Chapter 5

7.4K 164 0
                                    

*Russ*


Sabado ng hapon ay nag ja-jogging si Russ at kanina nya pa naramdang may nag mamasid at sumusunod sa kaniya. Bahagyang tinagilid ni Russ ang ulo at nakitang may lalaking naka itim lahat sa hindi kalayuan sa kaniya.


Sino yon? 'yon ba ang lalaking sumusunod kay Russ? Nag patuloy sa pag jogging si Russ at lumiko sa kaliwang banda na walang ka tao-tao. Tama nga ang hinala ni Russ dahil naramdaman nya ang presensya ng lalaki at nong simpleng tinignan nya ito, pareho sa lalaking nilingon nya kanina. Anong kailangan nya kay Russ? Bakit sinusundan nya si Russ?



Pumasok si Russ sa iskinita at nong muli nyang tingnan ay bumilis na ang takbo ng lalaki. Binilisan ni Russ ang pag takbo saka niligaw-ligaw nya ang lalaki hanggang sa maka rating sya sa kabilang iskinita. Hinihingal na napa tukod sya sa tuhod nya.



"Hindi mo ako matatakasan Miss De Leon"nanlaki ang mata ni Russ ng biglang takpan ng lalaki ang ilong nya, Hindi huminga si Russ dahil alam nyang may nilagay na pampatulog sa panyo. Hinawakan nya ang kamay ng lalaki at marahas na hinila saka malakas na siniko ang gitna ng braso, kaya na hulog ang panyo. Inapakan nya ang paa at siniko ang dibdib ng lalaki sabay harap at sipa sa sikmura.




"Sino ka at anong kailangan mo sakin?"Tanong nya sa lalaki habang matalim nya itong tinignan.




Imbis na sumagot inataki sya ng lalaki na mabilis naman nyang nailagan. Tinagilid nya ang ulo at hinawakan ang kamay ng lalaki sabay suntok sa pangga. Hinawakan nya ang ulo ng lalaki at malakas na hinampas sa pader. Sumubsub sa semento ang lalaki habang hawak ang ulo. Kinuha naman yon ng pagkakataon ni Russ para tumakas.




Hingal na hingal na huminto sa pagtakbo si Russ ng maka labas sya sa iskinita. Nang maka kita ng concrete bench ay umupo sya doon at hinabol ang hininga.



"Russ!"



Napalingon sya sa likuran ng marinig ang pangalan nya pagkatapos ng malakas na busina. Napa tayo sya ng makita si Razel na lumabas ng kotse. "Hey"sambit nya ng maka lapit si Razel.



"Galing kang nag jogging? Hingal na hingal ka eh"puna ni Razel at nilabas ang panyo sa likod ng bulsa ng pantalon nya.



Nagulat si Russ ng punasan ni Razel ang pawis nya sa noo. "A-ah Oo galing akong nag jogging, ako na mag punas ng pawis ko Razel"sabi nya at akmang kunin ang panyo sa kamay ni Razel pero pinigilan sya nito.



"No let me Russ"marahang sabi nito kaya muling binaba ni Russ ang kamay nya. "Anong oras ka ba nag jogging? Grabe ang pawis mo oh saka hingal na hingal ka pa"tanong nito at tumigil na sa pag punas ng pawis ni Russ.



Salamat naman, nakakahiya!



"Oo nga eh saka hindi ko namalayan ang oras"palusot nya, hindi nya pwedeng sabihin ang totoong nangyari kanina.



"May gagawin ka pa ba pagkatapos ng jogging mo?"tanong ni Razel.



Umiling naman sya "Wala na naman bakit?"


Ngumiti naman si Razel "Dinner with me?"sabi nito


Bahagya syang nagulat pero agad ding naka bawi "Okay pero kailangan kong mag bihis pawisan ako oh"aniya, wala namang rason para tumangi.



"May Tshirt ako sa kotse yon nalang ang suotin mo"offer nito


"Sigurado ka? Wag na nakakahiya naman"gulat nyang sabi



"Dont be, Pumasok kana sa kotse at doon kana din mag bihis, Tinted naman ang kotse ko kaya walang makakita sayo, dito lang ako sa labas"




She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now