11:11

43 6 0
                                    


Sabi nila kapag 11:11 daw maaari kang magwish at ang yung kahilingan ay matutupad. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'to. Hindi ko alam kung ito'y totoo. Pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba.

Nandito ako ngayon sa 'king kwarto, nakaupo sa tapat ng bintana naming bukas.
Tumingala ako sa langit na ngayon ay napakaganda. Gabi na kaya makikita ang tunay na ganda ng kalangitan.

Ang buwan na kay laki at kay sarap titigan.
Mga bituing kumikislap sa kalangitan.
Mga ibon sa himpapawid na nagsisiliparan.
Simoy ng hangin na kay sarap damhin.

Napayakap ako sa sarili ng nakaramdam ako ng lamig.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

"Ow it's 11:00 pm" sambit ko ng makitang 11 minutes na lang ang aking hihintayin.

Nagmamasid muna ako sa labas ng bahay para ako'y malibang sa kakahintay.

A minutes past by.
At ngayon 11:11 pm na.
Napangiti naman ako.
I closed my eyes and mouthed the words I want to come true.

"Hinihiling ko sana makahanap na ako ng lalaking iibigin ko ng tunay. Lalaking bubuo ng aking sirang puso. Lalaking mamahalin ako ng totoo. Lalaking magpapasaya sa buhay ko. 11:11 sana'y hiling ko'y dinggin mo" I opened my eyes when I finally said those words.
I hope it will come true.

Despirada na kung despirada. Nais ko lang naman ay may magmamahal din sa 'kin.
Magmamahal ng tapat at totoo.
Gusto ko lang magkaroon ng kulay ang buhay ko.
Wala na akong pamilya. Kaya nangungulila ako sa pagmamahal.
Sabik ako sa pag-ibig.
Hindi narin naman ako bata.
I'm Lilian Roses, 24 years old.
I have a stable job.
And I'm living on my own.

I closed the window.

Pumunta na ako ng kama ko.

"Ha..." napahikab ako dahil sa antok.
Matutulog na ako.
Maaga pa ako bukas sa trabaho.
Nagpray muna ako.
Sana maging totoo yung wish ko.

Kinabukasan.

Nandito ako ngayon sa Mall dahil dito ako nagtatrabaho.
Isa akong cashier sa Mall na 'to.

Kay hirap at kay pagod maging cashier.
Dapat ikaw ay alerto.
H'wag magkamali sa pagmanipula.
Napakahaba ng pila. Ho...
Ako'y walang pahinga pa.

"1,544 po lahat ma'am" nakangiti kong saad sa aming customer. Binilang naman nito ang pera at nagbayad. Inabot na ng kasama ko sa kanya ang kanyang binili.

"Thank you ma'am, pls come again" I said sweetly. Ngumiti naman ito at tumango bago ito umalis.

Tinignan ko naman ang sunod na customer.
Pak shet..
Lag lag pangang tinitigan ko ang lalaking kaharap ko.
Matangkad ito, maputi, makinis, may pagkapayat, matangos ang ilong, umiigting ang panga nito, mapupungay ang mata.
Napatingin ako sa kanyang mapula-pulang labi. Nagulat ako ng mapakagat labi ito.
Pak shet.. Ang sherep ay charot..

"Tapos kana bang titigan ako ng malagkit?" Dahil sa sinabi n'ya ay napanganga ako. Gano'n ba akong tumitig?
Dahan-dahan nitong nilapit ang kamay sa 'king labi. Pak shet anong gagawin n'ya? Dahil malandi din naman ako hinayaan ko lang. Ay charot.

Napapikit ako ng maramdaman ang kanyang kamay na malambot.

"Dahil sa kakatitig mo, tulo na laway mo" Dahil sa sinabi n'ya, napamulat naman ako. Pinahiran n'ya lang pala ang labi kong may laway.
Ay nako bawas ganda points 'yon. Haha.

"Gwapo ka kasi, kuya. Pwedi mo na kong jowain- ay este pwedi ka ng magkajowa" saad ko dito na s'yang kinatawa niya. Ang cute n'yang tumawa parang ako cuteness overload.

"Haha. You're funny and cute as well" Dahil sa sinabi n'ya. I flipped my hair, right and left. Ang haba ng hair ko my gash.

"Shelemet pe" pabebe kong saad.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now