UNLIKE

17 2 0
                                    


"Joshua, oh." Nakangiti kong sambit kay Joshua at inilahad sa kanya ang niluto kong cookies. Joshua is my long time crush and he know it. Tinignan n'ya lang yung cookies.

"Aanhin ko 'yan" suplado n'yang saad.
"Syempre kakainin o baka gusto mo, ako nalang kainin mo. Haha" Natatawa kong wika.
"I don't eat cheap foods, like you." Seryuso n'yang sambit. I know he didn't like me but I'm still giving him my efforts and I want to feel him, how much I love him. I managed to smile even though I'm hurting inside.

"Pero masarap 'to promise. Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa pagluluto para sa 'yo" I said sweetly.

"I don't care. Baka may lason o gayuma pa 'yan" Nandidiri n'yang wika.
"Wala 'to. Syempre 'di ko yan gagawin sa 'yo kasi mahal kita" Nakangiti ko paring wika.
"Angel, I don't like you, okay. So stop flirting with me" naiinis na ang tinig nito.
"Joshua, I'm not flirting. I just want to show my love for you. Why it is hard for you to understand it"
"Because I don't like you, Angel. So stop doing things like this. Stop doing this shit" Naiinis na nitong wika.
"But I want-"
"I'm sorry, but still I don't like you" He said seriously and he walked away.

Nakatulala lang ako. I don't know what to do. Why can't you like me back. Hindi ba ako kaaya-ayang gustuhin. Nakakadiri ba ako? Nakakasuklam? Nakakainis?
Joshua, I just want you to like me. Kahit kaibigan lang.

I decided to go home, I'm not feeling well. I want to be alone now. I want to think, if I should continue this shit.

Makalipas ang ilang araw gano'n parin ang ginagawa ko. Binibigyan ko parin s'ya ng pagkain, gifts, and many more. But you know what it hurts?

Iyong harap-harapan n'yang itatapon yun sa basurahan. All my efforts was useless. I want to cry every moments he do that, but I still managed to smile. I don't want him to think that I'm weak, that I'm easy to give up.

Nandito na naman ako sa harapan ng classroom niya, hinihintay s'yang lumabas. Maya-maya lang ay lumabas na 'to.

"Hi Joshua. Here's my gift and also I cooked you shawarma. I know this is your favorite" Nakangiti kong saad, habang nakalahad sa kanya ang bitbit kong gift and food.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Lahat ng mga kaklase niya nakatingin sa 'kin at mukhang kinikilig. I smiled widely.

"Hindi ka parin ba titigil?" Rinig kong saad ni Josh kaya napatingin ako sa kanya.
"Of course not" Nakangiti kong sambit.
"Hindi ka pa ba nagsasawa?" Tanong n'ya ulit.
"Hindi" agaran kong sagot.
"Hindi ka ba nasasaktan?"
"H-hindi" may pag-alinlangan kong sagot.
"Hindi ka pa ba pagod?"
"Hindi" Pailing-iling kong sagot.
"Kaya mo pa ba?"
"Oo"
"Dahil ako, hindi ko na kaya. Hindi ko na 'to kayang ginagawa mo. Hindi ko gusto 'tong ginagawa mo. Alam mong 'di kita gusto. Pero bakit ginagawa mo parin 'to? Nakikita mo naman diba, kapag may ibibigay ka tinatapon ko tapos 'di ka parin titigil. Ginagawa ko 'yun kasi gusto kong tumigil ka. KAYA ANGEL, TUMIGIL KANA DAHIL 'DI KITA GUSTO" Napapagod na sigaw nito. Nabitawan ko yung mga bitbit ko. This time tumulo na ang luha ko. Napakasakit, nasasaktan ako ngunit kasalanan ko naman din 'to.

"Bakit? Bakit 'di mo ko kayang gustuhin? Ano bang meron s'ya na wala ako? Joshua, 'di ba ako sapat na gustuhin din?"
"It's not like that, Angel. Hindi naman kasi 'tong puso ko tumitibok para sa 'yo " Mahinahong saad niya habang nakaturo sa kanyang puso. Alam kong sincere siya sa sinasabi niya.

"Dahil yung best friend mo yung mahal ko. Alam mong mahal ko siya, Angel, kaya pakiusap tumigil kana" dugtong pa nito. Napahikbi na ako at napaupo sa sahig.

Iyon yung masakit. Kasi yung best friend ko yung mahal niya. Bakit kasi napakasaklap 'tong love life ko? Bakit yung best friend ko pa ang nagustuhan n'ya? At bakit siya din ang ginusto ko. Nilapitan n'ya ako at tinapik ang balikat ko. Hindi parin ako matigil sa paghikbi. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon.

"Angel. I'm really sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Pero sana itigil mo na 'to kasi ikaw lang ang nasasaktan. Marami pa d'yan iba na kaya kang mahalin" sensero nitong wika. I hugged him tightly, hindi naman s'ya kumuwala.

"I'm sorry, Joshua. Sorry kung ganito ako. Akala ko kasi magugustuhan mo rin ako. Ngunit sadyang totoo ang pag-ibig mo sa best friend ko. Kaya sige tatanggapin ko na. Hahayaan na kita. Hahayaan na kitang iparamdam sa best friend kong mahal mo s'ya. Dahil sa katunayan mahal ka din n'ya at wala akong laban sa pagmamahalan n'yong dalawa" Umiiyak ko paring sambit. Alam kong gusto ng best friend ko si Joshua, ngunit 'di lang n'ya maamin kasi alam n'yang mahal ko si Joshua.
Napakaselfish ko pala.

"Shh. A right person will come in a right time. Kaya maghintay ka lang, Angel" Saad nito. Kumuwala na ako sa yakap.

"Yes, I know. Thank you, Joshua" huling saad ko at tumakbo ng mabilis palabas ng school, luha ko parin ay patuloy sa pagbagsak. Nasasaktan parin ako. Kasalanan ko kung ba't ako nasasaktan ng sobra, dahil sobra ko din s'yang minahal.

I like him but he gave me more reasons to unlike him. Maybe it's time to make him free. Maybe it's time for me to move on and unlike him.

Because, being Unlike its HURTFUL.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now