HIS VOICE

45 6 0
                                    


"Hoy, panget" Nanlilisik ang matang tinignan ko ang kaharap kong si Vladimeir ng tinawag n'ya akong panget. Pangiti-ngiti pa ito, akala mo naman kinagwapo n'ya.

"May pangalan ako at saka hindi ako panget 'no. Ikaw nga unggoy" Pang-aasar ko din sa kanya. Bwisit kasi s'ya, naiinis ako sa kanya kasi lagi n'ya akong inaasar. Makapagsabi ng panget akala mo naman gwapo siya. Tsk mukha s'yang unggoy.

"Panget din naman ng pangalan mo kagaya ng mukha mo.Haha" Natatawang saad nito at tinuro pa ako.
"... at saka sa gwapo kong 'to? sasabihan mong unggoy. Nah nah" Dugtong nito at nagpost pa. Ay chaka pa feeling pogi.

"Hoy hindi ka pogi, unggoy ka. Feelingerong unggoy. Lumayas ka nga sa harapan ko, sinisira mo araw ko." Sigaw ko dito. Nabwibwisit na ako. Hindi naman kasi ako pangit, e. Sa ganda kong 'to? Pati aso nga tumatahol sa 'kin at naglalaway pa, pagnakikita ako nagpapapansin. Tapos s'ya isang unggoy sasabihin akong panget. Tsk

"Pikon naman 'tong si panget, mabuti nga at pinapansin pa kita, e." Loko-lokong saad nito. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi n'ya.

"FYI, wala akong pakialam sa 'yo. Kay ganda ng pangalan kong Sylica, papalitan mo lang ng panget kagaya mo.Tsk, alis kana nga." Pagtataboy ko dito. Kay aga-aga ako lagi pinagtritripan nito.

"H'wag mastress pinapaganda ko lang ang araw mo. Hahaha" Saad nito. Hay lakas makapang-asar. Tumayo ako sa pag-upo at nilapitan ko ito.

"Hoy ikaw unggoy ka. Ikaw ang sumisira ng araw ko. Bwisit ka" Sigaw ko dito at sinuntok s'ya sa balikat.

"Ouch" pagdaing nito at hinawakan ang kanyang balikat. Tsk. Ang hina lang naman ng suntok ko, e. Bakla.

"Yan ang bagay sa 'yong tulad mong unggoy" Saad ko dito at lumabas ng classroom. Bwisit talaga 'yon. Walang magawa sa buhay at ako lagi ang pinagtritripan.

S'ya si Vladimeir Campo, mayaman, matalino, maloko, mayabang, at heartthrob ng school na 'to. Actually, gwapo naman talaga si Vladimeir, gwapo sa paningin ng ibang tao. Para sa 'kin isa s'yang unggoy na kinaiinisan ko. Ayoko sa kanya at kahit kailan hindi ako naaatract sa kanya. I'm not other girls na mukha lang ang basehan at magugustuhan agad ito.

Ako naman si Sylica Yuno, ang madaldal na babae, masiyahin, masipag, di gaanong matalino at hindi din ako maganda. Sinasabi ko lang yun kanina dahil ayoko magmukhang kawawa. Senior High nadin ako.

Pumunta akong library. Dito na muna akong magpapalipas ng ilang minuto, wala pa naman kaming klase, e.
Kumuha ako ng libro at umupo dito sa may sulok. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at in open ang wattpad app ko. Hihi
Yung libro props lang para kunyare nagbabasa ako ng libro.
Iba naman pala babasahin ko.
Lingon sa kaliwa, Lingon sa kanan, Lingon sa harap.
Oyy walang tao. Pwede na akong magbasa ng Possessive Series.

"OMAY GASH. I'm so excited" mahinang sambit ko na kinikilig at nag-umpisa na akong magbasa.

Ilang minuto ang lumipas ay naisipan ko ng lumabas ng library at babalik na ako sa classroom.

Habang naglalakad ay may naririnig akong parang may kumakanta at may nagstastrum ng gitara.

"Feeling like I'm breathing my last breath
Feeling like I'm walking my last steps
Look at all of these tears I've wept
Look at all the promises that I've kept" rinig kong kanta ng isang tinig na lalaki.

Hinanap ko naman kung saan galing yung boses na yun.
Lakad ako ng lakad ng may nakita akong medyo nakabukas na pinto sa classroom.

"Music Hall" sambit ko nung makita ko ang sulat sa may pinto. Lumapit ako sa pinto at pinakinggan ang taong kumakanta ng 'Purpose'

"I put my heart into your hands
Here's my soul to keep
I let you in with all that I can
You're not hard to reach
And you bless me with the best gift
That I've ever known
You give me purpose
Yeah, you've given me purpose
Thinking my journey's come to an end
Sending out a farewell to my friends, forever peace
Ask you to forgive me for my sins, oh would you please?"

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now