Chapter 35

3.4K 81 0
                                    

*Russ*



Minulat ni Russ ang mga mata at muling pinikit dahil bigla siyang inataki ng pagkahilo. Nanumbalik agad ang alaala niya kong bakit nandito siya sa napaka dilim na lugar wala siyang makita kong ano kundi kadiliman lang. Hindi siya maka galaw dahil nakatali ang kaniyang kamay sa likod ng upuan.




Ginalaw-galaw ni Russ ang kamay para makawala sa tali. Nagtataka siya dahil hindi ganun ka higpit ang pagkatali sa kamay niya. Napaka bobo ng dumukot sa kaniya, itatali nalang siya hindi pa hinigpitan. Tuluyan na siyang nakawala sa pagkatali ng biglang bumukas ang pintuan sabay ng pagliwanag ng buong lugar. Pumasok doon ang naka ngising si Savana at apat na lalaking medyo maypagka malaki ang katawan. Hula niya ay isa sa apat na lalaking tauhan ni Savana ang dumukot sa kaniya.



“Gising na pala ang prensesa”mapanuyang sabi nito at pinagekis ang mga braso.


Ngumisi siya at nanunuyang tinignan si Savana “Good evening savana i guess?”aniya.


“Yes Russ its already evening at mamaya-maya lang ay makikita mo ang sariling naka higa sa isang hinukay na lupa, any last word?”


“Mamaya pa? Bakit hindi ngayon?”


Lumapit ito sa kaniya at bahagyang nilapit ang mukha sa mukha niya at mahinang sinampal-sampal ang mukha niya. “Wag kang mag-alala Russ darating din tayo dyan sa ngayon ay pahihirapan mo na kita”anito at demonyong ngumisi.



Mapanuyang ngumisi siya “Alam kong ginawa mo ito lahat para mawala ako at makuha mo si Razel Savana, hindi ako makapaniwala. So pathetic”



Isang malakas na sampal ang kaniyang natanggap kay Savana, Hindi niya pinansin ang sakit at matalim na tinignan si Savana sabay suntok sa ilong nito at sipa sa tyan, tumilapon si Savana at napahiga sa sahig habang sapo-sapo ang ilong, agad naman siyang dinaluhan ng isang tauhan niya habang ang tatlo pa ay papa-atake sa kaniya. “ARGHH! bitch papatayin kita!”sigaw nito



Hinanda niya ang sarili para sa apat na lalakeng papa-atake sa kaniya. Nagbatuhan silang apat ng suntok at sipa, yumuko siya sabay bato ng suntok sa panga ng isang lalake at mabilis na sipa sa dalawang lalake . Mabilis niyang naiwasan ang mga atake ng
mga lalake at kalkulado niyang binato ng mga atake niya. Hinila ng isang lalake ang buhok niya sabay sipa nito sa tyan niya.



Tumilapon siya sa pader at napapikit at daing dahil sa pananakit ng katawan. Masama niyang tinignan ang tatlong lalakeng papalapit sa kaniya habang dahan-dahan siyang tumayo, bago pa ang mga lalakeng maka atake sa kaniya ay maingay na bumukas ang pintuan sabay ang tatlong putok ng baril. Ang tatlong tauhan ni Savana ay humandusay sa kaniyang harapan. Nagulat siya sa nangyari.



Pero mas nagulat siyang makita si Jerd ang may gawa non, Bakit? Nalilito siya bakit pinagbabaril ni Jerd ang mga tauhan ni Savana? Diba magka sabwat ito at si Savana? Anong nangyari ngayon?



“What the fuck Jerd!?”galit na galit na sigaw ni Savana.


“Sinabi ko na sayong tama na Savana sumusobra ka na sa mga ginagawa mo!”mariing sabi ni Jerd, halata sa mukha nito ang galit.


“Wala kang pakialam kong ano ang gagawin----”


“Shut the fuck up Savana at umalis ka na at ikaw!”tinuro ng baril ni Jerd ang nagiisang tauhan ni Savana na mukhang natatakot kay Jerd “Lumayas ka at wag kang magpapakita sakin kong ayaw mong ako ang tatapos sa putangina mong buhay!”



Kumaripas ito ng takbo habang si Savana ay hindi maka paniwalang natawa “Talaga Jerd? Tatraydorin mo ako para lang sa babaeng yan?”Anito at masama siyang tinignan. “Swerte ka lang dahil dumating ang bobo kong pinsan. Hindi pa ako tapos sayo Russ”banta nito at umalis.



Ngayon niya lang napagtanto na nasa bodiga siya. “Bakit mo pinatakas si Savana”Masama niyang tinignan si Jerd habang lumalapit ito sa kaniya, tinago na nito ang baril sa likod ng damit.



“Kailangan ko siyang kausapin, huwag kang mag-alala sa susunod na gagawin niya ito sayo ay ako mismo ang magpapakulong sa kaniya”kalmado na ang boses nito



Nangunot ang kaniyang noo “Bakit mo ako tinulungan?”tanong niya


“Dadalhin kita sa hospital at tatawagan ko sina April at Luke”anito at walang paalam na binuhat siya. Bridal style. Napasinghap siya sa ginawa nito at masama niya itong tinignan, may multong ngiti naman sa labi ni Jerd ang napansin niya.



***



Nagising si Russ ay nasa isa sa mga silid na siya ng hospital. Naka hospital gown at may naka tusok na IV sa likod ng kamay. Nilibot niya ang paningin at walang ni-isang tao ang naroon kahit si Jerd na tumulong sa kaniya.



Dahan-dahan siyang umupo sa higaan niya at pinatong-patong ang unan para doon siya sasandal. Huminga siya ng maluwag ng maka sandal na, medyo nakaramdam siya ng kirot sa likod ng ulo at nong hawakan ay nasapo niya ang gauze pad doon, hindi niya alam na nagka sugat pala ang likod ng ulo niya.



Marahang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Razel na gulat ng makitang gising na siya. Ngumiti siya ng makita ito “Razel”namamaoas pa ang kaniyang boses.


“Russ! Salamat naman at gising kana!”masaya nitong sabi at agad na nilapag ang paper bag sa mesang katabi ng kama niya. “Anong nararamdaman mo? Okay kana ba? May masakit ba sayo? Ano? Russ magsalita ka naman!”


Mahina siyang natawa dahil sa pagkataranta nito “Okay na ako at maayos lang ang nararamdaman ko, ilang oras na ba ako dito?”aniya


Huminga naman ng maluwag si Razel at umupo sa kama niya “Mabuti namang okay na ang pakiramdam mo, pinag-alala mo ako Russ at Dalawang oras kanang tulog”kalmado na ang boses nito pero ang mga mata ay halata paring nag-aalala. “Sorry kong wala ako doon nong pinadukot ka ni Savana Russ, hindi ko akalaing magagawa niya yon sayo”ang kaninang nag-aalalang mga mata ay napalitan ng galit at tumiim ang bagang nito.



Hinawakan niya ang kamay nito at marahang hinaplos “Okay lang ako okay? Wag ka ng mag-alala”marahang sabi niya para mabawasan ang galit nito.



Huminga ito ng malalim at tumango, ito naman ngayon ang humawak sa kamay niya at marahang hinahaplos ang likod ng kamay niya gamit ang hinalalaki nito. “Huwag kang mag-alala Russ gagawa ako ng paraan para hindi kana malapitan ni Savana pangako” ngumiti naman siya at tumango.



Sinusubuan siya ngayon ni Razel ng may tanong ang dumaan sa isipan niya. “Razel paano mo nalamang na hospital ako?”aniya. Tumigil sa pag subo si Razel at napansin niya ang pag tiim ng bagang nito.



“Tinawagan ako ni Jerd na dinala ka niya sa hospital”sagot nito at tumalim ang mga mata “Kasama ba si Jerd sa pagpadukot sayo? Magpinsan sila ni Savana kaya possible”



Umiling agad siya “Hindi kasama si Jerd sa pagdukot sakin may bagong tauhan si Savana, sa katunayan kong wala doon si Jerd hindi ko na alam kong saan ang patutunguhan ko, niligtas niya ako kina Savana”



Umiwas ng tingin si Razel at mas tumiim pa ang bagang nito “Sorry kong wala akong kwentang boyfriend Russ, ni hindi ko alam kong anong nangyari sayo habang wala ako sa tabi mo, wala akong nagawa nong dinukot ka ng tauhan ni Savana, Im sorry”



Parang nabasag ang kaniyang puso sa narinig mula kay Razel, umalis siya sa pagkakasandal at hinawakan ang mukha ni Razel para magkatinginan silang dalawa. “Wag na wag mo yang sasabihin Razel hindi ka walang kwenta okay? Kahit na wala ka doon sa bodiga at niligtas ako nandito ka naman ngayon sa tabi ko, inaalagaan ako kaya hindi ka walang kwenta, tandaan mo yan hindi ka walang kwenta.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon