548

381 5 0
                                    

"548"

"548"

"548" paulit ulit na bigkas ko sa tatlong numero na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Tatlong numero na nakasulat sa heart shape na purple na papel.

Actually nacucurious na ako kung sino ba ang naglalagay nayan sa armchair ko.
Sa araw-araw na pagpasok ko sa school dito sa clasroom, ito lagi ang nadadatnan ko.

Hindi ko alam kung kaninong galing to?
Tinatanong ko naman ang mga kaklase ko, pero hindi din nila alam.

Hindi ko na nga alam kung sino o kanino galing 'to?
Hindi ko pa alam kung ano bang ibig sabihin nito?

Inikot ko ang paningin sa loob ng classroom nang mapadako ang paningin ko sa lalaking gusto ko.
He's strumming his guitar with his band mates around him. Sikat sila sa school nato. S'ya si Ethan ang Lead Vocalist ng Banda nilang Infinite.

"Hoy Tina, tulo na laway mo kakatitig sa kanya" Tinignan ko ng masama ang kaibigan kong si Dane, kahit kailan talaga bungangera. S'ya lang yung taong nakakaalam na gusto ko si Ethan.

"Tumahimik ka nga, baka marining tayo" sagot ko.
Kinuha nya yung hawak kong papel.
"Alam mo Tina nacucurious na ako dito" Sabi ni Dane habang tinitignan ng mabuti ang papel.

"Ako din" pagsang-ayon ko.
"Bakit ka ba n'ya binibigyan ng ganito?" Nagtatakang tanong nito. Ni mismo ako hindi ko nga din alam eh.
"Hindi ko alam" Kibit balikat kong sagot.
"Hay... Tara Tin sa canteen" Pag-aya sakin ni Dane, kaya sumama nalang ako. Gutom na s'ya at ako din. Naramdaman ko na ang mga bulate sa t'yan ko. Gutom pa more.

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school. Gusto ko kasing malaman kong sino ang naglalagay ng papel sa upuan ko.

Pag dating ko sa room walang tao, pero meron ng papel sa upuan ko. Nangunot naman ang noo ko, ang aga naman yata no'n.

"548" 'yan na naman ang numerong hindi ko alam ang ibig sabihin. Ang aga naman yata ng naglagay nito.

Pailing iling akong umupo sa upuan ko.
"Sino ka ba? " Salitang binitiwan ko bago ako pumikit at maka tulog. Hindi ako nakatulog dahil sa matinding pag-iisip nito at para malaman kung sino ang taong 'yun. Tapos wala naman pala akong madadatnan na tao dito. Maaga pa naman kaya tulog muna ako.

"Tina Tina. Hoy gising" Nagising ako ng sumigaw si Dane.
"Ba't ka ba sumisigaw?" Reklamo ko at nag-ayos ng buhok. Ang gulo tsk.

"Eh halika sa baba, bilis" Hindi pa naman ako nakakasagot hinila n'ya agad ako palabas ng room.

"Aray. Sandali nga lang" Inis kong kinuha ang kamay kong hawak nya.

"Ba't ka ba nagmamadali?" dugtong ko. Kainis ang sakit ng kamay ko kase. Pag itong babae na 'to walang masabing matino, magpalalibre talaga ako.

"Yung Infinite band nagpeperform sa baba" naeexcite na kinikilig na sagot n'ya. Dahilan para lumaki ang mata ko. I didn't expect na nagpeperform sila eh wala namang occasion.
Sa pagkakatanda ko tuwing may occasion lang sila nagpeperform.

"Talaga?" 'Di makapaniwalang tanong ko. Nakarinig na lang ako ng tunog sa baba.

"Tara " sabay takbo naming dalawa pababa.

Nakipagsiksikan kami ngayon dito sa mga nagkukumpulang estudyante para lang makapunta sa harapan.

Napamaang ako sa nakita ko.
I am now watching the Infinite band performing on stage. They're cool. Most of the students are screaming their name. I was watching Ethan singing nang mapadako ang tingin ko sa T-SHIRT nya, may naka print ditong 548.

Familiar sakin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inaalala kung saan ko nga ba yun nakita.

"548"

"548"

Ah alam ko na yung papel. Possible bang s'ya yun?

Minulat ko ang mga mata at nagtama ang aming paningin nang lalaking gusto ko. Sa isang iglap lang basa harap ko na s'ya ngayon.

Si Ethan

"548" nakangiti n'yang sambit. Ang mga mat'y titig na titig pa rin sa 'kin.

"Ikaw yun?" Nanginginig at kinakabahan kong tanong.

"Yes" nakangiti n'yang sagot kung kaya ay nasilayan ko ang biloy n'ya sa kaliwang pisnge.

"Anong ibig sabihin ng 548?" Kinakabahan at umaasa kong tanong.

Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko basta ang alam ko lang labis ang saya ko sa sinabi n'ya.

"Mahal Kita Infinity"

It's a love story...

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now