ULAN

52 3 0
                                    


Naglalakad ako pauwi ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman akong dalang payong kaya naisipan kong maghanap muna ng masisilungan.

Napatakbo ako ng makahanap ako ng masisilungan, ngunit napatigil din ng makita ko ang isang babaeng sa 'di kalayuan na nakasuot na kulay asul na dress. Ito'y masayang sumasayaw sa daan at ninanamnam ang mga malakas na ulan na tumatama sa kanyang katawan.

Kung titignan mo ay para itong baliw na sumasayaw, pero ang mukha naman nito ay napakaamo at napakagandang dilag.

Napatulala ako sa kanyang angking kagandahan.

Hindi na ako nag-abalang magpasilong dahil basa na din naman ako ng ulan.
Naglakad ako palapit sa kanya.

"Binibini" aking pagkuha ng atensyon sa magandang binibini. Tumigil naman ito sa pagsayaw at ngumiti ng malapad sa 'kin.

"Ginoo" sabi nito, ang boses nito ay kay sarap pakinggan, parang musika sa aking pandinig. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Bakit ka sumasayaw sa gitna ng malakas na ulan, binibini?" Nagtataka kong tanong.

"Masaya ako kasi umuulan" Saad nito.

"Ngunit baka magkasakit ka?" Nag-aalala kong tanong. Umiling ito.

"Hindi ako magkakasakit. Kasi ako ang lumikha ng ulan?" Gulat ako dahil sa sinabi n'ya. Ano daw s'ya ang may likha? Ang weird naman ng babaeng ito. Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"H'wag mo nga akong lokohin binibini. Haha. Tao lang tayo at wala tayong kapangyarihan." Saad ko dito. Na s'ya namang kinabusangot nito.

"Hindi ako tao, ginoo" Saad nito, na s'yang napatigil sa pagtawa ko.

"Ano?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti ito. May saltik ba 'to.

"Mukhang hindi ka naniniwala sa sinabi ko. Hali ka't umupo tayo doon at sasabihin ko sa 'yo ang kwento ko" Saad nito at pumunta sa malapit na puno ng akasya at umupo dito sa ilalim ng puno. Gano'n din ang ginawa ko.

"Ako si Ulan" pagpapakilala nito. Natawa naman ako ng bahagya.
"Ulan ang pangalan mo?" Tanong ko dito. Tumango naman ito at tumingala sa langit. Kaya tumingala din ako. Maggagabi na at patuloy paring umuulan.

Nagpatuloy ito sa pagkwento kaya hinayaan ko nalang ito, at nakinig na lang.

"Ako ang lumikha ng ulan, isa akong diwata na nakatira sa mga ulap. Malungkot ako kaya ninais kong umulan. Napapagaan ang loob ko at masaya ako kapag umuulan. Kapag umuulan lang ako nagpapakita at napaparito sa mundo ng mga tao. Kapag umaraw naman ay bumabalik ako sa aking mundo" pagkukwento nito.

No'ng una hindi ako naniniwala, ngunit ng marinig ko ang kwento nito, alam kong nagsasabi ito ng totoo.

Tumingin ito sa 'kin at saka ngumiti.

"Pwede ba kitang maging kaibigan, ginoo?" Saad nito. Ang mga mata n'ya ay kulay asul din, napakaganda.

"Oo naman, Ulan. Ako nga pala si Kiro. Masaya akong makilala ka, Ulan" Masayang saad ko dito.

"Masaya din akong makilala ka, Kiro"

In that day we became friends. Kapag umuulan lagi akong pumupunta sa aming tagpuan. Mas nakikilala ko pa s'ya ng lubos. Masaya kaming dalawa kapag magkasama.
Mga ilang araw ang nagdaan ay ramdam kong nahuhulog na ako sa kanya.
Sino naman ang hindi diba.
Isang magandang babae at maganda ang ugali nito.
Para sa 'kin isa s'yang Perpektong Diwata.

Mali man pero ramdam kong nahuhulog na ako sa isang diwata.
Mahal ko na yata si Ulan.

Nang magkita kami ay pinagtapat ko sa kanya ang pag-ibig ko. Noong una kinakabahan pa ako, baka kasi layuan n'ya ako. Pero nung sinabi n'yang mahal n'ya rin ako. Walang paglalagyan ang saya ko. And we became happy. Naging masaya kami sa mga Ulan na nagdaan.

Ngunit akala ko magiging masaya na.
Pero hindi ko inaasahan ang nangyare.
Malakas ang ulan no'n, no'ng isang araw.
Bumaha at marami ang napinsala dahil sa malakas na ulan.

Hindi ako nakipagkita no'n kay Ulan, dahil ang bahay namin ay nasira at nagkasakit ang aking ina pati narin ang aking kapatid.
Dahil sa ulan sila ay nagkasakit. Kaya dinala ko sila sa hospital ngunit namatay agad sila. Yung tatay ko naman ay namatay din dahil nalunod nung bumaha.
Kaya sobrang sakit ng naramdaman ko ngayon. Nawala ang aking pamilya sa isang iglap lang.

Dahil sa sobrang galit ko ay pumunta ako sa tagpuan namin ni Ulan.
Wala akong paki kung basa na ako ng ulan ngayon.

Malayo palang ay tanaw ko na si Ulan na nakangiti. Hindi ko magawang ngumiti dahil nasasaktan ako.

"Kiro, mahal ko" nakangiting bungad ni Ulan sa 'kin.
"Kasalanan mo 'to" Agarang saad ko. Gulat naman itong tumingin sa 'kin.

"Anong kasalanan ko, Kiro? Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan nitong sagot.
"Dahil sa 'yo, namatay ang mga taong mahal ko. Dahil sa ulan na nilikha mo namatay ang pamilya ko. Dahil sa 'yo yun, Ulan" Umiiyak na sigaw ko kay Ulan.

Umiling-iling ito at umiiyak na din. Ngunit hindi ko magawang maawa sa kanya. Kahit umiyak pa siya d'yan, hindi mawawala ang galit at sakit na nararamdaman ko.

"Kiro patawad, gusto ko lang naman maging masaya. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayare" Naiiyak nitong saad at hahawakan pa n'ya sana ako, ngunit tinabig ko ang kamay nito.

"Anong magagawa ng patawad mo Ulan, kung wala na ang mga taong mahal ko" Malakas na sigaw ko dito.

"Kiro, patawarin mo ako"

"Nang dahil sa gusto mo maging masaya, hindi mo iniisip na maraming malulungkot. Napakaselfish mo, Ulan"

"Ayaw na kitang makita, Ulan" Dugtong ko pa dito. Gulat naman itong napatingin sa 'kin.
"Ano? Akala ko ba mahal mo ako, Kiro, 'wag naman ganito oh, pakiusap" Saad nito. Lumuhod ito at hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw ko ng umulan, natatakot akong marami na namang mamatay dahil sa nilikha mong ulan. Kaya bitiwan mo na ako" Dahil sa iyak ko, nanginginig na din ang aking boses.

"Ngunit Kiro hindi lang naman ako ang lumilikha ng ulan, kaya 'wag mong gawin sa 'kin 'to. Mahal kita Kiro, patawarin mo ako" nauutal nitong saad. Ang mga mata n'yang puno ng lungkot.

"Mahal din kita Ulan, ngunit ayoko ng masaktan, pero 'wag kang mag-alala pinapatawad na kita" Pagkasabi ko no'n ay bumitiw na ako sa kamay n'ya at tumalikod.

"Kiro, 'wag mong saktan ang puso ko" Rinig kong pakikiusap nito, hinayaan ko na s'ya at tuluyan na akong umalis.

Hindi ko pa kayang makita s'ya. Dahil kapag nakikita ko s'ya, naaalala ko lahat ng masasamang nangyare. Paalam Ulan.

A months had past at nandito ako ngayon sa dati naming tagpuan.
Narealized kong napakalaki kong tanga.
Bakit ko ba sinaktan ang babaeng s'ya na lang ang meron ako.
Nagsisisi ako sa ginawa ko.

Ngayon ay umuulan, ngunit kahit umulan man ay hindi parin ito nagpapakita.
Namimiss ko na si Ulan.
Namimiss ko na ang babaeng mahal ko.
Sana mapatawad n'ya ako.
Dahil sa galit ko ay nawala s'ya sa piling ko.

Tumingala ako sa langit na ngayon ay kumukulog. Makikita mo na hindi ito masaya. Hindi katulad nung dati na nandito pa si Ulan.

"Patawarin mo ako Ulan, kung nasaktan ko ang 'yong damdamin. Mahal kita, Ulan"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now