Chapter 31

3.5K 96 7
                                    

*Russ*


Nagtatakang minulat ni Russ ang mata ng makarinig ng ingay sa baba, Tinignan niya ang oras at nakitang 5:30pm na. Bumangon siya at nag hikab. 4:00am na silang nakauwi matapos ang ganap sa cliff, Hindi na sila natulog pagdating sa Mansyon dahil hindi naman sila dinalaw ng antok, lahat ng kaibigan niya ay nasa mansyon niya. Sabay-sabay silang nag breakfast kanina at gumala sa mall para mag shopping para sa birthday niya, umuwi sila mga bandang alas dos para makapag hinga.


Pumasok siya sa banyo at nag ayos ng sarili at ng matapos ay nag bihis siya ng maong short at midriff tank top, mabilisan niyang blinow dry ang buhok saka bumaba na. Wala siyang nakitang tao sa living room pero rinig na rinig niya ang ingay sa kusina, nagtatakang tinahak niya ang kusina. Doon niya nakita ang lahat, Napahinto siya at hindi maka paniwalang tinignan ang mga kaibigan at Boyfriend niya.


“Putanginang sibuyas na to ang liit pero napaka brutal fuck!”si Ryan na nag hihiwa ng sibuyas at tudo mura at punas ng mata dahil naluluha kakahiwa ng sibuyas.


“Ang bakla mo Ryan sibuyas lang iniiyakan mo na? Lalaki kaba talaga?”panunuya ni Jason at tumawa lamang ng minura ito ni Ryan


“Paano nalang kong hihiwalayan ka ni Maurine Ryan? Baka iiyak ka ng balde balde sibuyas nga iniyakan mo e”segunda ni Brek at nag tawanan sila ni Jason at nag high five pa.


“eh kong ipiga ko kaya tong sibuyas sa mga mata nyo mga gago hindi ako hihiwalayan ni Maurine no mga ugok!”naka simangot na sabi ni Ryan kaya mas tumawa ang dalawa.



“Huy tumahimik nga kayo dyang tatlo bilisan nyo na ang paghihiwa, Kay dali lang ng mga inutos ko ang tagal nyong matapos-tapos!”naka pamaywang na sermon ni Maurine na naka talikod sa stove at may hawak pa itong spatula.



“Yes maam!”sabay ng tatlo na may saludo pang nalalaman.



Naiiling na natatawa na lamang si Russ dahil sa mga kakulitan ng mga kaibigan niya, tumahimik lang siya ng makita ng mga mata niya ang lalaking seryosong-seryoso sa paggawa ng chocolate cake, pinag layer-layer na nito ang tatlong square na chocolate cake at nag simulang nag lagay ng chocolate frosting. ngumiti siya, Mas gumagwapo talaga ito pag seryoso ang mukha.



“Ehem baka malusaw ang pinsan ko kakatitig mo Russy ah”


Gulat siyang napatingin kay Maurine ng nasa tabi na niya ito, Hindi niya napansing nasa tabi na niya ang kaibigan. Naginit ang pisngi niya at ngumiti na lamang “Ano bang ginagawa nyo at napaka busy nyong lahat?”pagiiba niya ng usapan. Nagliwanag naman ang mukha ni Maurine.



“Naghahanda kami para mamayang gabi sa birthday mo you know Dinner slash pool party!”magiliw na sagot ng kaibigan at napangiti siya.



“Hindi nyo na kailangang gawin ito pero thankyou Mau the best talaga kayo”aniya niyakap ang kaibigan. Ngayon lang na may gumawa sa kaniya nito kaya napaka saya niya. Minsan nalang kasi sila mag celebrate ng Daddy niya dahil lagi itong nasa ibang bansa, Ang huling engranding handaan ng birthday niya ay nong nag sweet sixteen siya at buhay pa ang mommy niya.



“Sisiguraduhin kong napaka saya ng birthday mo ngayon swear!”ani ng kaibigan at nagpaalam itong babalik na sa pagluluto kaya pinuntahan niya ang mga lalaking kaibigan.


“Need help?”aniya at ngumiti


“Kami na bahala dito Russ mag relax ka nalang para marami kang energy mamaya”sabi ni Ryan at sumangayon naman ang dalawa.


“Puntahan mo nalang ang boyfriend mo baka napanis na ang laway niyan napaka seryoso sa ginagawa”sabi naman ni Brek at nginuso si Razel.


She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now