MOTHER'S LOVE

23 3 0
                                    


"Nay, ano to? Ba't walang ulam?" Sigaw ko habang nakatingin sa platong walang ulam.
"Nak, pasensya kana wala pa akong pambiling ulam, e. May asin pa naman d'yan, 'nak" Rinig kong sabi nito mula sa sala.

"Ano ba naman yan 'nay. Asin na naman? Lintek naman oh" inis na saad ko at nagtungo sa sala kung saan si nanay. Nagbuburda ito ng panyong tinitinda n'ya. Tumingin naman ito sa 'kin.

"Pasensya na talaga, 'nak"
"Nakakain ba 'yang pasensya mo? Lagi na lang ba ganito, 'nay? Sawa na ako sa buhay na 'to" inis na sigaw ko.

"Nak, pasensya na talaga" mahinang saad ni nanay at hinawakan ako sa kamay ngunit tinabig ko ito. Napaaray naman ito ng matusok s'ya ng karayom sa kamay.

"Wala ka na ngang kwenta. Bobo at tatanga tanga ka pa" Inis na saad ko dito at kinuha na ng bag ko.
"Nak, sa'n ka pupunta?" nag-aalalang tanong nito. Masamang tinignan ko naman s'ya.

"Edi, papasok na sa school. Sana hindi na lang kayo ang nanay ko. Gusto ko ng mayaman na nanay para naman matustusan ako ng maayos, makakakain ako ng masarap na ulam, at para hindi na ako mahihirapan. Hindi katulad mo bobo, walang alam kundi magburda lang ng panyo na hindi naman mapapayaman sa 'tin." Inis na sigaw ko dito. Naiinis na talaga ako sa buhay na 'to.

"Anak, 'wag mong sabihin iyan. Ang panyong 'to ay s'yang bumubuhay sa atin" Seryusong saad nito. Napangisi naman ako.
"Bumubuhay? Eh hindi naman napapayaman sa 'tin" saad ko at tuluyan ng umalis.

Nandito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko. Gabi na pero hindi pa ako umuuwi ng bahay. Ayaw kong muna umuwi, nabwibwiset ako dun e.

"Gene, hindi ka ba uuwi? Paniguradong nag-aalala na yung nanay mo" Tanong ni Tita Lina sa 'kin at umupo sa tabi ko. Si Tita Lina ay kaibigan din ni nanay.

"Ayaw ko pa pong umuwi Ta Lina. Ayaw ko munang makita si nanay" Napabuntong hininga naman s'ya dahil sa sinabi ko.
"Nag-away na naman ba kayo ng nanay mo?" Tanong nito. Tumango naman ako.

"Gene, 'wag kang ganyan sa nanay mo. Alam mo bang napakaswerte mo, dahil may nanay kang nag-aalaga sa 'yo" Taka ko namang tinignan si Ta Lina.
"Parang sa sinasabi n'yo po may gusto pa kayong sabihin. Ano bang nais n'yong iparating?" Tanong ko dito.

"Gene. Dapat magpasalamat ka pa sa nanay mo. Dahil tinuring ka n'yang tunay na anak. Pinalaki at binuhay" Dahil sa sinabi n'ya mas lalo pa akong naguluhan.

"Ta Lina. Anong sinasabi n'yo?"
"Gene, ampon ka lang." Dahil sa sinabi n'ya parang tumigil ang mundo ko.
"Ampon ako? Paano-" Naluluha kong tanong.

"Gene, no'ng panahong nagbibinta s'ya ng panyo, nakita ka n'yang umiiyak at nakabalot sa puting tela. Naawa s'ya sa 'yo kaya kinuha ka n'ya at inalagaan. Kahit mahirap lang s'ya pinalaki ka parin n'ya at minahal na parang tunay na anak. Alam mo bang 'di s'ya nagsisisi na inampon ka niya. Dahil para sa kanya isa kang anghel at ikaw ang swerte niya. Mas naging masaya siya ng dumating ka sa kanya. Kaya ang swerte mo, Gene, sa nanay mo"

Iyan ang mga salitang umuulit sa isipan ko, habang ako'y patakbong pumunta sa bahay.
Mga luhang patuloy sa pagtulo.
Kabang mas lumalakas pa lalo.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Nay, patawarin mo ako.

"Nay" sigaw ko ng makapasok ako ng bahay. Pero hindi si nanay ang nakita ko sa bahay kundi ang kapitbahay namin.
"Tiya ano pong ginagawa n'yo dito? Nasan po si nanay?" Nagtataka kong tanong. Lumuluha kasi ito habang papalapit sa 'kin.
"Gene, iha. Wala na ang nanay mo" Nang sabihin n'ya yun ay humagolgol naman 'to sa iyak.

"Tiya, ano pong pinagsasabi niyo. Anong wala na si nanay?" Garalgal ang boses kong tanong.
"Gene, patay na ang nanay mo. Naaksidente siya nung hinahanap ka niya. Dahil gabi na at nag-aalala siya sa 'yo, dahil 'di ka pa daw umuuwi. Gene, wala na ang nanay mo" Dahil sa sinabi ni Tiya ay napaupo ako at 'di alam ang gagawin. Mga luhang 'di bumabagsak kahit nasasaktan ako. Pailing-iling sinasabi ko ang salitang 'di maaaring mangyare.

"Hindi pa patay si nanay. Hindi pa s'ya patay" sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay. Pupuntahan ko si nanay sa Hospital.

Napayakap ako sa wala ng buhay na katawan ni nanay.

"Nay, Gumising po kayo. Patawarin n'yo po ako. Hindi ko po kayang wala ka 'nay. Nay, pakiusap gumising po kayo. Nanay sorry sa lahat lahat. Mahal na mahal ko po kayo" Habang sinasabi ang mga salita na yun. Luha ko naman ay tuluyan ng bumagsak. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare. Kasalan ko 'to. Kundi dahil sa 'kin sana buhay pa s'ya ngayon. Sana nasabi ko pa sa kanya ang salitang 'Mahal kita' nung nabubuhay pa s'ya.

"Nanay, sorry po at mahal na mahal po kita. Maraming salamat din po sa pag-aalaga sa 'kin. Napakaswerte ko kasi kayo ang nanay ko. Pero napakamalas mo kasi ako yung naging anak mo" Nang sabihin ko yun may tumapik naman sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Iha, ikaw ba si Gene?" Tanong sa 'kin ng isang babaeng may katandaan na at mayaman dahil sa mga suot nitong mamahalin.

Pinunasan ko naman ang luha ko at tumango.

"Tanggapin mo 'to, iha. Galing 'yan sa nanay mo" Saad nito. Kinuha ko naman ang papel na hawak n'ya.

"1,000,000 million" Basa ko sa nakasulat at nagtatakang tinignan ang matanda.
"Ano po ito? Para saan po 'to?"
"Iha, para sa'yo 'yan. May binenta kasi ang nanay mo sa 'kin na mga panyo. Tapos 'di ko pa nababayaran. Kaya sabi n'ya nung nabubuhay pa s'ya, ibigay ko daw sa 'yo yung bayad ko. Kunin mo daw 'to at magsimula ng bagong buhay. Iha, mahal na mahal ka ng nanay mo. Kaya ginawa n'ya ang lahat para magkaroon ka ng magandang buhay. Napakaswerte mo sa kanya, iha" Naiiyak na saad nito habang nakatingin sa wala ng buhay na katawan ni nanay.

Napayakap naman ako sa katawan ni nanay at dun umiyak ng umiyak.
"Iha, aalis na ako. Condolence " tinapik nito ang balikat ko at umalis.

"Nanay, bakit? Nay ba't iniwan mo agad ako? Ba't ako parin ang naiisip mo? Sa kabila ng lahat na nagawa ko, ako parin ang inuna mo. Hindi mo ako tunay na anak pero bakit gano'n mo ako kamahal? Nay, siguro huli na ang lahat para makabawi ako sa 'yo pero pangako hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'to. Nay, kahit lagi kitang inaaway, mahal na mahal parin kita. Nay, sana mapatawad mo ako" mahinang saad ko habang nakayakap sa kanya. Mga luhang patuloy na umaagos, luhang 'di mahinto. Sakit at pagsisisi ang nararamdaman ko.

"Hanggang sa huling hininga mo, ako parin ang naiisip mo. Mahal kita, nanay"

Ang pagmamahal ng isang Ina ay walang kapantay.

Please. Love your Mother before it's too late.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now