IKAW AT AKO

33 3 0
                                    


"Aray ko naman" sigaw ko nung madapa ako sa daan ng may bumunggo sa 'kin. Tinignan ko naman ang kamay na nakalahad sa 'kin ngayon. Hindi ko ito inabot at tumayo na.

"Hindi kaba tumingin sa dinadaanan mo at hindi mo nakita ang magandang ako" Sigaw ko dito na s'yang nakapagkuha ng atensyon ng iilang tao.

"Pasenya na Ms. 'di kasi kita nakita, e." Saad nito at kinamot ang kanyang batok. Napaikot naman ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"Akala mo ba ganon ganon na lang yun. Tignan mo 'to namansyahan ang damit ko dahil sa katangahan mo" pagsusumbat ko dito. Tinignan naman nito ang mansya sa puti kong damit.

"Pasensya na talaga. Ano ba kailangan kong gawin para ako'y patawarin mo" Nagsusumamo nitong saad. I smiled evilly.

"Halikan mo ang sapatos ko" Gulat naman itong tumingin sa 'kin.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Sabi ko halikan mo ang sapatos ko, at ikaw ay papatawarin ko" Taas kilay kong sabi dito. Alam kong marami ang naiinis sa 'kin dahil sa ugali ko. Ngunit anong magagawa ko unfair talaga ang mundo. Binansagan nila akong maldita sa campus na 'to. Kaya dahil maldita daw ako, kaya totohanin ko na lang.

"Ngunit, 'wag naman ganyan. Hindi naman ako hayop para gawin 'yan" Pailing-iling nitong saad. Siya naman ang binansagang nerd na lalaki sa campus na 'to.

"Gagawin mo o idadrop kita" Pagbabanta ko dito. Alam kong hindi na ito aangal. Mahal nito ang pag-aaral kaya takot s'yang tanggalin sa paaralan na 'to. Kayang kaya ko s'ya idrop, dahil malaki ang share ng pamilya ko sa paaralan na 'to.

Lumuhod ito at unti-unting inilapit ang labi nito sa sapatos ko.
Hay kaawa-awang tao.
Nang mahalikan na nito ang sapatos ko ay tumayo na ito.

Rinig na rinig ko ang mga bulong-bulongan at kantyaw ng mga estudyante.

"Kaya mo naman pala, e. Haha. Ngayon pinapatawad na kita" Natatawa kong saad.
"Sana naging masaya ka" Galit na saad nito bago tuluyang umalis.

Binalingan ko naman ang mga estudyanteng nakatingin sa 'kin.

"Anong tinitingin tingin n'yo d'yan. Lumayas nga kayo sa harapan ko" Pagkasigaw ko nun ay nagsialisan naman sila. Mga tsismosa.

Pumikit ako at naramdaman kong may butil ng luha ang tumulo sa 'king mukha. Lahat ng nangyare kanina ay 'di ko gustong gawin yun. Napamulat ako ng marinig ang palakpak.

"Good job, Princess, you made it" Nakangiting saad ni Viana kasama ang mga alipores nito. Sila ang kinakatakutan ng mga estudyante dito. Sila lang naman ang mga masasamang babae na nakilala ko. At ang nangyare kanina ay palabas lang yun. Inutusan kasi nila akong gawin yun sa nerd. Dahil takot din naman ako sa kanila ay sinunod ko ang utos nito. Isang hamak na binully din nila ako. Isang Gobernador ang ama ni Viana kaya sya'y kinakatakutan ng lahat.

"Ayoko na. Aalis na ako" Saad ko at akma na sanang aalis ng biglang hinarang nila ang dadaanan ko.

"Ops not so fast. Nag-uusap pa tayo kaya 'wag mo akong talikuran" Saad nito at nakipagcross arms pa.

"Ano pa ba ang kailangan mo? Tapos na ang trabaho ko" Naiiritang saad ko dito. Nagulat ako ng bigla n'ya akong sinampal.

"Makakaalis kana. Hindi sa 'yo bagay ang pangalan mong Princess, isa kang dukha" Mataray na sabi nito. Nanlilisik ang matang tinignan ko siya.

"Huling beses mo na 'tong apihin ako. Sawa na ako sa ugali n'yo" Sigaw ko sa kanila bago tuluyang umalis.

Ayaw ko ng magpaapi. Ayaw ko ng maging talunan. Oras na siguro para ako'y lumaban.

A days had past. Wala naman masyadong nangyayare.
Habang ako ay naglalakad ngayon pauwi sa 'king bahay. Nakarinig akong may umiiyak. Hinanap ko naman kung saan.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now