Chapter 22

3.8K 92 1
                                    

*Russ*



As expected nanalo sina Russ sa laban, sila parin ang Rank 1, Undefeated indeed. Bumaba na silang lahat sa ring ng matapos e annunsyo ng MC ang nanalo.

Patungo sila kanilang pwesto ng may kumuha ng attensyon ni Russ. Pumunta ang babae sa harapan nya, naka ekis ang mga braso habang may nag lalarong ngisi sa mapupula nitong labi.


“Nice fight Russ, kayo parin ang nasa toktok congrats”Sabi ni Sava at hindi nawawala ang naglalarong ngisi nito sa labi.


Taas noong tinignan nya si Savana at pinantayan ang ngisi nito “Oh thank you Savana, Kayo din congrats”Aniya at hindi tinanggal ang ngisi sa mga labi.


Magsasalita pa sana si Savana ng lumapit si Jerd sa tabi nito “Handa na ang kotse Sav tara na”sabi nito at hinawakan si Savana sa braso.


Bago umalis ay tinignan muna sya ni Savana at sinabing “See ya around Russ”


Nang mawala na sa paningin nya si Savana ay nilingon nya si April ng mag tanong ito sa kaniya. “Magkakilala kayo ni Sava Russ?”Tanong nito at tumango naman sya.


“Oo pareho kaming University’ng pinasukan”Sagot nya at napa tango naman si April.



***


Biyernes ng Umaga ay nag presinta si Russ na sya na ang mag grocery dahil wala naman syang gagawin at busy ang mga katulong nila sa pag lilinis ng bahay dahil dadating na ang Ama nya galing sa ibang bansa.



Nasa Meat section si Russ ng may biglang mag salita sa likuran nya. “Ooh hi Russ nandito ka din pala”Maligaya nitong sabi pero halata ang sarcasmo sa boses nito.



Nilingon ito ni Russ at ng makilala ay automatikong tumaas ang kilay nya, It’s Savana Freaking Ferrer. Nairita si Russ sa ngiting pinakita nito sa kaniya, Alam nyang pelit yon. Ano bang kailangan ng babaeng ito? at anong binabalak nito?



Walang emosyon nya itong tinignan sa mata “Cut the crap Savana wag kang mag bait-baitan dahil hindi bagay sayo, ano bang kailangan mo?”Prankang sabi nya


Nawala ang ngiti sa mga labi nito at ang mga mata nito ay puno ng galit. “This is my last warning bitch stay away from him, from Razel. kong ayaw mong maging imperno ang buhay mo”Mariin nitong sabi “kong hindi ka namatay sa sunog na pinautos ko, sisiguraduhin kong mamatay kana sa pangalawa. Kaya ako sayo mag pakalayo-layo na ako”Bumalik ang naglalarong ngisi sa mga labi nito bago umalis sa harapan nya.


Napasunod sya ng tingin sa likod ni Savana. Muling nag replay sa utak nya ang sinabi ni Savana tungkol sa sunog. Mariing kinuyom nya ang kamao dahil sa galit, Tama sya tama sya ng hinala nasi Savana ang may pakana sa pagpa dukot sa kaniya at ipasunog sya.


***


Mabilis ang takbo ng panahon at balik eskwela na. “Russssyyyyyy i missss youu!”tili ni Maurine at patalon itong yumakap sa kaniya, Napaatras sya at muntik ng ma out of balance kong hindi lang sya napa hawak sa pader. Tumawa sya at niyakap din ang kaibigan.


“Nasan ang i miss you too ko? bakit hindi mo ba ako na miss Russy?”Pag dadrama ni Maurine ng humiwalay na ito sa yakap saka nag pout pa ito.


Ngumiti sya sa pagdadrama ng kaibigan, Enikis nya ang mga braso “Hindi kita na miss eh actually nag sasayawa na ako sa pagmumukha mo”biro nya at nag pipigil ng tawa.


Napasinghap si Maurine habang nanlaki pa ang mga mata at ang mga kamay ay nasa bibig, Ng maka bawi ay para itong batang nag ta-tantrums. Hindi na pigilan ni Russ na tumawa dahil sa pagka-isip bata ng kaibigan, Nag sem break lang at pagbalik eskwela ay naging abno na ang kaibigan nya.


“Russy naman eeeeh”maktol nito habang naka pout pa.


“Joke lang i miss you too Mau”aniya habang tumatawa parin.


Para namang labas mental na napa bumungisngis si Maurine at muli syang niyakap. Nagtawanan silang dalawa sa gilid ng hallway ng mamataan ni Russ ang babaeng kinasusuklaman nya, Nawala ang ngiti sa labi nya lalo na nong tumingin si Savana sa kaniya, Kumulo ang dugo nya at gusto nyang salubogin ito at gulpihin pero pinigilan nya ang sarili.



Ang ikinagulat ni Russ ay ang pitong lalaking naka sunod kay Savana, Jerd Lim and the Gang. What the fuck? Anong ginagawa ng buong Sculpture Gang sa PU?


***


“Narinig kong may pitong lalaking transferee ngayon”sabi ni Ryan


“Narinig ko din yan kina miko, sabi tiga Liam University daw ang mga yon noon”Ani Brek



“At may nag sabing mga Gangster daw ang mga yon kaya wag daw tayong magkakamaling bangain sila”Sabi ni Jason




“Bakit daw sila lumipat dito?”tanong ni Razel.



Tinignan ni Russ ang mukha ni Razel at nakita nya ang galit sa mga mata nito dahil sa pag bangit ng ‘Gangster’. Umiwas ng tingin si Russ at walang ganang kumain ng lunch nya.



Napatingin si Russ sa pintuan ng Cafeteria ng pumasok sina Savana kasama ang buong Sculpture. Ang Buong Cafeteria ay napuno ng bulungan dahil sa pag dating nila. Nag tama ang mata nila ni Savana at nakitaan nya ito ng galit sa mukha, Nasa tabi kasi nya si Razel.


Binawi nya ang tingin kay Savana at napunta sa pitong lalaking naka sunod sa kaniya. Hindi nag tagal ang tingin nya sa pitong lalaki ng may narinig syang usapan ng mga babae sa katabing mesa nila.



“Girls i heard na mga gangsters sila”


“Yup i heard that too but omg they are so handsome right?”


“Yeah i thought na mga pangit ang mga gangsters hindi naman pala lahat”


“Yeah right”




“Gangsters are killers tsk!”



Narinig nyang sabi ni Razel sa mahinang boses, Dahil magkatabi lang sila rinig na rinig nya ang sinabi nito. Kumirot ang puso nya dahil sa narinig. Fuck!



“Russy you okay?”Tanong ni Maurine, Napatingin sya sa kaibigan.



“Huh?”


“Sabi ko okay ka lang ba? at hindi mo kinain ang pagkain mo”pag-ulit ni Maurine.



“Um..”umayos sya ng upo at pelit na ngumiti “Yup okay lang ako saka busog na ako”aniya, at ng mapansing naka tingin sa kaniya si Razel ay nginitian nya lang ito.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon