Chapter 7

5.8K 134 0
                                    

*Russ*



“Anak boyfriend mo ba ‘yong si Razel?”tanong ng Dad nya habang kumakain sila ng almusal.


Muntik ng mabulunan si Russ sa kinain ng sabihin yon ng Dad nya, uminom sya ng tubig at tinignan ang Ama “Dad? napaka random ng tanong mo, hindi ah kaibigan ko lang si Razel”sabi nya


“Hatid sundo ka lagi at lagi kang binibilhan ng kong ano-ano, alam mo bang ‘yang mga ginagawa ng kaibigan mo ay ginagawa ko sa Mommy mo dati nong nililigawan ko”


Humalakhak si Russ sa sinabi ng Ama “Dad wag ka ngang magpatawa, hindi ako nililigawan ni Razel. mabait lang talaga yon, wag nyo ngang bjgyan ng malisya ang ginagawa nya”aniya


“Basta anak pag may manliligaw ka sabihin mo agad sakin okay?, Gusto kong makilala kong sino man ‘yon”sabi ng Dad nya.

Ngumiti naman sya “Yes Daddy”


Sabay na napatingin si Russ at ang Ama nya sa Malaking pintuan dahil sa narinig na busina, Ngumiti si Russ at tumayo “I need to go Dad, bye”aniya at hinalikan sa pisngi ang Ama


“Bye Anak magingat kayo lalo kana”bilin ng Dad nya. Ngumiti sya at tumango saka lumabas na ng Mansyon.



“Goodmorning”naka ngiting bati ni Razel


“Goodmorning din”bati nya ng naka ngiti



“Tara na?”



Tumango sya at sumakay sa front seat ng pinagbuksan sya ni Razel. “Kumain kana ba ng almusal?”tanong ni Razel


“Oo sabay kong kumain si Dad, ikaw ba tapos kanang kumain ng Almusal?”



“Oo tapos narin, sorry kong hindi kita masasamahan sa pag sali mo sa Dance Club may basketball practice kasi kami ngayong umaga”



“Okay lang ano ka ba, kasama ko naman si Maurine. Mag fucos ka nalang sa basketball practice nyo”



“okay basta panonoorin mo ako ngayon biyernes ah, Para magka energy ako lalo”


“Oo ba i checheer pa kita eh”


“Talaga? sabi mo yan ah”





Pagdating sa PU ay hinatid sya ni Razel sa Classroom nya. “Bye kita nalang tayo mamaya”aniya


“Okay bye”




***



“Alam mo Russy kung hindi lang kita kilala iisipin ko ng mag Boyfriend-Girlfriend kayo ni Razel, ang sweet nyo kasi”sabi ni Maurine sabay sundot sa tagiliran nya. Nasa school field sila ngayon dahil opening na ng school clubs.



“Grabe ka wag mo nga kaming bigyang malisya, magkaibigan lang kami ni Razel at isa pa hindi ko kasalanan kong sweet kami sa paningon mo, sisihin mo si Razel dahil napaka sweet nya”


Muli na naman syang sinundot ni Maurine sa tagiliran “Ayiiieee kilig ka naman sa ka-sweet-an ni Razel yiee”



“Syempre oo hindi naman ako bato at babae din ako, kahit sino naman kikiligin kong ganiyan ka sweet si Razel”




Kahit pumila na sila sa labas ng Tent ng Dance Club ay hindi parin tumigil si Maurine sa panunudyo sa kaniya tungkol kay Razel.



“Isulat mo ang buong pangalan at number mo”sabi ng president ng Dance Club.




She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now