Chapter 38

3.2K 79 0
                                    

*Russ*




Nasa kalagitnaan ng pakikinig si Russ sa discussion ng prof. niya ng biglang nag vibrate ang cellphone niya, nangunot ang noo ni Russ ng makitang unknown number iyon. Binuksan niya ang mensahe at malakas na kumabog ang kaniyang dibdib at marahas na napatayo sa upuan dahilan sa maingay na pagkatumba ng upuan.




“Ms. De leon are you okay?”tanong ng professor niya.

“Russy anong problema?”tanong ni Maurine.



Wala siyang sinagot sa mga tanong at mabilis na lumabas ng silid, napahinto siya ng tumambad sa kaniya ang tatlong bodyguards niya. “Is everything alright Ms. Russ?”tanong ni Greg.



Pilit siyang ngumiti sa bodyguard niya para hindi makita nito ang kaba at pagkabalisa niya. “Oo walang problema may kukunin lang ako sa library saglit at hindi niyo na ako kailangan samahan malapit lang naman dito ang library”aniya



Mukhang nag-alinlangan pa si Greg pero tumango din ito at bumalik sa pwesto. Agad siyang umalis at tinignan ang cellphone niya. Mariin niyang kinuyom ang palad. Ang mensahe ay may kasamang picture, Si Razel na naka tali sa isang upuan at may duck tape sa bibig at sugat sa itaas ng kilay. Tumiim bagang siya at mabilis na tumakbo papunta sa kotse niya.



Ang nakasulat sa Mensaheng natanggap niya ay ang address ng lugar at magdala siya ng tatlong million at hindi magdala ng kasama kong hindi ay papatayin nito si Razel. Wala siyang ganung kalaking pera pero wala siyang pakialam, mangyari na ang mangyari maligtas niya lang si Razel.




“Russ!”


Nilingon niya ang tumawag sa kaniya at nakitang si Jerd iyon, Halata sa mukha nito ang pagkabahala. “Kong may sasabihin ka pwede sa ibang araw nalang? May pupuntahan akong importante”aniya at binuksan ang pintuan ng kotse.



“Alam ko kong saan ka pupunta at doon din ang punta ko”anito ng tumigil sa harapan niya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ni Jerd.



“Sa loob na natin ito pag-usapan”aniya ay umupo sa driver seat, mabilis namang umikot si Jerd at umupo sa passenger seat. Agad niyang pinaharurot ang kotse palabas ng University. “Anong ibig mong---”Natigil siya ng mag vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag ni Maurine.


“Mau..”


“Russy anong nangyari? Nasaan ka?”



“Mamaya ko na sasabihin sayo Mau basta wag kang humiwalay kina Greg”



“Bakit? Ano bang nangyayari? Okay ka lang ba, nasaan ka ba?”




Hindi na siya sumagot at pinatay ang tawag, Binuksan niya ang GPS tracker at trinack ang address ng lugar “Anong ibig mong sabihin na doon din ang punta mo sa pupuntahan ko?”tanong niya ng hindi tumitingin kay Jerd.




“Tinawagan ako ni Savana kanina pero hindi kami nakapag usap pero may narinig akong boses ng mga lalaki at mga daing ni Savana, sigurado akong may masamang nangyari sa kaniya at narinig ko ring binangit ng isang lalake na nakuha nadaw nila si Razel”paliwanag nito.




“Bakit nandoon si Savana? Anong ginagawa niya doon?”tanong niya dahil naguluhan. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang umiling si Jerd at bumuga ito ng hangin.




“Hindi ko alam, simula nong pinadukot ka niya ay hindi ko na siya makita. hindi ko din siya nakausap sa gabing iyon”





Nakalabas na ngayon ng lungsod sina Russ at tinatahak na niya ngayon ang masukal na daan, hindi siya pamilyar sa lugar. Sino ba ang nasa likod nito kong may masamang nangyari kay Savana?. Habang papalapit sa lokasyon ay humihigpit ang hawak ni Russ sa manubela.




Hininto ni Russ ang kotse sa likod ng malaking puno hindi kalayuan sa isang lumang mansyon. Binuksan niya ang compartment at kinuha doon ang dalawang baril na puno ng bala at binigay ang isa kay Jerd.





“May anim na bantay sa harap ng Mansyon at apat naman sa likod”sabi ni Jerd habang nakatingin sa cellphone nito, Hinack kasi nito ang CCTV footage ng Mansyon. Tumango naman si Russ at kinasa ang baril.



“Alam mo ba kong paano patayin ang lahat ng CCTV?”tanong niya


“ten sec”anito at napangisi naman siya. Mabuti nalang pala at marunong mang hack itong si Jerd. “and done”ngumisi ito.




Dahan-dahan silang lumapit sa mahabang pader na nakapalibot sa buong mansyon. Umakyat si Russ sa malaking puno na halos kapantay lang ang pader at ganun din ang ginawa ni Jerd sa kabilang puno. Tumingin siya sa banda ni Jerd at tumango, tumango din ito. Itinaas ni Jerd ang kaliwang kamay at nagbilang ng hanggang tatlo. Hinanda ni Russ ang baril na may silencer at ng mag tatlo ay mabilis na binaril ni Russ ang tatlong lalake at ganun din ang ginawa ni Jerd.



Halos magkasabay na tumalon sina Russ at Jerd sa mahabang pader at maingat na pumasok sa loob ng lumang mansyon, may limang tauhan ang nasa loob at bago pa ang mga itong umaksyon ay binaril na iyon ni Russ at Jerd.



“Sa kanan ka at ako sa kaliwa”aniya at tumango naman si Jerd.




Umakyat siya sa ikalawang palapag ng mansyon. Maingat niyang binuksan ang mga silid at puro iyon walang laman.



“Wag kang kikilos at itapon mo ang baril”



Natigilan si Russ sa kinatatayuan ng marinig ang boses ng lalake. Dahan-dahan siyang humarap sa lalake at tumambad sa kaniya ang nakatutok na baril nito sa kaniya. “Itapon mo ang baril mo”utos nito at may kinausap gamit ang earpiece. Fuck!




Binitawan niya ang baril at lumapit naman ang lalake sa kaniya, Nang makalapit ito ay mabilis niyang sinipa ang kamay na may hawak na baril sabay suntok niya sa panga at tuhod sa pagkalalake nito. “Bitch!”sigaw ng lalake at sinugod siya. Hinanda naman si Russ ang sarili para sa atake ng lalake.




Mabilis ang atake ng lalake pero naiwasan naman iyon ni Russ, Yumuko si Russ at sinuntok ang mukha ng lalake, umikot siya sabay sipa ng likuran ng lalake, inupuan niya ang likod nito at hinawakan ang leeg at ulo sabay malakas na pilit pakaliwa. Nang malagutan ng hininga ang lalake ay lumabas na siya ng silid at nagpatuloy sa pag hahanap kay Razel.





Bumukas ang silid sa gilid ni Russ kaya mabilis niya itong siniko sa ilong at binaril sa tuhod. Nilapitan niya ito at tinutukan ng baril. “Nasaan ang lalakeng dinukot niyo?”aniya habang mariing tinignan ang lalake. Imbis na sumagot ang lalake ay may pinindot ito sa hamba ng pintuan dahilan ng biglang pag-ingay ang buong mansyon. Nandilim ang paningin niya sa lalake, malakas niyang hinampas ang mukha ng lalake sa pader kaya nawalan ito ng malay.




Bago umalis ay may nakita siyang baseball bat sa gilid ng silid, kinuha niya iyon at lumiko sa kaliwa. May mga tauhan siyang nakasalubong kaya hinanda niya ang baseball bat, Sabay-sabay na sumugod ang tatlong tauhan, bago pa ang mga itong makakuha ng baril ay agad niyang pinaghahampas ang mga ito ng baseball bat. Nakaramdam siya ng presensya sa likod kaya agad niyang inangat ang baril at sunod-sunod na binaril ang apat na lalakeng nasa likuran niya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now