Chapter 40

4.2K 91 4
                                    

*Russ*



Unti-unting nagmulat ang mata ni Russ at tumambad sa kaniya ang medyo madilim na silid, tinignan niya ang kaniyang paligid at dahan-dahang inangat ang kanang kamay at nakitang may naka tusok doong IV kaya napagtanto niyang nasa hospital room siya. Napatingin siya sa kaniyang kaliwa ng may gumalaw, isang tingin lang ay alam niyang si Razel iyon, naka-upo ito sa puting silya habang naka subsub ang
mukha sa espasyo ng kama niya habang hawak ang kamay niya.



Hindi makapaniwala at the same time masaya si Russ dahil buhay siya, ang akala niya ay mamatay siya dahil sa dalawang putok na pinakawalan ni Ian. Nong inako niya ang bala na para kay Razel ay tinanggap na niya sa sarili na mamatay siya, okay lang para sa kaniya na mamatay siya keysa si Razel ang mamatay, Oo napaka selfish. Pero hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kong may masamang mangyari kay Razel, Pero hindi siya pinapabayaan ng diyos at binigyan siya nito ng ikalawang buhay na pinagpapasalamat niya.



Marahan niyang hinaplos ang kamay ni Razel gamit ang hinlalaki niya. “Razel”mahina at paos niyang tawag sa pangalan ni Razel. “Razel”muli niyang tawag at ngayon ay medyo malakas na.



Sa pangalawang tawag ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Razel ng magising at napa-upo ng maayos, malalaki ang mata nitong nakantingin sa kaniya. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti “Razel”muli niyang bangit.



“Russ!”malakas nitong sabi at mabilis na tumayo kaya natumba ang silya. Niyakap siya nito at siniksik ang mukha sa leeg niya. “Thank god you’re awake”bulong nito sa leeg niya, niyakap niya rin ito gamit ang kamay na walang naka tusok na IV. Bahagyang napa ngiwi si Russ dahil sumakit ang kaniyang likod ng marinig ni Razel ang mahina niyang daing ay mabilis itong lumayo sa kaniya at tumayo. “Im sorry sorry sumakit ba ang likod mo? Sorry”tarantang sabi nito.



Bago pa makasagot si Russ ay nakarinig siya ng mga kaluskos at lumiwanag ang buong silid na bahagya niyang ika pikit ng mata.


“Russ!”

“Salamat sa diyos at gising kana!”



Ngayon niya lang napagtanto na hindi nag-iisa si Razel sa silid niya, Naroon din si April, Luke at Marcus. Ngumiti siya sa mga ito at sinubukang bumangon pero napa daing na naman siya dahil sumikdi ang sakit sa likod niya, agad naman siyang hinawakan ni Razel.



“Please wag ka munang gumalaw Russ”Puno ng pag-alala ang boses at mukha nito. Tumango siya at ni-relax ang sarili.




“Salamat naman at gising kana Russ pinag-alala mo kami”sabi ni April na nasa kanan ng kama niya. Agad na kinain ng konsensya si Russ dahil sa sinabi ni April.



“Sorry kong pinag-alala ko kayong lahat”aniya


“wag mo nang isipin yon Russ ang importante ay ligtas ka at gising kana”sabi ni Luke at bahagya naman siyang ngumiti.


“May kailangan ka ba? Nagugutom o nauuhaw?”tanong ni Razel


“Ah gusto ko ng tubig”sagot niya at agad namang lumapit si Razel sa lamesa na puno ng pagkain at prutas. “ilang oras ba akong tulog?”sagot niya, napaka tuyo ng lalamunan niya at uhaw na uhaw siya.



Tinulungan siya ni Razel at April na bumangon at inayos naman ni Marcus ang unan na sasandalan niya. “Salamat”naka ngiwi niyang sabi dahil sa sakit ng likod niya. Naalala niyang doon siya nabaril. Tinanggap niya ang mineral water at agad na uminom.



“Hindi oras Russ isang linggo ka ng tulog”si April ang sumagot, natigilan siya sa pag-inom at napatitig sa pinsan, tipid na ngumiti ito at umupo sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. “Alam ni tito robert ang nangyari sayo Russ alalang-alala siya sayo”



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin