CALLIGRAPHY

26 4 0
                                    


"Hay nako. Hindi ako marunong mag calligraphy." Pagmamaktol ko habang nakatingin sa ginawa kong calligraphy.

My Gash Calligraphy pa ba 'to? Parang basura ewww.

Pailing-iling akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa mga kaklase kong busy din sa paggawa.

"Oy tapos kana ba? Pagawa naman oh" pagsuyo ko sa kaklase kong si Kaye.
"Hindi pa ako tapos Elie, dun na lang sa iba." Saad nito at pakamot kamot pa ito sa ulo n'ya.
I sighed. Pumunta naman ako sa isa ko pang kaklase.

"Wow ang ganda naman yan, Greece. Tsk bilib talaga ako sa 'yo. Pwedi gawan mo rin ako?" Nakangiti kong pambobola kay Greece.
"Hay ano ba Elie, 'wag ako okay. Hindi pa ako tapos oh. Dun ka na lang sa iba." Mataray nitong saad.

"Tsk hindi naman 'yan maganda" pagtataray ko din bago umalis. Narinig ko pa s'yang minura ako.

Ba't ayaw nila akong gawan. Si ma'am kasi, e. Kung story ang pinagawa n'ya edi kanina pa ako tapos. Bakit ito pa kasing calligraphy, e.

Malungkot akong pumunta kay crush kong magaling magcalligraph. Actully, magaling s'ya sa lahat, magaling magdrawing, sumayaw, kumanta at ang pinakamagaling s'ya ay...

Sa pagpapatibok ng puso ko.

"Anong mukha 'yan?" Tanong agad nito sa 'kin, pagkalapit ko palang sa kanya.
"Mukhang maganda" sagot ko dito. Ngumiti naman ito na mukhang gago, pota pero gwapo.

"Ano kailangan mo?" Nakangisi nitong tanong. Alam na talaga n'yang may kailangan ako. Nagpacute naman muna ako sa kanya. Mahirap na baka 'di niya din ako gawan.

"Hmm. Pwede magpacalligraphy?" Nagwink wink pa ako sa kanya para effective. Hihi.

"Hmm. Pag-iisipan ko" saad nito. Nilagay ang gitnang daliri sa ilalaim ng baba n'ya kunyare kuno nag-iisip daw. Buang.

"Ano ba naman yan, crush. Calligraph lang, e." Maktol ko dito at napanguso pa talaga ako ng sobrang haba. Charing.
"Aba ikaw na nga nagpapagawa demanding ka pa" Nakangisi nitong wika.

"Sige 'wag mo na akong gawan. Pweding puso mo na lang ibigay mo" kinikilig kong wika. Ay shemay sana ibigay.
"Edi namatay ako nun" Gulat nitong sabi. Napasimangot naman ako. Ay pota si cush binabadtrip ata ako nito. Ang slow n'ya. Pigilan n'yo ako makakatikim talaga to sa 'kin.
Makakatikim talaga 'to ng halik ko. Ay landi mo self.

"Hay nako. Ang slow mo naman crush. I mean mahalin mo din ako. Gano'n yun." nakabusangot kong wika.
"Sige" mabilisan n'ya naman na sagot. Nagningning din naman ang mga mata ko.

"Mamahalin mo rin ako?" Kinikilig kong tanong dito.
Ngunit, wala pang segundo nagsalita ito.

"Hindi. Gagawan na lang kita ng calligraphy" saad nito sabay kuha ng note pad ko.
Ay piste paasa naman ito oh. Akala ko yun na yun e. Akala ko magkakalovelife na ako e.

"Paasa ka naman crush" Nakasimangot kong saad.

"Bakit sinabi ko bang umasa ka?" Taas kilay nitong tanong sa 'kin.
"Hindi. Pero yun yung ginawa mo"
"Tsk. Assuming ka din pala" Pailing-iling nitong saad.

Wth? Pisteng yawa 'to. Pigilan n'yo talaga ako, tutusukin ko talaga 'to e.
Tutusukin ko ng ballpen na hawak ko.
"Duh hindi noh. Akala mo naman kung sinong gwapo. Mukha namang unggoy" mahinang saad ko na narinig pa n'ya yata.

"Anong sabi mo? Baka gusto mong 'di na kita gawan" Seryusong saad nito. Nanlaki naman ang mata ko. Paksh*t baka wala pa akong grade nito mamaya.

"Ehihi. Ang gwapo mo namang bingi crush. Sabi ko isa kang anghel na may taglay na kagwapuhan na nahulog mula sa langit. At Kay talino at talented ka din crush. Kaya gawan mo na ako ng calligraphy. Please" Nakangiti kong pambobola dito habang pinipisil ang pisnge n'ya.
Nakakagigil e. Sarap kurutin hanggang sa mamula. Kakabwiset. Haha.

"Sige sige 'wag mo na akong kurutin. Ang baho ng kamay mo" Dahil sa gulat ko sa sinabi n'ya ay nasampal ko 'to. Napamura naman ito ng kay lakas lakas.

"Putanginang 'yan" Gulat na mura nito.
"Hihi. Sorry may lamok, e." Nakapeace sign kong saad dito. Gago, bagay lang yun sa kanya. Hindi kaya mabaho kamay ko. Baka bibig n'ya yung mabaho, pagbibintangan n'ya pa ako.

"Do'n ka na nga. Gagawan na kita, 'wag mo na akong istorbuhin." Nakasimangot na saad nito at binubugaw ako. Hmmpp kung hindi lang kita crush e.

"Gandahan mo paggawa ah. Dapat attractive tignan para naman may silbi din pagreject mo sa 'kin. Hay nako kasi ang arte mo din crush. Pinakawalan mo pa ang magandang ako. Hay nako talaga" Saad ko dito.
"Oo na, ang daldal mo" Saad nito at tinataboy na ako. Naglakad naman ako palayo sa kanya.
Hay nako may pakinabang din pala si Crush. Mabuti na lang ginawan n'ya ako ng calligraphy.

Okay lang kahit 'di n'ya ako gusto basta may calligraphy ako.
Tsk. Hindi s'ya kawalan nu.
Edi, maghahanap ulit ako ng crush.
Yong kaya akong icrush back.

Ang daming lalaki d'yan, e.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now