PAKOPYA

21 3 0
                                    


"Kenzo pakopya" mahinang pagtawag ko kay Kenzo my loves. Bumaling naman ito sa 'kin. May long test kasi kami sa English. Si Kenzo ay crush ko at s'ya ang matalino sa loob ng classroom na ito.

"Ikaw talaga cheater ka" mahina ding saad nito. Makacheater naman 'to.
"Anla. Sa test lang ako cheater pero hinding hindi ako magchecheat sa 'yo, Kenzo my loves" nakangiti kong saad.

"Sagot ko 'to eh, kaya akin 'to. Magsagot ka din ng sa 'yo" saad nito at tinakpan ang papel n'ya.
"Luh akin ka din naman. Kaya sige na pakopya na baby Kenzo my loves" pagpapacute ko pa sa kanya.

"Ano ba 'yan. Ang ingay mo maya marinig tayo ni ma'am dito eh" sabay tingin niya sa labas ng room.
"Huwag kang mag-alala. Nagchichismis pa si Ma'am sa labas. Kaya sige na pakopya"
"Hay, oo sige na" pagsuko nito at ipinakita ang papel niya.
"Pakopya narin pati surname mo" Nakakaloko kong wika ngunit 'di n'ya ako pinansin. Ang suplado talaga nito.

"Kenzo my loves 'di ko makita yung sagot mo sa number 5"
"Tsk bulag ka ba?"
"Baka ikaw, kasi 'di mo makita halaga ko"
"Ang ewan mo. No. 5 marriage yung sagot"
"Eh tayo kaya kailan magpapakasal?"
"Walang tayo Katty"
"Tsk. Grave ka naman. Nakakasakit yun ah"
"Ikaw yung nauna eh"
"Pero sa puso mo ako ang huli"
"Tsk bahala ka d'yan" saad nito at bumaling sa ibang tanawin. Napasimangot na lang ako at nangopya na lang sa kanya.

"Tama na 'yan, 'wag mong lahatin" Mayamaya'y saad nito.
"Grave ka naman Kenzo my loves. Ako nga binigay ko lahat lahat sa 'yo nagreklamo ba 'ko? 'wag kang unfair" nakapout kong sagot.
"Ba't ba ang daldal mo" Mataray na tanong nito sa 'kin.
"Para ako'y mapansin mo..."

-TSUPP

Nanlaki ang mata ko ng halikan n'ya ako.
Omooo My Virgin Lips.

"Yan tumahimik ka na ang ingay mo kasi, sa 'yo lang naman bagsak ko" nakangising saad nito. Nakatulala lang ako sa kanya.

Omoo totoo bang hinalikan n'ya ako?
My Goodness Gracious.

Waaahhh Buntis na po ako.

May sinabi pa ito na s'yang napanganga sa 'kin at nagpakilig.

"At isa pa, makokopya mo din Surname ko. Not now but soon, you'll be my wife. Aral muna bago landi"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now