SINGSING

69 4 0
                                    

ELEMENTARY.

"Oh, ano 'yan?" Nagtataka kong tanong sa kaibigan kong si Steirr.
"Singsing" Nakangiti n'yang sagot at pinasuot sa 'kin ang singsing.
"Alam kong singsing 'yan, pero ba't mo sa 'kin pinapasuot?" tanong ko ulit sa kanya at tinignan sa 'king daliri ang kulay silver na singsing na may nakaukit na maliit na heart.
"Dahil gusto kitang pakasalan"
"Pero ang bata pa natin."

"Mahal kita, Yen. Ang singsing na ito ang magpapatunay na mahal kita at papakasalan kita paglaki natin." Napangiti narin ako dahil sa sinabi n'ya.
"Mahal din kita, Steirr." masayang wika ko.
"Pangako, papakasalan kita, Yen." Saad n'ya at niyakap ako.

"Talaga lang ah" Kinikilig na sagot ko naman.
"Oo naman."
"Iingatan ko ang singsing na ito para pangako natin, hindi maglaho." Masayang sambit ko habang pinagmamasdan ang singsing na kumikinang sa daliri ko.

Elementary kami no'n ng nagtapat kami ng pagmamahalan naming dalawa. Sobrang saya namin noong nasa elementarya pa lang kami. Wala kaming problemang dinadama. Masaya kaming nagmamahalang dalawa.

HIGHSCHOOL.

"Sino 'yong kasama mong babae kanina, Steirr?" Nagtataka kong tanong dito ng nakalapit na 'to sa pwesto ko.
"Ah, classmate ko lang 'yon, yung transferee." Inosenteng sagot naman nito.
"Ang ganda n'ya, 'no?" Tanong ko dito at pinagmasdan ang babae kasama ang mga kaibigan n'ya papunta sa canteen.
"Oo nga, e." Nakangiti n'yang sagot at nang tingnan ko s'ya ay nakatingin na din ito sa babae.
"Nagseselos ako, Steirr." Walang pag-alinlangan kong sinabi. Nang sabihin ko 'yon ay tumingin ito sa 'kin.
"H'wag ka ng magselos, Ikaw lang naman ang babaeng laman ng puso ko, e." Napangiti ako sa sinabi n'ya at niyakap n'ya din ako. Bumulong ito sa 'kin, na s'yang pinabilis ang tibok ng puso ko.

"I love you, Yen." Mahihimigan mo ang saya sa kanyang boses at gano'n din ako.

"I love you too, Steirr."

Kumawala ito sa yakap at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, na parang ayaw n'ya akong bitiwan.

"Tandaan mo, itong singsing ang patunay na mahal na mahal kita." Nakangiting wika n'ya at hinalikan ang kamay ko, dulot no'n ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sayang nadarama.

High School. Marami kaming pinagdaanan.
Selos dito, selos doon.
Away ngayon, bati mamaya.
May problem mang dumating, ang pagmamahalan namin ay matatag parin.

COLLEGE.

"Sino 'yong lalaking yun?" Galit na saad ni Steirr sakin.
"He's just my classmate." Nakayukong sagot ko. Ayaw kong makitang galit sa 'kin si Steirr.

"Classmate? E, bakit hinatid ka n'ya pauwi. P*ta, Yen, wala lang akong time na mahatid ka pauwi nagpasama kana sa lalakeng 'yon." Galit na sigaw nito, na s'yang nagpakaba sa 'kin. Minsan lang s'yang magalit ng ganito,kaya natatakot ako.

"Sabihin mo nga niloloko mo ba ako?" dugtong nito. Dahil sa sinabi n'ya, ay do'n na ako napatingin sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata nitong seryuso ngunit ramdam mo ang galit.

"Alam mong hindi ko magagawang lokohin ka, Steirr. Hinatid n'ya lang ako, masama ba 'yon?" mahinahon ngunit nanginginig kong wika.
"Alam mo namang ayaw kong sumasama ka sa ibang lalake, diba? dahil nagseselos ako." Naiinis na sigaw nito.

"Nagseselos din ako, Steirr. Nagseselos ako kapag nakikita kitang may kasamang ibang babae. P-pero hindi ako nagalit sa 'yo, kasi may tiwala ako sa 'yo. May tiwala akong hindi mo ako ipagpapalit. Kaya sana gano'n ka din sa 'kin..." Sigaw ko din sa kanya habang patuloy umiiyak.
"Nakikita mo ba 'to?" dugtong ko sabay pakita ng singsing na suot ko. Inosente n'ya 'tong tinignan.

"Hindi ko kayang mawala to, dahil iniingatan ko 't. Kagaya ng sing sing na ito, gano'n ka din  sa 'kin, Steirr." Mas lalong lumakas ang iyak ko habang inaalala ang panahon na binigay n'ya sa 'kin 'tong singsing kasabay ng mga pangako n'ya.

Nang tingnan ko s'ya ay umiiyak na din ito.

"I'm sorry, Yen. Nadala lang ako ng selos ko, hindi ko gustong sigawan ka, hindi ko gustong saktan. I'm sorry," he said.

"Sorry din," I said.

"Mahal na mahal kita, Yen." Nakangiti nitong wika at pinunasan ang pisnge ko.

"Mahal na mahal din kita, Steirr." I said and He kissed me on my forehead.

College. Magkaiba kaming course na kinuha at busy narin kami. Maraming problemang dumating. Maraming tao ang dumadating, pero hindi iyon naging hadlang para maghiwalay kaming dalawa.

PRESENT.

I'm here in the church, wearing a gown and I was staring to the man I love...

Steirr.

"I may now pronounce you a Husband and Wife. You may now kiss the bride." masayang wika ni Father.

Hindi ko napigilan ang luha kong tumulo.

Pinangako n'ya ito.
Pinangako namin ito.

Pinangako n'ya na tinupad n'ya sa iba.

Tama kayo ng pagkakabasa.

He's now married with the girl he loves now.

At ako?

Isa lamang akong guest sa kasal nila.
Naghiwalay kami ng nagtatrabaho na kami.
Long Distance Relationship kami, ayon 'di kinaya ng relasyon. Sa katunayan hindi namin na kaya 'yon. Wala na kaming time sa isa't-isa. Kaya hiniwalayan n'ya ako at nakahanap s'ya ng iba.

Kahit gaano pa pala katatag at katagal ang pinagsamahan niyo.
Kapag nagbago ang panahon, magbabago din pala ang nararamdaman n'ya.

Siguro kailangan ko ng tanggapin na...
Pinagtagpo lang kami, pero hindi itinadhana.

Nasasaktan na ako sa nakikita ko ngayon, kaya lumabas naako ng simbahan.

Until now s'ya parin ang mahal ko.

Hinubad ko ang singsing na nagniningning sa kamay ko at tinitigan ko ito ng mabuti. Sa huling pagkakataon.

"Iyong singsing nandito pa, pero yung nagbigay wala na." Humagolgol ako sa iyak at kasabay no'n ang malakas na pag-ulan.

Tinapon ko ang singsing sa gitna ng daan at nagpagulong-gulong ito kung saan. Ang singsing na naging saksi sa lahat ng panagko n'ya na sa iba n'ya tinupad, ay ngayon wala na. Wala na s'ya at kahit kailan hindi na s'ya magiging akin pa.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now