Chapter 11

4.9K 117 2
                                    

*Russ*


Isang araw na ang lumipas matapos  makuha ng mga lalaki si Russ, Nae-kwenton narin ni Russ ang tungkol sa mga lalaking kumuha sa kaniya, pati yong isa pang lalaking unang gustong kunin sya. Expected na nyang magagalit ang groupo dahil nag lihim sya sa mga ito, Rule number 1 kasi ng BL (Black Logic) ay bawal mag sinungaling at nilabag nya ang ang unang batas.




“Sorry ate April, Kuya Luke”hinging tawad nya saka tinignan ang buong groupo “Ayoko lang kasing madamay kayo at mag-alala kaya hindi ko sinasabi sa inyo”paliwanag nya habang naka-yuko.




Tumabi ng upo si April sa kaniya saka niyakap sya “Syempre mag-alala kami sayo dahil importante ka samin Russ, isang groupo tayo kaya kong may problema ka sabihin mo samin dahil tutulungan ka naming solusyonan ‘yon okay?”mahinahong sabi ni April




“saka natural na mag-alala kami sa‘yo Russ dahil nag-iisang prinsessa ka namin, Gagawin namin lahat ma protectahan kalang, at hindi lang basta groupo ang meron tayo, pamilya na tayong lahat dito”sabi ni Michael




Lunes ng umaga ay nag-usap sina Russ at Dad nya sa Cellphone, Nasa Ibang bansa kasi ang Dad nya dahil sa trabaho. Lumabas na sya ng Mansyon ng pinatay na nya ang linya. Dederitso sana sya sa garahe ng lumapit ang security guard sa kaniya.


“Magandang umaga po Miss Russ, Sasabihin ko lang po na nasa labas po si Sir Razel”magalang nitong sabi



Saglit syang tumingin sa gate saka binalik sa guard ang tingin “Okay po salamat”sabi nya at lumabas ng Gate.



Yong nakita nya nong biyernes ng gabi sa rooftop nina Razel ay kinalimutan na nya. Baka nagka balikan ang dalawa kaya nag halikan, natural lang naman sa mag boyfriend-girlfriend ang mag halikan.


She’s cool now kaya walang problema.




“Hey Good morning”maligayang bati nya



Mabilis na tumayo si Razel sa pagkaka-upo sa hood ng kotse saka tumingin sa kaniya. “Good morning, kumain kana ba?”tanong nito



“Yup, Kanina ka pa ba dito? bakit hindi ka bumusina? hindi ko tuloy alam na nandito kana”sabi nya


Matagal na naka titig si Razel sa kaniya kaya lumapit sya dito at kinaway ang isang kamay sa harap ng mukha ni Razel. “Hoy! ang lutang mo, nag almusal ka na ba? pasok ka muna kaya para kumain”natatawang sabi nya



Napakamot ng batok si Razel at mahinang tumawa “Sorry akala ko kasi galit ka sakin kaya kinakabahan ako sayo”Prankang sabi nito



Ngumiti sya at umiling “Baliw bakit naman ako magagalit? sabi ko naman sayo diba, wala lang yon sakin”sabi nya



Huminga ng malalim si Razel saka ngumiti ng maluwag “So we’re cool?”tanong nito

“Yup, nag almusal kana ba? pasok muna tayo kong hindi pa”


“Tapos na akong kumain, tara na baka malate kapa, Seven am pa naman ang klase mo ngayon”


“Right! lets go”



Habang nasa byahe ay nag usap silang dalawa, Masaya sya dahil okay parin silang magkaibigan. ang akala nya pagkatapos sa nakita nya non sa rooftop ay hindi na sya kakausapin ni Razel at isa pa hindi sya nito kinausap matapos ang game.



“Russ sorry pala sa inasal ko nong biyernes matapos ang Game”sabi nito


“Its okay, sabi ni Mau tinopak ka lang kaya ka nagka ganun”aniya at natawa si Razel.


She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now