Chapter 33

3.4K 88 4
                                    

*Russ*


“Hey Girlfriend”nakangiting salubong ni Razel ng lumabas na siya ng mansyon. Pumulupot ang braso nito sa bewang niya sabay halik sa pisngi niya. “Good morning”bati ni Razel at pinagbuksan siya ng pintuan sa mustang nito.



“Good morning, Thanks”naka ngiti niyang tugon at pumasok na sa loob ng mustang ni Razel. Mabilis naman si Razel na naka ikot at umupo sa driver seat, He look so Damn hot. “Ngayon ko lang to nakita ang mustang mo, bagong bili mo?”tanong niya habang nagmamaneho ito patungo sa PU.



“No isa ito sa mga car collection ko, Simula ngayon dahil girlfriend na kita ito na ang palagi kong gagamitin para dagdag pogi points”sagot nito at kumindat pa. Tumawa siya at umiling



“Sus! Nagpapaimpress po siya”


“Dapat lang para hindi kana titingin sa iba at maghanap ng iba pero sigurado naman akong hindi mo iyon magagawa”


“At bakit? Bigyan mo nga ako ng rason”


“Dahil perfect package na ako gwapo, mayaman, matalino, varsity player, sexy at hot oh saan ka pa hahanap ng isang Razel Alexander Divera?”


“whoa ang hangin grabe! Jusko po!”



Tawa ng tawa si Russ sa mga kayabangan ni Razel na binabara naman niya hanggang sa dumating na sila sa PU parking lot.



“Susunduin kita after lunch okay?”sabi ni Razel ng makarating na sila sa classroom niya, obviously hinatid siya ni Razel. Tumango siya at nag sabi ng ‘okay’ hinalikan muna siya nito sa noo bago umalis.



Tuluyan na siyang pumasok sa classroom niya at na pansing lahat ng kaklase niya ay gulat na naka tingin sa kaniya at naka awang pa ang mga labi, kinibit balikat lamang niya iyon at dumeritso sa upuan. Expected na niya ang mga reaction nito, sinong hindi magugulat kong nong nakaraan lang ay bali-balitang nagkabalikan sina Razel at Savana tapos ngayon ay hinatid siya ni Razel sa classroom niya at hinalikan pa siya sa noo bago umalis, o diba sino ang hindi magugulantang.



“Hmm blooming ng Bff ko”Ngising aso na tudyo ng kaibigan niya. Ngumisi lamang siya at tumabi kay Maurine, Dahil wala pa ang professor nila ay nag chikahan muna sila ng kaibigan at hindi binigyang pansin ang mga kaklaseng tingin ng tingin sa kaniya.



“Whoa whoa look Russy”Ani Maurine at pinakita ang cellphone nito sa kaniya, Kunot noo niyang kinuha ang cellphone ni Maurine at tinignan ang News feed nito.



Savana and Razel is over because of Russ?, iyan ang caption. Nagulat siya ng makita ang fresh stolen picture nila ni Razel, Una sa parking lot na pinagbuksan siya ng pintuan ni Razel. Pangalawang pic ay nasa hallway silang dalawa ni Razel, naka pulupot ang ang kamay ni Razel sa bewang niya at ang pangatlong pic ay nasa pintuan sila ng classroom niya, yong hinalikan siya ni Razel sa noo. What the fuck? Sino ang kumuha lahat ng ito?



Pagdating ng lunch ay sinundo siya ni Razel sa Classroom niya at habang naglalakad sa hallway papuntang Cafeteria ay kapansin-pansin ang mga tingin ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Hindi niya iyon binigyang pansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Pagdating sa Cafeteria ay parang mga owl kong makatingin ang mga estudyante sa kanila, talagang sinundan sila ng tingin hanggang sa maka upo sila sa pwesto nilang magbabarkada. Nakakatawang isipin na napaka big deal para sa mga ito ang relasyon nila ni Razel. Manghang napailing na lamang siya.



Nasa counter si Razel dahil ito na ang kumuha ng pagkain niya, sanay na siyang si Razel ang kumukuha ng pagkain niya dahil ganun naman ito dati pa kahit na hindi sila. “Alam mo bang number one topic of the day kayo ni Razel dahil sa relasyon niyo Russ? Kahit sa room ay pinag-uusapan kayo ng mga kaklase namin”sabi ni Ryan


Tumaas ang mga kilay niya sa nabalitaan “Talaga? Saan naman nila nalamang kami na ni Razel?”painosenting tanong niya kahit alam na niya ang sagot, syempre nakuha ng mga ito sa Facebook dahil sa stolen shot nila ni Razel.



“May kumakalat na picture niyo ni Razel kaninang umaga nasa facebook pinost ng isang dummy account”sagot nito at tumango-tango naman siya.



“Nakakatawa lang dahil napaka big deal sa kanila ang relasyon namin ni Razel”naiiling niyang sabi na ikinatawa ng mga kaibigan niya.


“Big deal talaga lalo na sa mga fan girls ni Razel”sabi ni Maurine



“Mag-ingat ka sa mga fan girls ni Razel Russ mga war freak pa naman iyon”babala ni Brek


“Sila ang mag-ingat kay Russy baka hospital ang punta ng mga iyon”sabat ni Maurine na ikinatawa niya.



Nang dumating si Razel ay matiwasay silang kumakain. Sa kalagitnaan ng pag-inom ng tubig ni Russ ay nakita niyang nakatitig sa kaniya si Jerd, naka upo ito sa pinakadulo ng Cafeteria kasama ang buong groupo nito pero wala si Savana. Nagtaka siya dahil palagi naman nitong kasama si Savana mag Lunch. But yeah its none of her business.



“Wag mo akong pagselosin Russ”biglang bulong ni Razel sa tenga niya na ikinagulat niya. Tumaas ang isang kilay niya sa pagtataka sa binulong nito. “Nakatitig ka sa Jerd Lim na yon”nakasimangot na ito ngayon. Mahina naman siyang natawa.



“I love you”bulong nito sa tenga niya para hindi na magselos. Nagliwanag naman agad ang mukha nito sa sinabi niya. See? Magic. “I love you too”bulong din nito at nangingiting asong umupo ng maayos.



***


Sa hapon ay maaga silang natapos sa pag practice, Dumeritso siya sa locker room at nag bihis ng bagong damit, high waisted boyfriend jeans, White hangging crop top. Uwian na naman kaya okay lang ang damit na sinuot. Sinukbit na niya ang bag sa balikat at lumabas na ng locker room.



“Razel? Akala ko ba sa parking lot na tayo magkita?”aniya ng makitang naka sandal si Razel sa pader. Ngumiti ito at sinalubong siya at hinalikan sa noo.




“Nag bago ang isip ko tara na?”anito. Nakangiti naman siyang tumango. Pumulupot ang kamay nito sa bewang niya at tumungo na sila sa parking lot.




“Hindi ito ang daan papuntang bahay Razel saan mo ako dadalhin?”tanong niya ng makitang hindi pamilyar sa kaniya ang daan.



“Hulaan mo”pilyo nitong sagot at ngumisi, Napailing na lamang siya. May tiwala siya kay Razel at sigurado naman siyang hindi siya nito ipapahamak kaya hindi na siya nag salita pa. Hapon na at malapit ng mag sunset.



Matapos ang twenty five minutes driving ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Sa cliff. Pinagbuksan siya ng kotse ni Razel at agad naman siyang lumabas, Gentleman.



“Na gustuhan mo ba?”tanong nito sa malambing na tono at kinuha ang kamay niya para igiya papalapit sa cliff na may malaking tent sa gilid at may picnic blanket sa gitna na meroong mga pagkain.



“Wow kailan mo pa ito senet-up?”Aniya at umupo sa picnic blanket, tumabi naman sa kaniya si Razel at pinagsalikop ang mga kamay nila.



“Kanina habang nasa practice ka pa, nagustuhan mo ba?”



“Oo naman nagustuhan ko thank you!”



“You’re welcome baby”




Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ni Russ sa simpleng ginagawa ni Razel sa kaniya. Masaya silang nag kwentuhan at sabay nilang pinanood ang pag lubog ng araw. Sunset Date sabi ni Razel at sumangayon naman siya, napaka perpekto ng kanilang Date. Unang date sa simula ng kanilang relasyon bilang mag boyfriend at girlfriend.




Pagdating ng gabi ay gumawa ng bonfire si Razel habang siya naman ay nag hahanda ng pang dinner nila. Madaming pagkain ang dinala ni Razel kaya hindi nagka problema. Matapos mag dinner ay nag sa-stargazing silang dalawa, Naka unan siya sa dibdib ni Razel habang nasa bewang naman niya ang kamay ni nito. So comfortable position and she loved it.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon