Chapter 17

4.2K 106 1
                                    

*Russ*



“Tumalikod ka lalagyan ko ng panyo ang likod mo”sabi ni Razel

“Ha? wag na ano ka ba”tangi nya habang kinaway ang dalawang kamay sa harap.


“Russ wag matigas ang ulo please? baka magka-ubo ka pag natuyuan ka ng pawis sa likod”




Sumuko narin sya sa pag kontra kay Razel dahil sa gusto talaga nitong lagyan ng panyo ang likod nya. Razel bakit ba ang sweet mo?. Tumalikod na sya para malagyan ng panyo ni Razel ang likod nya.



Basa kasi sya ng pawis dahil kakatapos lang nilang mag laro sa arcade, Actually basa silang dalawa ng pawis. “Ikaw naman ang tumalikod basa ka din ng pawis”sabi nya ng matapos lagyan ng panyo ni Razel ang likod nya.



Agad namang tumalikod si Razel kaya kinuha nya ang panyo sa bulsa nya saka nilagay ‘yon sa likod ni Razel.



May napapatingin sa kanilang mga taong dumadaan pero wala silang paki-alam. Para sa mga mata ng tao mag boyfriend-girlfriend silang dalawa pero ang totoo magkaibigan lang. Lagpas sa magkakaibigan na kasi ang mga pinang-gagawa nila pero wala silang paki-alam dahil gusto naman nila ang mga pinang-gagawa nilang dalawa.


Matapos mag lagayan ng panyo sa likod ay nagpa lakad-lakad sila sa mall habang naka akbay sa kaniya si Razel. Nag-uusap sila ng kong ano-ano at nag tatawanan.



“Oh? bakit tayo nandito?”tanong ni Russ ng pumasok sila sa isang jewelry shop.



“May kukunin ako”sagot ni Razel at hinila sya papuntang counter. “Miss kukunin ko na ang pinagawa ko last week”sabi ni Razel sa babaeng nasa counter.


“Mr. Razel Divera, sir Right?”sabi ng babae at sumagot naman ng ‘Yes’ si Razel. Bahagyang yumuko ang babae at pag tayo nito ay may hawak ng small silver paper bag namay naka lagay na pangalan ng shop. “Ito po sir”naka ngiting inabot ng babae ang paper bag kay Razel.



“Thanks”sabi nito at ngumisi saka muli syang inakbayan ni Razel. “Lets go mag lunch na tayo”aya ni Razel at tumango lang sya.



Habang nag lalakad sila ay hindi nya mapigilang mapa tingin sa paper bag na hawak ni Razel. Madaming tanong sa isip nya, kong kanina ‘yon, sino ang pagbibigyan nya no’n. Maiisip palang nya na ibibigay ‘yon ni Razel sa ibang babae ay naninikip na ang dibdib nya.




“And yours ma'am? what is your order?”magalang na tanong ng waiter.


“Uhm beef steak and one slice of chocolate mousse cake, that’s all”sabi nya at ngumiti.




Nang umalis na ang waiter ay napatingin sya kay Razel na nasa harapan nya naka upo, Mataman itong naka titig sa kaniya kaya bigla syang na concious sa sarili nya.


Nakakalaglag panty naman kasi ang titig nitong si Razel.



“What? may dumi ba ako sa mukha?”tanong nya at kinapa-kapa pa ang mukha nya.



Mahinang tumawa si Razel at umayos ng upo. “Wala kang dumi sa mukha, Gusto ko lang titigan ang napaka magandang babae na nasa harapan ko”



Biglang nanginit ang pisngi nya kaya bahagya syang napa yuko, Jeez! Razel ang mga banat mo!. Tumikhim sya at sinalubong ang mata ni Razel.



“Maniniwala sana ako eh kaso naisip kong bolero ka pala since birth”dinaan nya nalang sa biro para hindi sya mailang. kasi naman kasi!


“Hindi kita binobola ah..”depensa nito sa sarili saka ngumisi “You know what? im happy, Damn happy Russ”patuloy nya, kaya napatitig sya sa mukha ni Razel.



Kumalabog ang puso nya “Bakit?”tanong nya at nagpapasalamat sya dahil hindi sya nautal sa kalagitnaan ng malakas na tibok ng puso nya. at bigla syang kinabahan, hindi nya alam bakit!



“Because you are always by my side, dahil do’n lagi kong nasisilayan ang maganda mong ngiti at tawa, and im proud of my self dahil ako ang nakaka gawa no’n sayo kaya ako masayang-masaya”




Kahit kinakabahan ay nagawa nya paring ngumiti “You should dahil nagawa mong pangitiin at patawanin ako and thank you dahil do’n”aniya




“Because im so happy Russ i have a gift for you”anito at ngumiti saka nilagay sa mesa ang maliit na paper bag at tinulak papunta sa kaniya. “Para ‘yan sayo, hope you like it”




Hindi sya maka paniwalang tinignan ang maliit na paper bag at si Razel na naka ngiti. Para sa kaniya ‘yon? Nag-iisip pa sya kanina kong kanino ‘yon ibibigay ni Razel, eh para pala sa kaniya ‘Yon?. Dahil masaya si Razel kaya binigyan sya ng regalo galing sa mamahaling jewelry shop?. Is he serious? Oh My God!



“P-Para sa’kin ‘to?”hindi maka paniwalang sabi nya.



Tumango naman si Razel “Yes para ‘yan sayo and you can’t decline it Russ dahil magtatampo talaga ako sayo”anito



“Pero mahal ‘to”



“Ano ngayon? maha--- I mean basta wala akong paki kong mahal ‘yan basta para ‘yan sayo”




Napabuga nalang sya ng hangin at tumitig kay Razel at ngumiti “Thank you”masinsinang sabi nya.



Binuksan nya ang maliit na paper bag at may nakita syang black flat box na may silver lining sa gilid at baba, Kinuha nya ‘yon at saglit na tinignan si Razel na tinignan ang bawat galaw nya. Dahan-dahan nyang binuksan ang box hanggang sa tumambad sa kaniya ang Rose Gold na kwintas na mero’ng maliit na heart pendat at may twin ‘R’ sa gitna.



“Wow its so cute and beautiful”hindi nya mapigilang puriin ang kwintas. Kinuha nya ‘yon sa box saka bahagyang tinaas at tinignan si Razel na may malaking ngiti sa labi “This is so Cute and beautiful Razel thank you!”




“You’re welcome Russ”sabi nito saka tumayo at pumunta sa likuran nya. “Akin na, Isusuot ko sayo”anito, at binigay naman nya. hinawakan nya ang mahabang buhok at tinaas.


“Perfect! bagay na bagay talaga sayo”puri ni Razel na nagpainit ng pisngi nya.



“Thank you so much its beautiful”sabi nya. “Ganito anong gusto mo para mabayaran ko ‘to?”sabi nya. Dapat may maibigay din sya kay Razel para Fair.




“Hindi ko naman sinabing bayar----Yeah good idea Russ”sabi nito at ngumisi, Bahagya itong yumuko para mag pantay ang mukha nilang dalawa.


“Kiss me and you are paid”Pilyong sabi nito at minuwestra ang pisngi.



Hindi na naman sya umangal, kiss lang pala eh saka sa pisngi lang. okay na ‘yon. “Okay”sagot nya at nilapit ang labi sa pisngi ni Razel. bahagyang lumingon si Razel kaya ang nahalikan nya ay ang gilid ng labi ni Razel.



“There, you are now Paid”pilyong sabi nito at tumawa.



Nanlaki naman ang mga mata nya dahil sa gulat, Muntik na nyang mahalikan si Razel sa Labi!. Nang makabawi sa gulat ay pinalo nya si Razel sa braso at tumawa lamang ito.



“Loko-loko ka talaga kahit kailan!”


“Sayang nga eh at hindi sa lips”anito at tumawa.



Pinamulahan naman sya ng Pisngi, Gosh nakakahiya! lakas talaga ng trip ni Razel! Ang lakas tuloy ng kabog ng puso nya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ