Chapter 27

3.4K 90 8
                                    

*Russ*

Nasa Garden ng University si Russ naka upo sa isang bench at malalim ang iniisip, Iniisip niya kong paano na naman kausapin si Razel na hindi ito umaalis at pakikingan siya sa ipapaliwanag niya pag fail ang gagawin nila ngayon. Malalim siyang huminga ng hangin at tumingin sa magandang bulaklak sa harapan niya. Minsan na silang dalawa ni Razel na pumunta sa Garden, gumawa ng project o mag kwentuhan, Miss na miss niya na ito.


Minsan na niyang naisipang kidnapin si Razel at ilagay sa basement ng hideout ng Black logic para wala ng kawala at maipaliwanag niya ng mabuti ang sarili pero umiling siya at hindi nalang pinansin ang ideyang iyon baka mas magalit ito sa kaniya lalo na at mapapalibutan siya ng mga Gangster. He loathe Gangsters, Ano na ang gagawin niya?


Tumingin siya sa ulap at bumuntong hininga, Madaling araw ng nakatulog si Russ dahil pinag isipan niyang mabuti ang planong gagawin. Ngayong araw niya gagawin ang plano kasama ang buong barkada, pag magtagumpay ang planong gagawin ay ibibigay niya na ang gusto ni Razel na hindi na magpapakita at hindi na niya kukuliting kausapin ito.


Alam na ng buong barkada na isa siyang Gangster, Una hindi sila maka paniwala pero kalaunan ay naintindihan naman ng mga ito. Masaya siya dahil hindi nagalit ang mga ito sa kaniya, Wala naman daw silang mga issue sa gangster at sabi pa nga ng mga ito na cool daw ang magiging gangster dahil kakatakutan ng lahat. Natawa nalang siya sa mga sinabi ng mga kaibigan. Alam ng barkada kong bakit ganun ang reaction ni Razel ng malaman nitong gangster siya dahil may history ito tungkol sa ate niya, Napaka samang history kaya nagalit ng malamang gangster siya. Naintindihan naman niya iyon una palang. Ngayon ay todo supporta ang barkada na mapag-ayos silang dalawa at nagpapasalamat sya dahil doon.


Napatingin siya sa cellphone ng mag vibrate iyon. Naka tanggap siya ng mensahe galing kay Maurine.


From: Maurine
Plan A complete ;)


Ngumiti siya at tumayo. Ang Plan A ay ang dukutin si Razel at ilagay sa lumang building ng PU na nasa pinaka dulo ng University. Ang Plan B naman, na hindi pa alam ng barkada ay ang kausapin niya ito ibibigay ang gusto ni Razel pagkatapos, Easy right? Kahit sumisikip ang puso niya dahil sa gusto nito ay ibibigay niya para hindi na nito maalala pang muli kong bakit nagpakamatay ang ate ni nito.


***

“Salamat sa tulong niyo wala na talaga akong maisip ng ibang paraan e para makausap siya”aniya ng makita ang barkada na naka tayo sa isang pintuan ng lumang classroom.


“Wala yon ang cool nga ng plano e nag-ala james bond kami saglit”biro ni Brek at nagtawanan naman silang lahat.


Huminga siya ng malalim ng mawala na ang mga kaibigan, Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nakita si Razel na naka upo sa gitna ng classroom, naka blind at naka hand cuffed pa. Napangisi siya at iling, Talagang sineryoso ng mga kaibigan niya ang pagdukot kay Razel.


“Ryan! Alam kong kayo ang may pakana ng lahat ng ito pakawalan nyo ako dito hindi ito nakakatuwa!”


Nawala ang ngisi niya at tinutukan ang naka piring na Razel, Kinuha niya ang susi ng Hand cuff sa bulsa ng pantalon niya at nilapitan ito pero agad din huminto. Kinuyom nya ang palad na may susi at huminga ng malalim. Okay na sigurong ganitong naka piring si Razel atleast hindi nito makita ang sakit na bumalatay sa mata niya dahil sa lamig ng pakikitungo nito sa kaniya. Huminga siya ng malalim at tumikhim.


“Ako ang may pakana ng lahat Razel at sumusunod lang sina Ryan sa utos ko sorry kong ginawa ko ito sayo desperada na kasi akong makausap ka eh”



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu