HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT

22 2 0
                                    


Habang naglalakad ako patungo sa school ay pumitas ako ng bulaklak. 'Di ko alam kung anong bulaklak 'to basta may petals. HAHA
Tawa kayo, joke 'yon.

"He loves me" sambit ko at pinitas ang isang petal.
"He loves me not"
"He loves me"
"He loves me not" patuloy kong saad habang pinipitas isa-isa ang mga petals ng bulaklak. Hanggang sa dalawa na lang ang natira.

"He loves me" pinitas ko ulit at isa na lang ang natira.
Oh no. Hindi pwedi 'to. I need to do something.

Napangiti ako ng may naisip na kagagahan ay este kagandahan.
Kinuha ko ang isang petal sa sanga nito at hinati sa dalawa.

"He loves me not" tinapon ko ang kalahati.
"He loves me. Yiee" kinikilig kong sambit at pumapasok saking isip ang larawan ng crush kong si Zeco. Hinalikan ko ang kalahating petal at umikot-ikot na parang prinsesa.

"Lah lah lah. Omo he loves me daw. HAHA" Natatawa kong saad habang umiikot parin at nakatingala ako sa langit. Ang sikat ng araw ay tumatama sa 'king magandang mukha.

Natapilok ako at nawalan ng balanse kung kaya'y muntik na akong mahulog sa kanal. Buti na lang talaga ay may taong humawak sa bewang ko. Napatingin ako sa mukha ng taong yun at gulat ko itong tinignan.

Omo. Is it real?

Si crush Zeco yung sumagip sa 'kin sa muntikan ng pagkahulog sa kanal.

"Be careful, baka mahulog ka" Seryusong saad nito at ang mata nito ay nag-aalala. Napangiti naman ako.
"Nahulog na nga ako sa 'yo" mahina kong sambit na mukhang 'di n'ya naman narinig.

"Ha?" Nagtataka nitong tanong sa 'kin. Binitawan niya na ako at umayos naman ako ng tayo.
"Hmm. Sabi ko kay gwapo mo ay este kay ganda ng araw ngayon" natatawa kong saad. Para akong tanga dito sa harapan niya dahil sa kahihiyan pero at least pretty parin.

"Ah. Yap, so paano una na ako" nakangiti na nitong saad. Kaya nakita ko ang pimple niya ay este dimple pala sa magkabilaang pisnge. Ba't kasi magkatunog yun eh. Pretty ako pero may pagkabobo din naman.

"Ha. Hindi mo man lang ako isasabay? Magkaklase din naman tayo" nakapout kong tanong dito. Tumawa naman ito ng mahinhin. Ay ako siguro kasiyahan nito.

"Haha. Pwedi ka naman sumabay sa 'kin.
Ang cute mo ngayon, Trix" Natatawang saad nito. Ngingiti na sana ako kaya lang, ngayon lang daw eh.

"Grave ka naman. Araw-araw kaya akong cute" nakapout kong saad. Nagulat ako ng pisilin niya ang magkabilaang kong pisnge.

"Oo na araw-araw kang cute para sa 'kin. Kahit sa iba tingin sayo dugyot. Haha" saad nito habang pailing-iling na naglakad pauna sa 'kin. Napatulala naman ako dahil sa ginawa n'ya. Hinawakan ko naman yung pisnge ko.
Omo ang lambot ng kamay n'ya.

"Trix, lets go" rinig kong sigaw nito kung kaya'y sumunod na ako sa kanya.
Habang naglalakad kaming dalawa ay palihim naman akong ngumingiti.
Simula pa lang 'to ng aming pag-iibigan.

Nang papasok na kami sa gate ng aming school may isang babae ang lumapit sa 'kin at inabot ang isang kulay pulang rosas. Nagtataka ko naman s'yang tinignan.

"Para saan 'to?" Taka kong tanong. Pero ngiti lang ang ginanti niya. Tinignan ko naman si Zeco sa tabi ko. Tatanggapin ko ba 'to? Nakangiting tumango ito, parang nabasa ang iniisip ko. Tinanggap ko nalang ang rosas at umalis na ang babae.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at gano'n parin ang nangyare. May lumapit ulit na babae at binigyan ako ng bulaklak. Sunod sunod ang pagbigay nila sa 'kin. Tinanggap ko nalang kasi feel ko ang ganda ko.

17 roses na ang bitbit ko. Maraming mga estudyante ngayon ang nakapibot sa 'min. Lahat sila ay nakangiti at kinikilig. Napalingon ako sa tabi ko kung saan si Zeco. Pero putek he's not here. Omoo nasaan na 'yon. Ba't niya naman ako iniwan dito.

Napabaling ulit ako sa harap ng makarinig ako ng tugtog.
"You're now a lady. You're a simple. You're beautiful. You're shining like a diamond in my eyes" kanta ng bandang hinahangaan ko, ang INFIN8. 8 ang bilang ng myembto nila. My favorite song pa 'yong kinanta nila, 'You're a simple lady' yung title.

"You caught my eyes with your simple beauty. You make my heartbeats beating so faster. And now I fall in love with you lady. I wish you could love me back, my lady" oh its so sweet to hear that song.
Nang sa chorus na ng kanta ay 'di ko inaasahan na lalabas si Zeco na may hawak na rosas, sa isang kamay naman ay merong mic. Don't tell me he will sing.

'Di nga ako nagkamali. Kumanta ito habang lumalapit sa 'kin.
"Oh my lady. I guess now you know, what I feel. I love you and I want you to feel. I hope so, you can love me back the way I love you.
Oh my lady, my lady, my lady. My love for you was real and pure.
You're simple beautiful lady. Simple that shines you so brightly. Oh myyy lady" Nakangiting kanta nito sabay abot sa 'kin ng rosas. Rinig ko ang mga tilian ng mga estudyante dahil sa kilig. Pero mas rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Kinuha ko ang rosas sa kamay n'ya.

"Happy 18th birthday my lady" Gulat ako dahil sa sinabi nito. Really birthday ko ngayon? Anong araw na ba ngayon?
"Ayan nalimutan mong birthday mo. Pa'no ba naman ako lagi ang nasa isip mo eh" natatawang panunukso nito sa 'kin. Natawa naman ako at hinampas s'ya ng mahina kasi totoo naman eh.

"Ikaw ang may pakana nito?" kahit halata namang s'ya, gusto ko parin marinig sa bibig niya na siya nga.
"Oo. Nasayahan ka ba?" Nakangiti nitong saad. Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko siya.
"Ang saya saya ko, Zeco. Maraming salamat sa surprise mo. Yung puso ko natutuwa dahil sa ginawa mo" mangiyak ngiyak kong saad. Siya lang yung taong bumati sa 'kin ngayong kaarawan ko.

"Walang ano man, Trix. May tanong pala ako" saad ni Zeco kaya kumuwala na ako sa yakap niya.

"Ano yun?" Ngumiti muna ito bago sumagot.
"Kanina nakita kitang pumipitas ng petals at sinasabi ang He loves me, He loves me not. May I know, kung sino yung lalaking iyong iniibig?" Natawa naman ako dahil sa tanong niya.

"Syempre ikaw yun. HAHA"
"Ngayon sigurado na ako. Mahal kita Trix" saad nito at inilahad ang kamay niya sa 'kin.
"Pwedi ka bang isayaw ngayong kaarawan mo?"
Tumango ako at inabot ang kamay niya.

"Thank you Zeco at mahal na mahal din kita" nakangiti kong saad at nagready na sa pagsayaw. Nakakapit ako ngayon sa balikat niya habang siya'y nakahawak sa bewang ko.
Nagsimula ng tumugtog ang bandang INFIN8 at sinabayan namin yun ng sayaw ni Zeco.

This day it was a special day for me.
I'm celebrating my birthday with my special someone and my only love one, Zeco.
Simple but special.

Ito ang simula ng aming pag-iibigan na magkasama.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now