MARRIAGE BOOTH

21 1 0
                                    


"Sana hilahin ako ni crush at dalhin n'ya ako do'n sa Marriage Booth. Tapos papakasalan n'ya ako. Omo" Kinikilig kong saad. Nandito kami ng friend kong si Yna sa food court kumakain. May ginaganap kasing Marriage Booth dito sa school, nais kong sumali. Ako yung Bride at si crush Jiarelle ang Groom.

"Edi ikaw yung humila sa kanya. Para makapagpakasal na kayo. Haha" Natatawang saad ni Yna. Napangiwi naman ako.
"Duh ayoko nga, gusto ko s'ya yung humila sa 'kin. Para mafeel ko yung moment na s'ya yung hihila sa 'kin. Siya kaya yung lalaki nu"

"Ay Ewan ko sa 'yo April, ang choosy mo pa. Gusto mo lang naman makasal sa kanya"
"Eh basta hihintayin kong may hihila sa 'kin. Haha"
"Bahala ka, ikaw na kasi yung magfirst move. Pakipot ka pa kasi"
"Of course, dalagang pilipina kaya ako-" 'di ko natapos ang sasabihin ng may humila sa kamay ko. Omo excited naman akong tinignan ang taong 'to.
"Bakit?" Tanong ko ng makita ko ang 'di pamilyar na tatlong lalaki.
"Sumama po kayo Ate April. May nais pong magpakasal sa inyo" saad nung may hawak ng kamay ko. Nanlalaki ang matang tinignan ko silang tatlo.
"Talaga sino?" Kinikilig kong saad. Si Jiarelle na ba 'to. Mangyayare na ba ang hinihiling ko.
"Sumama nalang po kayo ate para malaman n'yo" Kinikilig din nilang sagot.

"Yna, ito na yung hinihintay ko. Haha" Nakangiti kong baling kay Yna na nakangiti din.
"April, Congrats" sobrang proud n'yang wika.
"Thank you, Yna. Ikaw yung brides maid" wika ko.
"Of course. Haha" saad n'ya. Natawa na lang kaming lahat at nagtungo na sa Marriage Booth. I am really excited.

Nandito na kami ngayon sa harap ng pintuan ng marriage booth. Ito na talaga ang hinihintay ko, ang makasal kami ni Jairelle.
Naeexcite na talaga ako.
Hanggang tenga ang aking ngiti ng pinihit ko na ang pinto pabukas.
Nagtama agad ang paniningin ko kay Jairelle.
Omo, no way. Don't tell me-

"My Gash. Pari si Jairelle" Gulat na saad ni Yna. Nagkatinginan naman kami ni Yna at umiling.
"Akala ko s'ya yung Groom ko" parang naiiyak ko ng  wika.
"Akala ko din. Pero sandali kung gano'n sino ang Groom?" Nagtatakang saad ni Yna. Nagkibit balikat naman ako.

"Hi wife" Napabaling agad kami sa nagsalita.
"Yves? Don't tell me ikaw yung mag-" di n'ya na ako pinatapos ng sasabihin.
"Ako nga. I'm your Groom and you're my Bride" Nakangiti n'yang sagot.

"Bakit?" 'di ko alam kung ba't 'yan ang natanong ko. Sobra talaga akobg nanghinayang. Akala ko si Jiarelle na.

"April, I really like you"
"But I don't like you Yves. Alam mo kung sino ang mahal ko"
"I know. Mahal mo yung best friend ko. Pero sana this time payagan mo akong pakasalan ka, kahit kunyare lang"
"Pero Yves-"
"Promise, titigilan ko na ang panliligaw sa 'yo. Basta pumayag ka lang. Just this time, April." Nagmamakaawa nitong wika. Ang mga mata nitong nagmamakaawang payagan ko s'ya kahit ngayon lang. Ayoko rin namang paasahin si Yves kaya tumango na lang ako.
"Sige, pumapayag ako" sambit ko. Umaliwalas naman ang mukha nito. Ginawa ko 'to dahil gusto kong tumigil na s'ya sa panliligaw, dahil ayaw ko s'yang umasa sa 'kin.
"Salamat April" nakangiting saad nito.

Nilagyan na nila ako ng belo at inayusan.
Narito ako ngayon naglalakad bitbit ang bouquet of flowers papunta sa mini altar na ginawa nila. Marami naring students ang narito, si Yves na nakangiti habang hinihintay ako malapit sa altar. Napadako ang tingin ko kay Jiarelle. Napakagwapo n'ya sa suot n'yang pang pari. Sana ikaw nalang yung groom ko. Gusto kong makasal sa 'yo Jiarelle. Hindi ko inaasahan na titingin ito sa 'kin. Bakit napakalungkot ng mata mo? May problema kaba Jiarelle?

"Ang ganda mo, April." 'Di ko inaasahan nandito na pala ako sa tapat ni Yves.
"Thank you, Yves" Hinawakan na nito ang kamay ko at umupo na kami sa upuan katapat si Jiarelle na s'yang Pari.

Nag-umpisa na itong magsalita hanggang sa makarating sa salitang.
"Yves Niaco, tinatanggap mo ba maging kabiyak ng 'yung puso si April Lyn at mamahalin mo ng tunay at totoo?" Seryusong tanong ni Jiarelle.
"I do Father" nakangiting saad ni Yves.
"April Lyn, tinatanggap mo ba maging kabiyak ng 'yung puso si Yves Niaco at mamahalin mo ng tunay at totoo?" Seryusong tanong ni Jiarelle sa 'kin.

Nag-alinlangan man ngunit ayaw kong ipahiya si Yves.
"I do Father" I said.
"I may now- I may now pronounce you a Husband and Wife" nauutal na saad ni Jiarelle.
"You may now ki- hug the bride" Dugtong pa nito.
"Diba dapat kiss 'yon?" Nagtatakang tanong ni Yves.
"Hindi pwedi Yves, Tandaan mo hindi 'to totoo" Seryusong saad ni Jiarelle. Wala ng nagawa si Yves kundi yakapin nalang ako.
Natapos na ang kasal-kasalan na hindi ako masaya. Ang nais ko ay si Jiarelle ang groom ko at s'ya ang magiging asawa ko.

Makalipas ang ilang taon. Nandito na ako sa totoong simbahan kung saan ako kakasal. Yeah, kasal ko na at hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Akala ko talaga impossible na. Ngunit may himala talaga dahil minahal ko s'ya ng mas higit pa sa higit. Nasa tapat kami ngayon ni Father.
Ito 'yung mga pangarap ng karamihan na babae ang makasal sa taong mahal nila. And I'm lucky dahil yung taong mahal ko ang taong papakasalan ko. Minahal n'ya ako ng sobra-sobra, minahal n'ya ako ng higit pa sa higit. Kaya napakaswerte ko.

"I may now pronounce you a Husband and Wife. You may now kiss the bride" saad ni Father Yves. Naging Pari si Yves at s'ya ngayon ang magpapakasal sa 'min ni Jiarelle.
Tinitigan naman ako ni Jiarelle at hinawakan ang mukha ko.

"I love you, April, mula noon hanggang ngayon" nakangiting saad nito. Napangiti narin ako.
"I love you too, Jiarelle, mula noon hanggang dulo. Hanggang kamatayan ikaw lang ang mamahalin ko" saad ko dito. Unti-unti naman n'yang nilapit ang mukha sa 'kin at hinalikan ako sa labi.

Ngayong araw na 'to ang pinakasayang araw sa tanang buhay ko.
Jiarelle and I, ay totoong kasal na.
Ang salitang I love you ay hindi matutumbasan kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Yung pari namin noon ay s'yang asawa ko na ngayon.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now