TALK TO STRANGER

31 3 0
                                    


"Ang tagal naman ni Rose mag-aalauna na oh wala parin s'ya" rinig kong sabi ni Reign. Tumingin naman ako sa kanya.

"Maghintay pa tayo, maya-maya nandito na 'yon" saad ko at tumingin tingin sa daan. Hinihintay namin kasi ang kaibigan naming si Rose. Magcocomputer kami dahil may gagawin kaming project. Sabi n'ya hintayin daw namin s'ya dito malapit sa com shop.

"Upo muna tayo. Nangangalay na ako" saad naman ni Donna at umupo sa damuhan. Umupo din naman ako. Kapagod kaya nu, 'di kaya ng sexy body ko.

Tinignan ko naman ang dalawa ko pang kaibigan.
"Ano wala kayong balak umupo?" Tanong ko sa kanila.
"Wala gusto pa naming tumangkad. Haha" Natatawang saad ni Nis at nagsiapiran naman sila ni Reign.
"Anong nakakatawa do'n?" Taka kong tanong sa kanila.
"Wala Ja, maganda lang kami. Haha" Natatawang sagot nilang dalawa. Inirapan ko naman sila. Kaya ayun tumalikod sila sa 'kin at nag-usap.

Like duhh. Anong nakakatawa do'n? Hay nako ba't ba may kaibigan akong tulad nila, Wala namang connection yung tanong ko sa sagot nila.

"Tsk. Mga abnoy nga naman" Mahina kong sambit at nagmamasid na lang sa daan baka makita ko pa si Rose.
Bakit kaya ang tagal ng babaitang yun? Pa feeling important din yun e. Haha charot.

Ilang minuto ang lumipas, nagtaka ako kung bakit 'di ko na naririnig ang usapan ng mga kaibigan ko. Himala tumahimik sila.

Bumaling naman ako sakanila.
Holy sh*t ba't nakanganga sila at mukhang may tinitignan sila. Tumingin naman ako kung saan sila nakatingin.

Pak sh*t napanganga din ako sa nakikita ko.

Isang mala anghel na lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan sa 'min.
Matangkad, Mapayat, Maputi, Matangos ang ilong, Makinis, Makapal ang pilik mata, mapula-pulang labi.

"Anghel ba ang nakikita ko?" Tanong ko habang titig na titig parin sa lalaki.
"My ghash ang pogi" rinig kong sambit ni Donna.
"Sh*t jowable " impit tiling sambit ni Nis.
"Ano kaya pangalan n'ya?" Tanong naman ni Reign.
"Aba, malay ko" sagot din ni Donna. Nagtitigan naman kaming apat.

"Tara magplano" Nakangiti kong sambit at nagsilapit naman sila sa 'kin.
Sinabi ko na sa kanila ang plano kaya todo ngiti sila ngayon.

"Hoy. Kung sino sa 'tin ang pipiliin ng anghel na 'yan. Walang samaan ng loob ah" Paalala ko sa kanila.

Tumango naman sila at ngumiti.

"Kung sino mapunta ang lalaki na 'yan. Best friends parin tayo ah" Saad naman ni Reign.
"I think, ako talaga pipiliin n'ya, e." Sambit naman ni Nis, kaya ayun nakatikim ng batok kay Donna.
"Tsk. H'wag ka muna mag-assume d'yan" sabi ni Donna.
"H'wag nga kayong mag-away, tara na at gawin na natin ang plano" sambit ko at nag-una ng maglakad. Nakasunod naman sila sa 'kin.

Nakangiti kaming lumapit kay kuyang pogi.

"Hi po" bati ni Nis kay pogi. Nagtataka man ay ngumiti naman ang lalaki.
"Hello din sa inyo" Pagbati nito.
"Kuya, pwede po kaming magtanong?" Saad ni Reign.
"Sure, tungkol ba saan?" Tanong nito.
"Para lang po sa assignment namin" saad naman ni Donna.
"Talk To Stranger, yun po yung assignment namin. Tatlong katanungan lamang po" Nakangiti kong sambit. Ramdam kong gusto ng magtanong ng mga kaibigan ko. Mukha palang nila makikita mong excited na.

"Oh sige ok lang." Nakangiti nitong sagot.

"Unang tanong. Ano pong pangalan n'yo? Whole name po ah" Tanong ni Reign.
"I'm Ace Santos" Sagot nito. Kay ganda ng pangalan. Step 1, Done.
"Pangalawang tanong. Ilang taon na po kayo?" Tanong naman ni Donna.
"18 years old" Sagot n'ya. Tamang tama 'di nagkakalayo sa edad namin. Step 2, Done.
"Pangatlong tanong. Saan po kayo nakatira?" Tanong naman ni Nis.
"I live in Iloilo" Sagot nito. Malapit lang pala yung lugar n'ya. Pwede pwedeng puntahan haha. Step 3, Done.

Ngumiti naman kami sa kanya.

"Thank you po sa pagsagot" Kinikilig na saad ni Reign. Ngumiti naman si Ace.
"Ang gwapo n'yo po, kuya." Sambit ko. Hindi ko napigilan 'di sabihin, e. Natawa naman ito.
"Salamat. Kayo din naman" pagbobola nito sa 'min.
"Hindi naman masyado" pabebeng sagot ni Nis. Natawa naman kami dahil sa sinabi niya. Nagawa pa n'yang magpacute ha.

"Iyon lang ba yung itatanong n'yo?" Saad ni Ace.
"Hmm. May follow up question pa po ako" sagot ko. Tumango tango naman yung mga kaibigan ko. I know ito yung hinihintay nilang tanong.
"Ano yun?" Tanong ni Ace.

"Single po kayo?" Napatawa naman ito dahil sa tanong ko. Habang kami ng mga kaibigan ko naman ay abang na abang sa isasagot niya. Sh*t 'wag naman sana.

"I'm Taken. Sorry, but I have a girlfriend. Hinihintay ko nga s'ya dito, e." Nakangiti nitong sagot.

Nang dahil sa sinabi n'ya ramdam ko ang lungkot at pagkadismaya sa mukha namin.
Sayang naman. Kung sana yun nalang yung first question namin para 'di na kami umasa at masaktan. Akala ko pa naman isa sa 'min ang makakatuluyan niya. Yan kasi ang rupok namin.

Plan has been slain.

Ngumiti naman kami sa kanya ng peke.
At sinabi ang famous line ng mga single kahit na nasasaktan.

"SANA ALL" Sabay naming sambit ng mga kaibigan ko at nagwalk out.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now