AEIOU

49 6 0
                                    


"Good morning, class" bati sa 'min ni Teacher.
"Good morning, Ma'am" Bati namin at umupo na.
"We have an Activity for today" Our Teacher said.
"This Activity is called 'Vowels Answer' "
"... Bawat isa sa inyo ay mag-isip ng katanungan at ipasagot ito sa nais mong sumagot sa iyong katanungan. Pero ang isasagot lamang n'ya ay ang Vowels na AEIOU" Paliwanag ni Teacher.

One of my classmate raised her hand.

"Yes Ms. Ventura?" Our teacher asked her.

"Ang hirap naman ma'am. Pano po kung may katanungan ka at wala naman ang sagot sa Vowels na 'yan" naguguluhan n'yang tanong.
Agree naman kami sa sinabi niya.
Ang hirap naman talaga.

"So, 'yon nga. Dapat kapag nagtanong kayo alam n'yo din ang possibleng sagot sa tanong n'yo. Understood?" Tumango kami dahil sa sinabi ni Teacher.
"Yes Ma'am" sagot namin

"Okay, So let's start. Ikaw mauna Ms. Ella Kastel." Tumingin ito sa 'kin. Putek ba't ako pa? Lutang pa naman ako. Huhu.

Pumunta na ako sa harapan at tiningnan ang mga kaklase ko. Sino kaya ang tatanungin ko?

"Ang gusto kong sumagot sa tanong ko ay si Kira Lopez" nakangiti kong saad at tinignan ang besfriend kong si Kira. Alam kong maganda ang isasagot niyan.
Tumayo ito ng nakangiti at lumapit sa 'kin.

"What's your question my pretty best friend?" nakangising tanong nito.

"Anong katangian ang meron ako?" Nakangiti kong tanong dito.
"OA" natatawa n'yang sagot. Pati kaklase ko nakitawa rin. Anong nakakatawa do'n? Over Acting ba ako?

"Tsk. Kaibigan nga kita" saad ko nalang at pinaupo na kami ni Teacher. Iyon lang 'yon. Tsk. Basic pala.

Habang busy yung iba sa harap.
Ako naman ay busy kakatitig kay Sean Padilla.
He is Gwapo, mayaman, matalino, sikat, masungit. Kaya sino naman ang magkakagusto sa kanya?

Edi ako. Haha

Sino kaya ang iniisip n'ya?
Ba't pa ba ako magtataka. Alam ko naman kung sino, e. Sino pa nga ba? Edi...

Ako.

Tinawag na siya ng Teacher namin. Turn n'ya na para magtanong.
Pero sino naman kaya ang tatanungin n'ya?

Pumunta na s'ya sa harap. Nakakunot ang noo na tinignan n'ya ako. Shit ang pogi kahit gano'n.

"Nais kong tanungin si Ella Kastel" ang mga mata n'yang mapupungay ay nakatitig sa 'kin.
Tumayo ako at dahan dahan naglakad papunta sa tabi n'ya. This is it.

Kinakabahan ako at the same time kinikilig.

"Anong tatanungin mo?" Pabebe kong saad.
"Paalala. Ang tanging sagot mo lamang ay nasa Vowels lamang" pagpapaaalala nito sa 'kin. Nakangiting tumango ako.
"Alam ko" sagot ko dito.
He smiled at me. Shit 'yong kalamnan ko nagrarambulan.

Tumikhim muna ito bago tumingin sa mga magaganda kong mata. Haha. Feeling.

Lumuhod ito at may kwintas na pinakita sa 'kin. Nagtataka ko naman s'yang tiningan. Para saan 'yan?

"Ayiee" rinig kong mga kantyaw ng mga kaklase ko.
Di ko expect to.

"Can you be my Girlfriend? " Nanlaki ang mga magaganda kong mata sa narinig ko. Ano daw girlfriend?
it's that true?

"Ayaw ko nga. Manligaw ka muna" Masungit kong sagot. Dapat 'wag mo na marupok. H'wag easy to get. Pabebe muna.

"I know you like me" nakangiting saad nito.
"Ay kapal ng mukha mo" tinaasan ko ito ng kilay.
"Bakit hindi ba totoo?" Tanong ni Sean.
"Totoo" napahalakhak ito dahil sa agaran kong sagot.
"Then answer me" -Sean
"Manligaw ka muna"
"Vowels answer only" -Sean

"Ah" una kong sambit.
"Ah" kaklase kong mas kinikilig pa sa 'kin.
"Eh" pangalawa kong sambit.
"Eh" kaklase. Isa pa talaga naririndi na ako sa kanila ah.
"Ih" sambit ko. Tinignan ko ang mga kaklase kong nakabuka na ang bibig. Handa na para magsalita.
"Ba't ba kayo sumusunod sa 'kin, kayo ba ang tinatanong?" nakataas kilay kong tanong sa kanila. Momment ko 'to eh. Wala munang sasapaw.

"Bagal mo kasing sumagot" mataray din nilang sagot.
"Tsk. Pakipot muna, pupunta din tayo d'yan" nakangisi kong sambit.

"You're not special Ms. Ella so don't waste our time. Answer him now" Nagmamadali ng wika ni teacher. Ouch, I'm not special daw. If I know, inggit lang si ma'am.

Ang bitter naman ni teacher. Momment ko 'to eh. Bawal lasapin?

"Aw. Awu awu. Haha" pang-aasar ng kaklase ko sa 'kin.
Tsk. Ang bibitter nila ha. Sana maging lobo kayo.
Bumalik ang tingin ko kay Sean. Nakaluhod parin pala s'ya.

Pero worth it din 'yan. Kasi makukuha n'ya na ang magandang ako. Haha

"OU. OU. " Saad ko.
"Pakasal na tayo. Haha" natatawa kong sambit at napangiti naman ito sa sinabi ko. Tumayo ito at dahan-dahan sinuot ang kwintas sa 'kin.

"Thank you" masayang sambit nito.

"Lah. Girlfriend lang tinanong, pakasal agad" singit ng mga bitter kong kaklase.

"Mga bitter walang love life" pagtataray ko bago kami nagwalk out ni Sean na magkahawak ang kamay.

Maghahoneymoon pa kasi kami. Haha.
My Gash Ella. Ang advance mong mag-isip.

Nasa labas na kami ng marinig ko 'yong sigaw ng mga kaklase ko.

"SANA ALL"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now