Hindi wala naitanong ko lang Marcus”Pagputol nya sa sasabihin sana ng kaibigan, Tumingin sya kay Marcus na may pag dududa sa mga matang naka titig sa kaniya. Nginitian nya ito.



“Hoy okay ang lahat at okay lang ako, seryoso mo masyado e”Biro nya at tumawa.


Ilang segundo pa syang tinitigan ni Marcus na para bang pinag-aralan ang mukha nya pero sumuko narin ito at bumuga ng hangin. “Basta pag may problema nandito lang ako”anito


Umismid sya at umirap sabay tayo “Walang problema tara na sa baba let’s enjoy your party let’s go!”aniya sabay hatak sa kamay ni Marcus. Naiiling naman itong tumayo at sa wakas ay may sumupil ng ngisi sa labi at nawala na ang pagseseryoso nito.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora