LOVE MAGIC

25 1 0
                                    


"Do you believe in Magic?"
"Ano na namang kalokohan 'yan," mataray nitong tanong sa 'kin.
"Hindi 'to kalokohan, naniniwala ka ba sa Magic?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Anong Magic? Magic Sarap?" Natatawa nitong tanong. Napasimangot na lang ako.

"Huwag ka ngang mamilosopo. You know what I mean, Ayih." Seryusong saad ko dito.
"Nagpapatawa lang ako. Masyado ka namang seryuso, Craven" Natatawang saad nito sabay hampas sa balikat ko.

"Syempre, seryuso ako sa 'yo, e." Nakangisi kong sambit. Napatigil naman ito sandali at napatawa din naman agad.
"Kikiligin na ba ako?" Taas kilay nitong saad. Ay ewan 'di ko talaga alam kung ba't ko 'to nagustuhan.

Btw, hindi n'ya alam na gusto ko s'ya. Mortal enemy kasi kami n'yan. Lahat ng sinasabi ko sa kanya 'di niya pinaniniwalaan kaya ayun nag-aaway kami minsan.

"Hay nako, ang ewan mo, Ayih. So back to topic, naniniwala ka ba sa Magic?" Tanong ko ulit dito. She's pretty.
"Hindi" Agarang sagot nito at tumingin sa ibang tanawin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
Bumaling ito sa 'kin na mata ay seryusong tinignan ako.

"Kahit promise nga 'di ako naniniwala. Magic pa kaya." Saad nito.
"Magkaiba naman yan, Ayih, eh."
"Magkaiba e parihas din naman nakakasakit pag naniwala ka. D'yan ka na nga, Craven, ba't mo kasi ako kinakausap 'di naman tayo close. tsk" Mataray na saad nito at kinuha na ang bag niya bago naglakad paalis.

Pero bago siya tuluyan lumabas ng classroom may sinigaw ako sa kanya.

"Ako ang magpapatunay na totoo ang magic, Ayih" napatigil naman ito sandali.
"Go ahead. Palitan mo ang paniniwala ko" sigaw din nito na hindi tumitingin sa 'kin. Winawagayway nito ang kamay bago naglakad paalis ng classroom.

Isang linggo na ang nakalipas nung mag-usap kami ni Ayih. Hanggang ngayon napakasungit n,ya parin at hindi parin s'ya naniniwala sa magic. Pero heto ako ginagawa ang lahat para maniwala s'ya sa magic. I'll make a way.

"Ayih. Tara canteen" Pagtawag ko sa kanya. Nasa harapan ito at nag-aayos ng bag niya. Lumingon naman ito sa 'kin na nakabusangot ang mukha.

"Ano ba Craven, papansin ka naman, eh." reklamo nito.
"Mabuti nga at pinapansin pa kita. Tara na canteen, libre ko." Nakangiti kong saad. Umaliwalas naman ang mukha nito at lumapit sa 'kin.
"Tumayo kana d'yan Craven at tara na sa canteen" natutuwa nitong saad at nauna pa talaga maglakad.

"Basta talaga libre eh nagiging mabait ka" nakangisi kong sambit at sumunod na din sa kanya.
"Grave ka naman. Mabait naman ako eh sayo lang hindi, papansin ka kasi"
"Pinapansin mo din naman"
"Ayoko namang magmukha kang ewan. Haha" Natatawang saad nito. Napailing nalang ako sa kaabnuyan niya.

Sa isang linggo na 'yon. Lagi akong gumagawa ng paraan para magkasama kaming dalawa. Masaya akong kasama siya at the same time mas lalong nahuhulog ako sa kanya.

Ilang linggo ulit ang lumipas. Ilang araw din akong absent dahil nagkalagnat ako.
Pero ito yatang si Ayih namiss agad ako. Nakakagulat man pero niyakap niya agad ako pagkapasok ko ng classroom kanina. Nandito kami ngayon sa likod ng classroom dahil may sasabihin daw siya sa 'kin. Bumuntang hininga ito bago tinignan ako ng seryuso.

"Bakit ka absent ng ilang araw?" Seryusong tanong nito. Napangiti naman ako.
"Namiss mo ba ako?" Tukso ko sa kanya.
"Huwag ka ngang ngumiti d'yan. Seryuso ako"
"Seryuso din naman ako sa 'yo" natatawa kong sambit.
"Craven, ano bang meron tayo?" Napatigil ako sa pagtawa dahil sa tanong n'ya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Nagtataka kong tanong.

"Craven naman, e. Alam mo bang nag-aalala ako nung nag absent ka. Namimiss kita. Namimiss ko yung libre mo. Yung ngiti mo. Yung panunukso mo sa 'kin. Yung tawa mo. Yung mukha mo. Lahat lahat sa 'yo namimiss ko. Craven, mahal kita. Kaya naguguluhan ako kung ano ba talagang meron tayo. Kung bakit ka napapalapit sa 'kin. Kung bakit mo ako pinapansin. We're enemy before but why it's changed so fast. I unexpectedly fell in love with you" Naluluha nitong wika. Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi niya. Totoo bang mahal niya ako? Niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"Totoo ba ang sinabi mo?" Nakangiti kong tanong. Tumango naman ito at niyakap din ako.

"Totoo ngang may Magic" Napakalas naman ito sa yakap ko at pinunasan ang luha n'ya.
"Ano bang pinagsasabi mo, Craven? Sinasabi ko yung feelings ko sa 'yo, tapos Magic yung sinasabi mo d'yan."
"Ayih, nakalimutan mo na ba?" Nakangisi kong sambit.
"Nakalimutan ang alin?" Nagtataka nitong tanong.
"Nung araw na sinabi ko sa 'yo kung naniniwala ka ba sa Magic?" Napaisip muna ito bago tumango.
"Ah oo. Naalala ko na. Oh anong meron dun?"
"Sabi mo kanina 'di mo inexpect na magkakagusto ka sa 'kin. 'Yon yung sinasabi ko sa 'yong magic. Magic will come unexpectedly." Namamangha naman itong tumango.
"Craven, Naniniwala na ako na merong magic. Dahil pinutunayan mo 'yon. Gusto mo bang makarinig ng magic?" Nakangiti nitong tanong. Tumango naman ako.

"I Love You, Craven."
"I love you too, Ayih." Wika ko  at hinalikan siya sa noo.

"Unexpectedly you fell in love with me. And I called it. Love Magic."

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now