SIOMAI LOVE

170 5 0
                                    

"Ay crush"
"Ey crush"
"Iy crush"
"Oy crush"
"Uy crush" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili ko o maaawa. Kanina ko pa tinawag crush ko ni hindi man lang lumilingon.

"I love you, crush"  matamis kong sabi.

Nang sumulyap ito sa 'kin, ay napakanta ako dahil sa saya.

"oh sa isang sulyap mo ay napaibig ako-"

'yon nga lang guys, sulyap lang. Pang madaliang sulyap. Tanong ko lang pang mandalian lang ba ako?

Napabusangot naman akong naglakad palapit sa kanya.

"Hoy, tumitig ka naman ng matagalan. Hindi ka ba nanghihinayang sa magandang view" kunyare naiinis ako.

Ngunit gayon pa man, hindi parin ito makuhang tumitig sa 'kin. Nakafocus lang kasi s'ya sa notebook n'ya. Kunyare nagbabasa daw, pero kita ko baliktad naman. Bueng.

"Alam mo, binge mo" nakanguso kong sambit habang nakapameywang sa harapan n'ya.
"Hindi ako binge" oh ayan lumingon din. Ngumiti naman ako ng malapad sa kanya.

"Oh, kita mo na. Binge ka talaga. Sabi ko mahal kita" kumunot naman 'yong noo n'ya at napataas pa ang kanang kilay. Haha. Mapagtripan lang.

"Tsk. Baliw" nakangising bulong nito ngunit narinig ko.
"Baliw sa 'yo" natatawa kong sagot. Napadako ulit ang tingin n'ya sa 'kin at seryusong tinitigan ako.

"Ano bang kailangan mo? Ano bang gusto mo?" supladong wika nito.

"Ikaw" humahagikgik naman ako ng tawa ng sabihin ko 'yon. Ngunit napatigil din ng marinig ang sagot n'ya.

"I'm taken" sagot nito.

Napatawa na lang ako ng malakas.

"Hahahah. H'wag ka nga magjoke."  natatawa ko la rin na sagot. Alam ko kasing walang girlfriend si crush. Stalker n'ya kaya ako, kaya imposible.

Pero sa katunayan magiging girlfriend n'ya pa lang ako. Hihi.

Nang tingnan ko s'ya ay salubong ang kilay nito. Ang expression nito na parang sinasabing 'Why are you laughing, girl?' Haha. Kaya nagseryuso na ako.

"Ahem. Ito na lang, pwede ko bang tanggalin ang letter T?" Nakakalokong tanong ko. Napalitan naman ng pagtataka ang expression n'ya.

"Hah?" sambit nito.

"Para AKEN kana. Haha" Natatawang biro ko. Crush kiligin ka, please.

"You're not funny" masungit na wika nito.

"Hindi nga. Kasi seryuso naman ako sa 'yo. Boom kilig" Banat ko pa sa kanya. Ngunit ang mukha nito ay 'di  na maipinta. Like 'Are you crazy?'

"Alis ka nga sa paningin ko," he said.

"Why? Because I'm in your heart now" natatawa kong sagot sa kanya. Ngunit bigla na lang ito tumayo at umalis.

Ay nag walk out si crush. Pwedi naman ipakita sa 'king kinikilig s'ya, e.

Pumunta muna akong canteen para bumili ng Siomai, baka gutom lang 'to. Bumalik din naman agad ako sa classroom namin.

Tamang-tama pagbalik ko, naroon na din si crush.
Mukhang okay naman na s'ya. Pwedi ng asarin ulit.

"Oh, Siomai crush" Inabot ko ang Siomai sa kanya. Ngunit tinitigan n'ya lang ito.

"Why are you giving this to me?" Supladong tanong nito.

"Because I want to Sio Mai (show my) love for you" Kinikilig kong sagot. Ay landi mo, self.

"I don't need that" wika nito. Pero nagpumilit pa rin akong kunin n'ya.

"Eh kailangan mo ng vitamin L"  nakanguso kong sambit.

"What? Vitamin L?" Taas kilay na tanong n'ya. Attitude ka, ghorl?

"Vitamin Love. Haha" Banat ko pero ako 'yong kinilig. Kalerkey.

"I don't need that, because-"
"Because?" dugtong ko dahil nagpapabitin pa 'to sa sasabihin n'ya. Ngumiti ito ng nakakaloko at sinabi ang...

"All I Need Is You" sabay kindat n'ya sa 'kin. Napahalakhak naman ako ng tawa.

Ay putek pakipot pa. Bibigay din pala. Haha.

And we sing and dance.

🎶🎤 "I want to Sio Mai (show my) love for you... I want to Sio Mai (show my) love for you...
In this Siomai Love" 🎶🎤

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now