Chapter 30

3.7K 99 6
                                    

*Russ*


Naalimpungatan si Russ ng sunod-sunod na nag ingay ang kaniyang cellphone, Tamad niya itong kinuha at sinagot at muling pumikit. Antok na antok pa siya!


“Ano? siguraduhin mong importante ang sasabihin mo kong ayaw mong malibing ng buhay”inis niyang bungad sa tumawag.

Tumawa ang nasa kabilang linya na nagpa kunot ng noo niya. “That’s harsh, sorry to disturb your sleeping but you need to get up, I'm outside of your house”pilyo nitong sabi at namatay ang linya.


Nanlaki ang mga mata niya at napabangon “Razel!"bulalas niya at tinignan ang screen ng cellphone pero patay na ang linya. Kinuha niya ang itim na hoodie saka sinuot at napatingin sa digital wall clock, 11:45pm na. Mabilis siyang bumaba at lumabas ng bahay.


Agad na tumayo si Razel sa pagkaka-upo nito sa hood ng makita siya may malaki itong ngiti sa labi habang sinalubong siya. “Hmmm ilibing ng buhay huh?”panunuya nito na ikinailing niya. Nang aasar ba to?



“Anong ginagawa mo dito malalim na ang gabi oh”aniya at nag taas ng isang kilay. hindi pinansin ang sinabi nito. Ngumiti lamang ang kaharap at hinapit siya sa bewang.


“May pupuntahan tayo, sandali lang ito promise”anito at binuksan ang pintuan ng front seat. Tinignan niya ito dahil sa pagtataka “As in ngayon na? Hindi ba pwede ipagpa bukas yan?”aniya


“Hindi pwedeng bukas dahil iba naman ang para bukas”sabi nito at kumindat pa


“Okay pero ang weird mo”aniya at humalakhak naman ito.


Pumasok na siya sa loob ng kotse at inayos ang seatbelt, mabilis namang umikot sa driver seat si Razel at binuhay ang kotse, bago sila umalis ay nahuli niyang nakatitig si Razel sa kaniya habang nangingiti. “Ano? Bakit ba ang weird mo ngayon?”Tawa lang ang sinagot nito sa kaniya at umalis na sila.


***



“Bakit tayo nandito?”tanong niya ng makarating sila sa isang cliff. Pinagbukasan siya ni Razel ng pintuan at agad naman siyang lumabas at sabay silang lumakad hanggang sa gitna ng cliff. Namangha siya sa magandang tanawin lalo na sa bilog na bilog na buwan na nag re-reflec sa tahimik na dagat. Tinignan niya si Razel at nagtama ang kanilang mga mata. “Ang ganda dito lagi ka bang nandito?”tanong niya


“Oo bata palang ako lagi na akong pumupunta dito. Matapos ang skwela at pag weekend ay dito ako pumupunta, maganda kasi dito tahimik at walang mang-gugulo sayo, minsan ko naring dinala ang ate ko dito, Nag pi-picnic kami at nag papalipad ng sarangula. Pag pinapagalitan ako ni Mommy, pag nagtatampo at galit dito ako pumupunta, Nong nag high school ay dinala ko sina Ryan dito at lagi kaming tumatambay dito pag walang klase o kaya naman pag nag di-ditch kaming apat pag hindi namin gusto ang guro. Minsan pa ay nag ca-camp kaming apat dito, natulog sa maliit na tent na dala ni Brek, para kaming sardinas na nilagay sa maliit na lata”may masaya itong ngiti habang nag kwento.




“Hindi na nakapagtataka kong bakit paborito mo itong lugar dahil ang dami-dami mong masasayang alaala dito kasama ang mga kaibigan mo at lalo na sa ate mo”



“Oo tama ka”kinuha nito ang kamay niya at marahang gumuguhit ng pabilog sa likod ng kamay niya gamit ang hinalalaki nito. Para namang may kuryenteng dumaloy sa kamay ni Russ papunta sa batok niya. “At gusto kong madagdagan ang masayang alaalang yon Russ na kasama ka”dagdag nito na ikinabilis ng tibok ng puso niya. Huminga ito ng malalim.


“Russ maintindihan ko kong mabibilisan ka sa mga pangyayari ngayong gabi pero hindi ko na kayang mag tiis at mag hintay Russ. Sapat naman siguro ang pagkakaibigan natin diba? Matagal-tagal narin tayong magkakaibigan at kilala na natin ang isat-isa, Sapat na naman siguro yon diba?”Nahimigan niya ang pangamba sa boses ni Razel.


Ang lakas ng kabog ng puso ni Russ na para bang gusto ng puso niyang lumabas at mag tatalon pa. Hindi siya pinanganak kahapon at lalong-lalo na’t hindi siya tanga para hindi ma intindihan ang sinabi ni Razel. Nagbabadya ang luha niya pero pinigilan niya itong magsi patakan, Masaya siya napakasaya niya dahil hindi niya akalaing pareho sila ng nararamdaman ni Razel.


“H-ha? Ano bang sinasabi mo Razel?”nanginig ang kaniyang boses. Gusto niyang kumpirmahin ito baka nag a-assume lang siya sa kaniyang iniisip.



Ang paghawak nito sa kamay niya ay umakyat patungo sa pisngi niya, marahan nitong hinaplos ang pisngi niya, Napapikit siya dahil sa haplos nito at ng minulat ang mata ay nagtama ang kanilang mga mata. “I love you Russ Abigail De Leon papayagan mo bang mahalin ka ng isang Razel Alexander Divera?”Paos ang boses nitong tanongin siya.



Hindi napigilan ni Russ ang isang butil ng luha ng mahulog ito at sinundan pa ng isa at isa pa. Tears of joy. “Shit Russ please wag kang umiyak”tarantang sabi nito na ikinatawa niya ng mahina. Tinignan niya ito at ngumiti.


“Russ?”

“Oo Razel papayag akong mahalin ng isang Razel Alexander Divera”aniya ng nakangiti. Natawa siya dahil napaka priceless ng reaction nito sabay yakap, napa tili siya ng umikot si Razel habang yakap parin siya. “I love you too Razel”mahinang aniya sa tenga ni Razel. Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya.


“So girlfriend na kita ngayon? Tayo na?”para itong bata nag nagtanong ng kumalas na sila sa yakap.

Mahina siyang tumawa at humalukipkip “Tayo na agad? Niligawan muna ba ako?”biro niya. Pinulupot naman nito ang kamay sa bewang niya at hinapit pa siya nito para mas malapit silang dalawa.


“Edi liligawan kita araw-araw kahit na girlfriend na kita”


Girlfriend... Ang sarap pakinggan. Ngumiti siya at pinisil ang ilong ni Razel “Edi tayo na”aniya at tumawa, malakas namang sumigaw ng ‘YES!’ si Razel.



Sabay ng pagsigaw nitong YES! ay biglang umilaw ang paligid. Tumingala siya at nakitang may mga white christmas lights ang naka sabit sa mga puno, nagulat pa siya ng may biglang pumutok ng dalawang beses. Tumingin siya sa kanilang likuran at doon nakita ang mga kaibigan. Sina Ryan at Jason ay naka hawak ng party popper samantalang si Brek ay naka hawak ng neon tarpulina na may naka lagay na CONGRATULATIONS & HAPPY BIRTHDAY RUSS! habang si Maurine ay may hawak na chocolate cake.


“Maligayang bati sa bagong mag Jowa! At Happy Birthday Russ!”sabay ng apat



Umawang ang kaniyang labi at napa kurap-kurap. Tinignan niya si Razel na may ngiti sa labi at kumindat pa. Muli niyang tinignan ang mga kaibigan na tumatawa dahil sa reaction niya. “A-anong ginagawa nyo dito? Kanina pa ba kayo nandito?”



Si Ryan ang sumagot sa mga tanong niya “Yup kanina pa kami nandito nasa unahan lang ang kotse namin para hindi mo makita”



“Plinano lahat ito ni Razel para tanongin kang maging Girlfriend niya, pero kami ang nag-ayos dito siya lang ang nag Plano Sinabi niya samin na magkaayos na kayo at gusto niyang maging kayo na talaga, gusto naming maging masaya kayong dalawa kaya agad kaming pumayag sa gusto niyang mangyari kaya heto”



“Oh ano pa Maurine may sasabihin ka pa? May idadagdag ka pa ba? Ang daldal mo talaga no?”Pambabara ni Razel at nagtawanan naman sila samantalang si Maurine ay umirap lamang kay Razel at agad na nilapitan siya.



“Happy birthday!”bati nito at niyakap siya gamit ang isang kamay.


“Thankyou!”



Nag lapag ng malaking picnic blanket sina Ryan at Jason kaya doon sila nagsi upuan at nilagay sa gitna ang cake, may dala din ang mga ito na paper plate at disposable plastic fork at coke in can.

Nilingon niya si Razel na nakatitig lamang sa kaniya “Its 12 midnight Russ Happy Birthday”mahina nitong sabi at ngumiti naman siya.


“Thank you sinurpresa mo talaga ako sa mga pakulo mo”


Ngumiti ito at hinalikan ang noo niya, Napapikit siya ng maramdaman ang labi ni Razel sa noo niya. She had a best birthday gift ever!


“Uuuuyyy maya nayang lambingan nyo kainin na natin tong Cake!”sigaw ni Brek kaya nakatangap ito ng masamang tingin kay Razel na ikinatawa niya. Tinapik niya ang balikat ni Razel at humalo sa mga kaibigan.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat