DREAM BOY

26 4 0
                                    


"Mahal, ba't naparito ka? Kay aga-aga ah" Nakangiti kong sambit sa boyfriend ko. Kakalabas ko lang kasi ng bahay at papasok na ako ng school. Ngumiti naman ito at hinalikan ako sa noo.
"Syempre sinusundo ang mahal ko" Sagot nito at kinuha ang bag ko.

"Ay mahal, ako na kaya ko naman, e." Sambit ko at pilit kinukuha ang bag ko sa kamay n'ya.
"Shh. Mahal ako na. Ayaw kong nahihirapan ka 'no." Saad nito kaya kinilig naman ako. Ang sweet talaga ng Boyfriend ko.
"Salamat mahal, I love you." Nakangiti kong sambit at niyakap siya.
"I love you so much, mahal" Sambit nito.

Naglakad na kami at nagtungo sa school. Malapit lang kasi yung paaralan dito kaya naglakad na lang.
Habang naglalakad 'di ko talaga mapigilan ang ngumiti. Syempre kasama ko ang mahal ko. Naghoholding hands. Nag-uusap tungkol sa buhay namin.
Hay... worth it talaga ang paglalakad.

"Mahal oh" sambit nito at binigay sa 'kin yung paborito kong spaghetti w/ chicken. Nandito kasi kami ngayon sa canteen at lunch time na.
"Salamat mahal" Nakangiti kong sagot dito.
Ngumiti naman ito at umupo sa harap kong upuan.
Nag-umpisa na kaming kumain.

Maya-maya lang ay ramdam ko ang titig nito sa 'kin. Naiilang ako kaya nagtataka naman akong tinignan s'ya.
"May dumi ba ako sa mukha, mahal?" Tanong ko dito. Umiling naman ito na nakangiti.

"I'm just happy because I'm with you. I'm so very happy because you chose me over 7.6 billion people in this world. Im so lucky to have you.You make my world more interesting. You make me happy every day.
When I'm with you I feel complete .You gave me light in my darkest life. You're my strength and you're my weakness also.You're my sunshine in my life, mahal. You're my Everything. I love you, I always do" Dahil sa sinabi n'ya ay napapanganga ako. Pak sh*t umenglish ang putek.

Pero kinilig ako d'on. I feel my heart beats beating faster and faster. Because of him.

"I... I love you, mahal" Sambit ko nalang at ngumiti ng malawak. Tumawa naman ito.
"Kain kana mahal. Ayaw kong nagugutom ka" Saad nito at sinubuan ako ng spaghetti.
Kinain ko naman ito.
For me, he's perfect.
He's my everything. He's the man that I love the most.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko. Medyo madilim na at hinatid n'ya ako ngayon dito. Ayaw n'ya daw akong mapahamak kaya hinatid n'ya ako. I'm so lucky to have a boyfriend like him.
Para sa 'kin masaya ang araw na 'to nagdate kasi kami ng matapos yung klase namin kaya ginabi kami ng uwi.

"Thank you mahal for this day. I'm so happy" I said sweetly that makes him smile widely.
"Thank you too mahal, In everyday you make me happy. Araw-araw, oras-oras, minuto-minuto, segundo-segundo, puso ko'y napapaibig mo" Saad nito at niyakap ako ng mahigpit, I hugged him back.

Ilang segundo ang lumipas ay kumawala ito sa yakap. He looked at me. Ang mga mata nito ay kumikislap.

"I love you, mahal" sambit ko.

"I love you too, mahal" Nakangiting sabi nito at unti unting nilapit ang mukha nito sa 'kin. Ako naman ay naistatwa sa kinatatayuan. Kunti na lang talaga at mahahalikan na niya ako.

Piinikit ko ang aking mata para mafeel ko ang bawat sandali naming dalawa. Ramdam ko na ang kanyang mabangong hininga na tumatama sa 'king mukha. Hinihintay ko na lang na dumampi ang mga labi namin sa isa't-isa.

1

2

3

"Aray ko" napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit sa 'king likod na tumama sa matigas na bagay.

Minulat ko naman ang aking mata.
"Sh*t ba't nasa kwarto ako" nagtataka kong saad ng makitang nasa sahig ako ng aking kwarto.

My Ghash. Anong nangyare?

Nanlaki ang mata ko ng marealized kong panaginip lang pala ang lahat.
Wala pala akong boyfriend.

"Sayang naman maghahalikan na sana kami, e." Nanghihinayang kong saad.

Tumayo ako at pumunta sa bintana at binuksan 'yon.
Maaga na pala.
Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sikat ng araw na tumatama sa 'king mukha.

"Siya ang pangarap kong lalaki na sa panaginip ko lang makakamit"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now