Chapter 25

3.2K 76 0
                                    

*Russ*


Nagtataka si Russ nang hindi niya nakita si Razel buong araw at wala din siyang natanggap na tawag at text galing dito, pumunta siyang gym nag-babakasakaling nandoon si Razel pero wala naman tinanong niya rin ang ka-team nito pero sinabing hindi daw nila nakita ito.


Kumunot ang noo niya dahil ang sabi sa kaniya ni Ryan ay pumasok naman daw si Razel nitong umaga. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang kinabahan, umiling siya ng nanumbalik ang pagbangit ni Ian sa pangalan ni Razel kahapon. Hindi naman siguro gagalawin ni Ian si Razel, Pero naka takas si Ian kahapon!


Wala sa sariling kinuyom niya ang palad dahil sa biglaang galit, wag lang talagang maisipan ni Ian na galawin si Razel baka mapatay niya ito.


Sa sumunod na araw ay nagliwanag ang mukha ni Russ ng sa wakas ay nakita na niya si Razel palabas ng kotse nito. Sinadya niya talagang gumising ng maaga para hintayin si Razel sa parking lot. Malaki ang ngiti niya ng matanaw niya ito, tumayo siya sa pagkaka-upo sa hood ng kotse niya at sinalubong si Razel.


“Good morning!”masaya niyang bati, may malaking ngiti sa labi niya pero unti-unti yong na wala ng mapansin niya ang lamig ng tingin ni Razel sa kaniya. Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi niya at bigla siyang kinabahan lalo na’t hindi nagsalita si Razel at malamig lang siya nitong tinignan. Tumikhim siya at muling ngumiti pero hindi na yon umabot sa mata niya.


“Hi hindi kita nakita buong araw kahapon okay ka lang ba? Nagkasakit kaba kaya hindi ka pumasok?”


Hindi parin nagsalita si Razel. Hindi siya tanga, alam niyang may mali kay Razel at kong ano man yon aalamin niya. “R-Razel may problema ba?”imbis na sagutin nilampasan siya nito, parang nalaglag ang puso niya at hindi siya maka paniwalang sinundan ng tingin si Razel.

***


“Russy may problema ba kayo ni Razel? Napansin ko kasing tahimik kayo at hindi nagpapansinan?”Sabi ni Maurine sa gitna ng klasse nila. Nilingon niya ito at nginitian.


“Dont worry Mau okay lang kami”tipid niyang sagot sa kaibigan dahil hindi niya alam kong paano ito sasagutin. Kaninang lunch ay sinubukan niyang kausapin si Razel pero para itong walang narinig nag mumukha na siyang tanga kakausap dito pero wala siyang nakuhang sagot.



Pagkauwian sa hapon ay nagmamadaling nagpaalam si Russ kay Maurine ng makita niyang lumabas ng building si Razel. Lakad takbo ang ginawa niya para lang mahabol si Razel na patungo sa parking lot. “Razel!”tinawag niya ito ng paulit-ulit pero hindi ito lumingon o huminto man lang.


“Teka lang Razel!”lumakas ang pagtawag niya dito ng pumasok si Razel sa kotse at agad na umalis. Hinabol niya ito pero pumaharurot na ang kotse. Napahawak siya sa tuhod at malalim na huminga dahil sa pagtakbo.



“Well well well”


Nilingon niya ang boses na iyon at agad na uminit ang ulo niya ng makitang si Savana iyon. Tumayo siya at pumunta sa kotse, bago siya tuluyang maka alis ay nakita niya ang demonyong ngiti sa labi ni Savana, Na para bang nag tagumpay ito sa plano niya. Then Realization hit her, may kinalaman ba si Savana sa malamig na tungo ni Razel sa kaniya?.... Bitch!






Biyernes ng gabi ay nasa kalagitnaan ng one on one fight si Russ, lahat ng frustration niya ay binuhos niya lahat sa lalaking ka one on one na para bang punching bag lang ang kaharap nito dahil sa malakas at mabilis niyang pagbato ng suntok at sipa. Maingay ang buong arena matapos ang laban at siya ang nanalo, tiningnan niya ang lalaking hingal na hingal na naka higa sa sahig at may dugo ito sa ilong, kilay at may putok na labi.



Tinaas ng MC ang kanang kamay niya ng dineklara nitong siya ang panalo hingal na hingal siyang napatingin sa mga tao, huminto sa entrance ng Arena ang paningin niya na may maraming taong naka tayo para manood ng laban, Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang lalaking naki halo sa mga taong nanood ng laban. Madami siyang tanong, Kanina pa ba siya nandyan? Nakita niya ba ang buong laban? Paano siya naka punta sa Arena?


Nagkatinginan silang dalawa pero malamig ang mga mata nitong naka tingin sa kaniya at kahit malayo siya nakita niya paring naka tiim bagang ito. Malakas ang kabog ng puso niyang binawi ang kamay na hawak ng MC at tumalon sa stage, nakita niyang tumalikod at lumabas ng pintuan si Razel kaya nataranta siya at mas binilisan niya pa ang takbo.


“Razel!”tawag niya ng nasa labas na sila ng Arena. “Razel teka lang!”mabilis niyang inabot ang braso nito ng maabutan niya ito. “Raze----”



Marahas na hinablot ni Razel ang braso niya at mataman siyang tinignan, Halatang-halata sa mga nito ang galit. “You know what? Wag ka ng magpakita at wag ka ng sumubok na kausapin ako”malamig nitong sabi


“Razel lets go”


Napatingin si Russ sa itim na convertible lambo na kakarating lang, Natigilan ng makita si Savana sa driver seat na mayroong ngiti sa labi or more like mapanuyang ngiti. Napatingin siya kay Razel ng tumungo ito sa kotse ni Savana. “Wait Razel let me explain!”tarantang sabi niya ng umupo nasa front seat si Razel.


“Bye Russ”mapanuyang sabi ni Savana at pinaharurot na nito ang Lambo.


Hindi siya makapaniwala sa nakita! Bakit magkasama si Savana at Razel?...one moment and it hit her! Si Savana ang nag dala kay Razel sa Arena at may possibelidad na sinabi ni Savana kay Razel kong ano talaga siya.



“I hate Gangster” Nanghina sa kinatatayuan si Russ ng mag echo ang sinabi ni Razel sa kaniya noon.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now