Chapter 1

14.2K 284 5
                                    

*Russ*



Tumayo agad si Russ sa pagka-upo nya sa hood ng kaniyang sports car ng makita nya ang parating na kotse ni Marcus.


“Sorry natagalan ako”bungad ni Marcus habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri.



”Its okay tara na sa loob? Malapit ng mag simula”aniya




Napa-iling nalang si Marcus “Ang tigas talaga ng ulo mo, Pinag bawalan kana ni April dito sa pagsali mo sa racing. Pag malaman to ni April lagot ka talaga sa kaniya”



Napa-nguso naman si Russ, Alam nyang malalagot talaga sya kay April pag nalamang sumasali parin sya sa racing. Napalitan ng malapad na ngiti ang pag nguso ni Russ at yumakap sa braso ni Marcus na nakatingin lang sa kaniya.



“I know pero sigurado naman akong hindi mo ako isusumbong, Di ba?”aniya sabay ngisi.



Ginulo ni Marcus ang buhok nya habang naiiling “Oo naman, as long na masaya ka sa ginagawa mo susuportahan kita basta mag ingat ka lang”



Mas lalong napa ngiti si Russ ng marinig nya yon “Thanks! The best ka talaga, Tara na sa loob malapit ng mag simula ang racing”




Pagpasok sa entrance ng Race track ay nakuha agad ni Russ ang attention ng lahat, All eyes on her. Yes! Because she's Russ, the Queen of Racing. Wala pang naka talo sa kaniya ni-isa hanggang sa nangyari nong laban nila ni France. Alam nyang madaming na disappoint sa kaniya nong araw nayon dahil natalo sya, Dahil iyon ang unang pagkakataon na natalo sya. Kaya nga nandito sya ngayon sa Race track, Babawi sya. May racing sya at isa sa mga makakalaban nya si France, at sisiguraduhin nyang ngayong gabi ay mananalo sya.



“Oh hello there Russ, How are you?”



Nilingon nya ang lalaking bumati sa kaniya na puno ng sarkasmo ang tono ng pananalita. Ngumisi sya at pinag ekis ang mga braso.


“Hi France, Im okay thanks for asking”matamis na ngumiti si Russ



Lumapit pa si France sa kaniya kaya mas nakakakuha yon ng attention. Tsk! Tingnan natin ang pagka hambog mo pag natalo ka mamaya.



“Kamusta ang pag drop out mo? Masaya ba?”ngumisi ito at nanunuyang naka tingin sa kaniya.



Hindi nya yon pinansin, So childish tsk!. Nagkibit ng balikat si Russ “Okay lang naman kaso nag hihinayang ako dahil hindi ko na makikita ang mukha mo, nakakalungkot talaga”pina lungkot ni Russ ang mukha nya para makatotohanan.



Nagsalubong ang mga kilay ni France, halatang na pipikon na sa mga sagot ni Russ.


“Mamimiss talaga kita France”Pagpapatuloy ni Russ na puno ng sarkasmo ang boses. Hinding-hindi nya mamimi-miss ang mukha ng hambog nasi France.



Kita nya ang pag-igting ng panga ni France, Halatang nauubusuhan na ng pasensya, Tss asshole!



“Sisiguraduhin kong matatalo kita ulit Russ at kong matalo kita wag ka ng babalik dito”



Malapad na ngumisi si Russ “Deal”




Napatingin silang lahat sa MC na nagsimula ng mag salita, nilingon nya si Marcus na tahimik lang sa tabi nya “Pupunta na ako”paalam nya. tumango naman si Marcus.


“Okay, mag ingat ka”


Isang ngiti ang sinagot ni Russ saka umalis na. Pagka-pasok sa sports car nya ay agad nyang hinubad ang leather jacket at iniwan ang black spaghetti strap top.



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now