Chapter 32

3.3K 78 5
                                    

*Razel*



“iinom muna ako ng tubig”paalam ni Russ matapos ang kanilang chicken fight game sa swimming pool.

“Ako na dito ka nalang”presinta niya

“Sure ka? Okay lang namang ako na ang kukuha ng tubig ko”

“Ako na ang kukuha at paparating si April oh mukhang kakausapin ka, okay?”

“Okay salamat”


Umahon siya sa swimming pool at pumunta sa lamesa at kumuha ng plastic red cup at sinalinan iyon ng tubig, Babalik na sana siya ng dumating ang boyfriend ni April, si Luke.


“Pwede ka bang makausap Razel?”tanong nito sa malalim na boses.


Nagtataka man kong anong pagusapan ay tumango na lamang siya “Sige, ibibigay ko lang to kay Russ"aniya at tumango naman si Luke kaya nilapitan na niya si Russ na tumatawa sa sinasabi ni April.


“Salamat”anito at ininom ang tubig, ngumiti naman siya.


“Sa loob muna kami ng kuya Luke mo may pag-uusapan daw kami”paalam niya

“Ha? Anong pag-uusapan nyo?”tanong nito at bumaling kay April na nagkibit balikat lang.

“Hindi ko rin alam kong anong pag-uusapan namin”aniya


“Dont worry Razel hindi nangangagat si Luke”ani April at kumindat pa. Tumawa lamang siya at muling nagpaalam kay Russ na pupuntahan na niya si Luke.



Nang makapasok sa loob ay sa kusina sila pumasok, Akala niya ay silang dalawa lang ni Luke ang mag-uusap pero tumaas ang kaniyang isang kilay ng nagsipasukan ang mga lalaking groupo ni Russ. Naisip niyang mukhang seryoso ang pag-uusap na ito.


“Anong pag-uusap at lahat kayo nandito?”deritsang tanong niya at humalukikip habang naka sandal sa counter.


“About Russ”sagot ni Luke na naka halukipkip din. Nasa harapan niya ang mga ito habang nag-iisa naman siyang naka tayo sa kinatatayuan niya ngayon.


“Okay spill it”kalmado niyang tugon.



“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Razel Hindi magsisinungaling samin si Russ kaya alam namin ang pagka disgusto mo sa mga gangster dahil sa pagkamatay ng ate mo. Ngayon sagutin mo ako, Mahal mo ba talaga si Russ o may iba kang intensyon? Sasaktan mo siya para maka higanti sa aming mga gangster kahit na hindi si Russ, hindi kami ang dahilan kong bakit namatay ang ate mo pero gangster parin kami, si Russ, at kinasusuklaman mo ang lahat ng gangster sa buong mundo”



Napatiim bagang siya ng masali sa usapan ang nanahimik na niyang kapatid pero sinagot niya parin ang tanong ni Luke. Alam niyang concern lang si Luke at ang buong groupo kay Russ at naiintindihan niya iyon. “Oo galit ako sa mga kagaya nyo dahil sa pagkamatay ng ate ko, kinasusuklaman ko ang lahat ng gangster sa buong mundo, pero alam kong iba si Russ, gangster siya pero alam kong hindi siya mamatay tao at hindi si Russ ang gumahasa sa ate ko o kasamahan ng mga gangster na yon kaya wala akong masamang intensyon sa kaniya. Ang intensyon ko lang ay mahalin siya at pasayahin. Nahuli na ang mga gangster na gumahasa sa ate ko at naparusahan na sila na dapat sa kanila at sapat na iyon sakin, wala akong pakialam kong gangster siya tanggap ko siya kong ano siya, mahal na mahal ko siya higit pa sa iniisip nyo at po-protektahan ko siya sa abot ng makakaya ko”




Hindi niya pinutol ang tingin sa mga mata ni Luke habang nag sasalita hanggang sa matapos siya, gusto niyang malaman nito na seryoso siya sa mga binitawang salita at seryoso siya kay Russ. Tahimik lamang si Luke habang seryosong naka tingin sa kaniya na para bang pinag-iisapan nito ang mga sinabi niya. Tahimik lang din ang limang lalaki sa gilid ni Luke. Sandali pa silang nagkatitigan ni Luke, Inalis nito ang pagka halukikip at tumango at may umukit na ngiti sa labi nito habang lumapit sa kaniya.



“Good, iyon lang ang gusto kong marinig”Anito at tinapik ang balikat niya “Mabuti ng nagkakaintindihan tayo dito, para ko ng kapatid yan si Russ, importante siya sakin at ayoko siyang nasasaktan at pag umuwi yon ng luhaan ng dahil sayo sakin ka mananagot, nagkaintindihan ba tayo?”



“Noted sir”aniya at sumaludo.



“Wag mong saktan si Russ kong ayaw mo kaming makabangga, prensesa namin yon kaya importante samin ang prensesa namin”sabi ni Michael at ngumisi




Isa pang tapik galing kay Luke ay umalis na ito sa kusina sumunod naman ang iba na tinanguan pa siya bago lumabas ng kusina, aalis narin sana siya ng makitang naka tayo pa si Marcus sa kinatatayuan nito habang naka tingin sa kaniya.



Tumaas ang kilay niya, seryoso ang mukha ni Marcus. Lumapit ito sa harapan niya habang naka pamulsa. “Alam kong aalagaan at iingatan mo si Russ dahil mahal mo siya pero pag may isang butil na luha ang pumatak sa mata niya at ikaw ang dahilan non ako ang makakalaban mo Razel, special sakin si Russ kaya ayoko siyang nasasaktan, Hindi ako kontrabida sa relasyon niyo kaya wala kang ipangangamba pero pag sinaktan mo siya hindi ako magdadalawang isip na kunin si Russ sayo”




Nainis siya sa huli nitong sinabi pero binalewala na lamang niya hindi oras ngayon para mag yabangan. Tumango siya at ngumisi. “I wont hurt her kong iyan ang gusto mong marinig, at tama na sa mga banta madami na ako non”Tumawa siya at natawa din si Marcus.



Sabay silang lumabas ni Marcus at agad naman niyang nilapitan si Russ na kausap parin si April pero kasali na ang pinsan niyang si Maurine ngayon, nagtatawanan ang mga ito. Ng malapit na siya ay nilingon siya ni Russ at nginitian. Oh that smile damn.


“Hey kamusta ang usapan nyo?”usisa nito. Tumabi naman siya ng upo kay Russ at nilubog ang mga paa sa tubig.


“Okay lang naman you know boys talk”sagot niya at tumango-tango naman ito.


“See hindi nangangagat si Luke”biro ni April at nagtawanan sila.



Patuloy ang masayang birthday ni Russ, Nagsitipunan sila at bumuo ng malaking bilog. Nagkayayaan na mag laro ng card games at sumangayon naman ang lahat, three cards ang lalaruin nila kong sino ang mababa ang cards ay may consequence, iinom ito ng pinaghalo-halong alak nina Nash at Marcus. Rum, vodka, tequila, brandy at the bar pink Gin. Iyan ang mga pinaghalo-halong alak.




“The fuck ang tapang hoo!”bulalas ni Jansin dahil ito ang may pinakamababang cards. Tinawanan lamang nila ito at nagpatuloy sa paglalaro ng three cards hanggang sa maubos ang inomin.



Kaya pagdating ng umaga ay lahat sila ay nagka hang-over, halos ang marinig mo sa buong mansyon ay mga malulutong mura dahil sa sakit ng ulo. Sino ang hindi magkaka hangover sa ininom na alak kagabi? Puro matatapang. Nagsitipunan sila sa living room habang nag hihintay sa soup na niluluto pa ng kasambahay nina Russ.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now