Chapter 16

4.4K 102 1
                                    

*Russ*


Sabado at nasa GW sina Russ, nasa harapan sila habang pinanood ang nag lalabang Dark Grip at Sculpture. Pero wala sa laban ang attention ni Russ dahil ang buong attention nya ay nasa cellphone. magka text kasi sila ni Razel ngayon.

From Razel:
Where are you? are you free today?

Hindi agad sya nakapag reply dahil sa tanong ni Razel, Malapit na magkaibigan sila ni Razel pero hindi nito alam na isa syang Gangster, Hindi nya kasi sinabi. Actually hindi nya sinabi sa buong barkada, Natakot kasi sya na baka pag sinabi nyang isa syang gangster, lalayuan sya ng mga ‘to at mawawalan na sya ng kaibigan.
Sa buong buhay nya ngayon lang sya nagkaibigan ng totoo, ayaw nyang mawala ang kaibigan nya sa isang kisap mata. kaya minabuti nalang nyang itago sa sarili ang secreto nya.



To Razel:
Nasa bahay lang ako nagpapahinga masama kasi ang pakiramdam ko

Mariin nyang kinagat ang ibabang labi dahil sa pag sisinungaling, hindi pa nga nag minuto na konsensya na sya dahil sa pag sisinungaling. Nagtatanong ng maayos pero sinagot nya ay kasinungalingan. Pero kailangan nyang mag sinungaling, hindi nya pwedeng sabihin na nasa Gangster world sya.


From Razel:
Bakit? may lagnat ka ba? pupunta ako dyan


Hindi nya mapigilang mapa ngiti kaya kinagat nya ang ibabang labi para walang makakita sa kaniya na ngumingiti na parang ewan. Kahit pagsisinungaling ang sinabi nya ay totoong nag alala ito sa kaniya kaya hindi nya maiwasang ma konsensya.

Sorry Razel kong nag sinungaling ako sayo.



Na-alerto sya sa sinabi ni Razel kaya napa-upo sya ng maayos. shit!



To Razel:
Wag na okay lang naman ako, pahinga lang to saka wala akong lagnat


“Russ tayo na ang lalaban”

Napalingon sya kay Marcus na katabi nya lang ng magsalita ito, seryoso ang mukha nito at napansin nyang saglit itong tumingin sa cellphone nya at napansin nya rin ang pag igting ng panga nito kaya pinatay nya ang cellphone at tinago sa bulsa.



Tumikhim sya at saglit na tumingin sa ring at nandoon na ang makakalaban nila ngayon, ang Bloods. Muli syang tumingin kay Marcus na naka tingin parin sa kaniya. Ngumiti sya at tumayo “okay tara na”aniya at sumabay sa lakad nina April.


“Our second match! Bloods vs. Black Logic!”Malakas na annunsyo ng MC sabay tunog ng bell at bumaba na ito sa ring.



Naramdaman ni Russ ang pag vibrate ng cellphone nya sa loob ng bulsa pero wala na syang oras na kunin ‘yon dahil sinugod at inataki na sya ng dalawang lalaki.

Mabilis nyang inilagan ang mga ataki ng dalawang lalaki at sya naman ang nagpa kawala ng suntok at sipa, Hinawakan nya ang kamao ng isang lalaki sabay siko sa dibdib at sipa sa tagiliran ng pangalawang lalaki. Pinagtuonan naman nya ang lalaking hawak nya ang kamao. Binigyan nya ito ng malakas na suntok sa mukha at pinilit ang braso sabay suntok ng dalawang beses sa sikmura at panga, tinaas nya ang kanang paa at sinipa ang gilid ng ulo.

May papaataki sa likod ni Marcus at hindi ‘yon pansin ni Marcus, Mabilis nyang nilapitan ang lalaki sabay hila sa jacket nito at nong humarap sa kaniya ay malakas nya itong sinuntok sa mukha at binalibag.


Humarap sa kaniya si Marcus na hiningal matapos patumbahin ang lalaki, saka ito tumingin sa lalaking pinatumba nya, mukhang nakuha naman nito ang nangyari. Nginitian nya ito at kinindatan.


She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon