143

76 9 0
                                    


"143 Lim" sigaw ko sa crush kong kakapasok lang ng classroom namin. Ngunit, tinignan n'ya lang ako na para bang walang kwentang tao.

Yung mga kaklase ko ay nagsilingon sa 'kin, pero imbis na mahiya ako ay mas nilawakan ko pa yung ngiti ko.

They're all know that I love Lim.
Palagi ba naman akong sumisigaw na 143 Lim.

"Grabe pang bungad mo kay Lim, best ah" Natatawang saad ng bestfriend kong si Bea at umupo sa tabi ko.
I just smiled at her.

"Hindi ka ba nagsasawa kakasabi no'n?" Dugtong pa n'ya. Umiling naman ako.

"No. You know that I love him" nakangiting wika ko.
"I know, but look at him. Kahit palagi ka pang magsabi sa kanya na 143 o I love you, walang epekto sa kanya, wala s'yang pakialam." Pagkasabi n'ya no'n tiningnan ko naman si Lim, na nagkukwentuhan sa mga kaibigan niya.

Anong magagawa ko. E, mahal ko siya.
Bumaling ako kay Bea at ngumiti dito.

"Wala naman akong hinihintay na kapalit mula sa kanya, e. Masaya ako na pinapakita kong mahal ko talaga s'ya. Sapat na 'yon para sa 'kin" masaya kong wika. Ngunit, alam ko sa sarili ko na umaasa pa rin ako. Na sana balang araw makuha n'ya akong pansinin.

"Hay kaloka. Sige na 'wag ka ng magdrama. Haha" natatawa n'yang saad natawa narin ako.

Alam kong nagaalala lang sa 'kin si Bea at gusto n'ya lang ay maging masaya ako.
Hindi na kami nakapagkwentuhan ng matagal dahil nagsimula na yung klase.

Kinabukasan maaga akong pumasok. Excited kasi akong makita si Lim.

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin ng makita ko si Lim na naglalakad din.
Mas nauuna s'ya sa'kin maglakad kaya hinabol ko ito. Ngunit, hindi ko s'ya maabutan dahil marami ng estudyanteng naglalakad din.

"Lim," sigaw ko. Noong una 'di pa s'ya lumingon kaya sumigaw ulit ako.

"Lim, 143." huminto s'ya at dahan-dahan lumingon sa'kin. Ang mga mata nitong seryusong tinitigan ako.

Pati yung ibang estudyante napahinto din at lumingon sa 'kin.

OMY GASH Anong kagagahan to?

Naglakad si Lim papalapit sa pwesto ko at huminto ng magkatapat na kami. Walang emosyon ang mukha nitong tinitigan ako.

"What did you say, again?" He asked.
"143" nakangiti kong sagot kahit na kabado na ako at ang lakas din ng tibok ng puso ko.
"Means?" Supladong wika nito na nakataas pa ang isang kiay.

"I Love You." Napalawak ang ngiti ko ng masabi ko na ang mga katagang dinadaan ko lang sa numero. Ang mga nanonood naman ay kinikilig.

Ngumisi si Lim dahil sa sinagot ko. Nakakalokong ngisi.

"143" Nakangiti n'yang sagot. Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam pero ramdam ko ang saya sa puso ko.
"You mean you love me, too?" Napangiti ako at the same time kinikilig ngunit nawala din ng sumagot ito.

"No" Pailing-iling n'yang sabi.

"Then, why you said 143?" Nagtataka kong tanong
pati ang mga nanonood ay naguguluhan din kagaya ko.

"I Hate You" Seryusong sagot nito at kasabay no'n ang pagtalikod n'ya sa 'kin.

"Don't assume that I may like you." Dugtong nito at tuluyan ng naglakad paalis.

"Awww" reaction ng mga estudyante sa paligid ko. May sinasabi sila. Ngunit, hindi ko na 'yon initindi. Ang initindi ko na lang ang kirot ng puso ko.

Tumakbo ako kasalungat n'ya. Sa pagtakbo ko ay s'yang mga butil din ng luha ko ang nagpapaunahan sa pagtulo.

Huminto ako ng mapagod na ako sa kakatakbo. Ngunit, ang mga luha ko ay wala paring tigil sa pagtulo.

I cried because...
I'm shame.
No. No.

I cried because...
I'm broken.
I'm hurting.
My heart is in so much pain.

Masakit pala pagharap harapan n'yang sinabi sa 'yo na hindi ka n'ya mahal, na ayaw n'ya sa iyo.

Nadudurog ang puso kong nais lamang s'yang mahalin.

Napatawa ako ng maisip na ang tanga-tanga ko. Hindi ko naisip na ang dami pa palang ibig sabihin ng 143.

"143, doesn't mean I Love You. Sometimes it means I Hate You."

 

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now