A LETTER

29 1 0
                                    


"Bes, hali ka" hinila ko sa kamay ang best friend kong si Rhian at lumabas ng classroom. Hindi naman s'ya umangal at nagpahila lang s'ya sa 'kin. Pumunta kaming rooftop kung saan marami na ditong mga estudyante, guro at pulis.

Nakipagsiksikan kaming dalawa sa mga nagkukumpulang tao dito para lang makapunta sa harapan.

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Gusto kong masuka sa nasaksihan ko. Gusto kong magwala at sumigaw dahil sa nangyayare dito. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pangamba at takot na nararamdaman ko.

"May namatay na naman" saad ng kaibigan kong si Rhian habang seryusong nakatingin sa wala ng buhay na studyanteng babae. Bumaling ito sa 'kin at niyakap ako ng magsimula na akong umiyak.

Anim na estudyanteng babae na ang namatay sa loob ng isang linggo. Hindi pa namin alam kung sino ang pumapatay at pati ang mga pulis di rin nila alam kung sino ang suspect.
Walang bakas o evidence ang makakaturo sa suspect.
Rinig ko ang iyakan at bulong-bulongan ng mga estudyante. Tinignan ko naman ang mga ito, makikita sa kanilang mukha ang pangamba at takot. Ganon din ako.

Lahat kami ay nangangamba kung ano ang susunod na mangyayare.

"Rhian natatakot ako" naiiyak kong saad habang nakayakap parin ako kay Rhian. Naramdaman ko naman ang paghaplos n'ya sa aking likod.

"Wag kang matakot, Cena, nandito lang ako" Bahagya akong ngumiti dahil sa sinabi ni Rhian. Kahit kailan hindi n'ya inahayaan na matakot ako.
Kumalas ako sa yakap naming dalawa at tinignan s'ya ng seryuso.

"Rhian, hindi ako takot na mawala ako, natatakot akong mawala ka sa 'kin. Kaya 'wag mong pabayaan ang sarili mo. Okay?" napangiti naman s'ya sa sinabi ko.

"Oo naman Cena, Kaya ko ang sarili ko nu. Malakas kaya ako. Haha" natatawang saad nito at pinakita pa sa 'kin ang kanyang braso.

"Oo na malakas kana. Haha" natatawa ko ding saad. Dahil kay Rhian nabawasan ang aking takot at pangamba.
Nagpapasalamat talaga ako dahil meron akong kaibigan na katulad ni Rhian.

"Mahal kita bes, Ayaw kong mawala ka" mahina kong saad at niyakap agad sya. Natatakot akong mawala si Rhian sakin, s'ya na lang ang meron ako, s'ya lang ang tinuring kong pamilya. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko kung wala si Rhian.

"Mahal din kita bes, kaya wag ka na magdrama." Tumango ako dahil sa sinabi nya.
"Tara, alis na tayo dito bes," pag-aya sa 'kin ni Rhian.
"Sige," sagot ko din naman.

Aalis na sana kami ng marinig ko ang sinabi ng isang pulis.

"Sir, may letter kaming nakita sa bag n'ya" saad nito.
Napabaling ang tingin ko sa pulis na nagsalita.

"Letter?" Mahinang sambit ko sa sarili.
Bumaling ako kay Rhian.

"Rhian, sandali lang ha," paalam ko sa kanya. Tumango naman ito sakin kaya ngumiti na lang ako.

Nagtungo ako sa mga pulis. Nag-uusap sila ng mga kasamahan n'yang pulis din. Siguro 'yong tungkol sa letter 'yong pinag-uusapan nila.

Nang makakuha na ako ng pagkakataon ay nagtanong ako sa kanila.

"Excuse me, Sir" magalang kong wika, lumingon naman sila sa 'kin.
"Bakit Ms?" Tanong nung pulis na may hawak na letter.
"Pwede ko po ba Sir malaman kung ano ang nakasulat sa papel na 'yan, kung maaari lang po sana" Tanong ko dito. Tumango naman ito sa 'kin at pinakita ang nakasulat sa papel.

"You will die, flirt" Basa ko sa sulat.

Nagsitayuan naman ang balahibo ko nung mabasa ko ang sulat.

Ang creepy.

"Alam n'yo na po ba Sir kung kanino galing ang sulat na 'yan" Dahil sa curiosity ko tinanong ko ulit yung pulis.
Umiling naman ito na simbolo na hindi nila alam.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now