TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU

25 4 0
                                    


"Too much love will kill you" sambit ko ng may mabasang post sa fb.

Huminga naman ako ng malalim at napangisi.

"It's up to you kung mapapadala ka sa agos ng pagmamahal mo" Mahinang wika ko. Hindi ako kumbinsido sa nabasa kong post. Hindi ako naniniwala na kapag nagmahal ka ng wagas mamamatay ka.

It's always people choice kung magbubulagan sila sa pag-ibig. Nasa kanila ang desisyon sa pagtakbo ng buhay nila. Sila ang may hawak ng buhay nila, sila ang nagcocontrol sa buhay nila. It's always their choice kung magpapatanga sila sa pag-ibig.

Napatayo ako sa pagkakaupo ng pumasok si Saic sa classroom namin.
Nakapamulsa ito at medyo magulo ang kanyang buhok na kulay ginto. Matangkad at may pagkapayat siya.

Kutis niyang maputi at makinis. Mata niyang kulay asul na kay ganda titigan. Pilik mata niyang nababagay sa asul niyang mata. Ilong niyang matangos na kay sarap pisilin. Labi niyang mapupula at kay sarap tikman - ay este kay sarap titigan pala. Kilay niyang makapal at salubong ngayon.

"Hey Brina, dadaan ako, 'wag kang humarang d'yan" Nangungunot noong saad nito. Kaya pala salubong ang kilay n'ya sa 'kin kasi pinapaalis ako.

Ngumiti ako sa kanya ng malawak.
"Good morning Saic." Masaya kong bati sa kanya.
"I said, dadaan ako" Seryusong wika nito na s'yang nakapasimangot sa 'kin.

"Wala ka man lang bang balak bumati sa 'kin" Nakangusong saad ko dito.
Nagbuntong hininga naman ito, na parang ubos na pasensya n'ya sa 'kin.

"Brina, I don't like you okay, so stop flirting with me" Naiinis na saad nito.

"What? I'm not flirting with you, Saic. I'm just in love with you. Why are you like this? Why you're always mad at me" Saad ko dito. I don't really know why he's always mad at me. I'm talking to him nicely but he talked back harshly.

"How many times do I need to tell you, Brina, that I don't like you. So step back and don't talk to me" Galit na nitong saad at ginulo ang gold n'yang buhok.

I sighed.

"Saic. Please don't be like that. I love you more than my life" Saad ko dito na s'yang napataas ng kilay niya at napangisi.

"You love me more than your life?" Tanong nito. I smiled.

"Yes. And I'll do everything and anything just for you, Saic" Napangiti naman s'ya dahil sa sinabi ko. Ang puso ko naman ay bumilis sa pagtibok dahil sa ngiti n'yang 'yun. First time lang s'yang ngumiti sa 'kin.

"Okay. Pumunta ka mamayang uwian sa rooftop. I have something to tell you" He said while smiling.
"Why not now?" Tanong ko dito. Excited kaya ako nu.

"Later baby. I'll surprise you" Saad nito at hinalikan ako sa cheek. Nagwink ito bago s'ya naglakad palabas ng classroom.

I slapped my face. Totoo ba talaga yun? He kissed me.

"My Gash" Sigaw ko sa kilig.
Saic is my first love. I am really in love with him. I am very happy that he kissed me.

Umupo na ako sa upuan ko ng dumating na ang guro namin. Mukhang walang balak pumasok si Saic ah.

Uwian na kaya excited akong pumunta ng rooftop. Magkaklase kami ni Saic pero hindi na s'ya pumasok, siguro pinaghandaan n'ya talaga yung surprise n'ya sa 'kin.

"Saic, yohooo" pagtawag ko sa pangalan n'ya, pero wala akong makitang tao dito sa rooftop. Umupo muna ako at tinanaw ang kalangitan na papagabi na.

Hihintayin ko muna dito si Saic.

"Brina" Napalingon ako sa may pintuan na may tumawag sa 'kin.
"Saic" Nakangiti kong sambit. Lumapit naman ito sa 'kin habang ang dalawang kamay nasa likod.
"Ano yang nasa likod mo?" Curious kong saad. Pinakita n'ya naman ito sa 'kin.
"Regalo ko para sa 'yo" Nakangiti n'yang binigay sa 'kin ang nakawrapped na kahon.

"Ano 'to, Saic?"
"Buksan mo" Binuksan ko naman 'to na s'yang nabitawan ko agad dahil sa nakita ko. Nanlalaki ang mata at nakanganga ang bibig ko ng makita ko ang basag na garapon at ang laman nitong puso na nakakalat sa sahig na.

"Saic, ano 'to? Kaninong puso 'to?" Nanginginig ang boses kong tanong dito.
Tumawa naman ito ng pagkalakas lakas na parang nasapian ng demonyo.

"Yan. Puso ng mga katulad mong nagkakagusto sa 'kin" Sigaw nito. Nanginginig naman akong umatras.

"Saic. Bakit mo ginagawa 'to? Pinatay mo sila?"
"Sabi nila mahal nila ako. Kaya pinatay ko sila at kinuha ang puso nila. Ginawa ko 'yon para wala ng may makaagaw ng puso nila sa 'kin. Ginawa ko yun dahil ako lang dapat ang magmamay-ari ng puso nila at gagawin ko din yun sa 'yo. AKIN LANG ANG PUSO MO" Malakas na sigaw nito sa 'kin at kinuha niya ang itak na nakatago sa kanyang likod.

Nanginig naman ako at nanlalambot ang tuhod ko.

"Saic, 'wag mong gawin 'to please. Nakikiusap ako. Maawa ka. Pangako sa 'yo lang ang puso ko" Nagmamakaawang saad ko dito. Ngumisi naman ito.

"Sabi mo gagawin mo ang lahat lahat para sa 'kin. Kaya akin na ang puso mo" Ang mga mata nitong nanlilisik ay nakatingin ngayon sa mata ko.

"Pero Saic-" Naiiyak kong sambit, hindi ko na alam kung ano sasabihin ko. Natatakot na ako. Hindi yung ganitong Saic ang gusto ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo kukunin ko ang puso mo" Nakangiti nitong saad.
"Sige, but in one condition" saad ko. Kung mamatay din naman ako mabuti ng ganito.
"Okay, what's your condition?" Tanong nito
"Can you say you love me?" Mahina kong sambit na dahilan ng pag ngiti niya. Marinig ko lang sa kanya ang salitang gusto ko. Okay na ako.

"I love you, Brina" He said and he hugged me. Naramdaman ko na lang ang kirot sa puso ko. Nang kumuwala na ito sa yakap do'n ko nakita ang itak na tinurok n'ya sa puso ko.

Natumba ako dahil sa panghihina. Ang mabilis na paghinga ko ang aking naririnig.
Ang puso ko'y kumikirot dahil sa sakit.
Isa din pala ako sa taong nagpatanga dahil sa pag-ibig. Dahil sa pag-agos ng pag-ibig ko sa kanya ay s'ya din palang wawasak sa 'king puso.
Siguro choice ko din 'to.

Because I'm deeply in love with Saic.
Lahat gagawin ko para sa kanya.
Tumingin ako sa asul n'yang mga mata.

"I... I love you too Saic" Mahina kong sambit. Lumapit naman ito sa 'kin at umupo sa tabi ko. Hinimas himas nito ang mukha ko. Pinunasan n'ya ang luhang umaagos mula sa mata ko.

"I'm sorry, Brina" Saad nito. Kinuha n'ya ang garapon sa kanyang bag at binuksan ito.
"I need to do this, Brina" Dugtong nito.

I smiled.

"Go ahead, if that makes you happy" Nanghihina kong saad. Ngumiti naman ito at kinuha ang puso ko.

Kasabay ng pag-agos ng pagmamahal ko sa kanya ay s'yang pag-agos din ng dugo ko mula sa 'king puso.

Napangiti ako ng may maalalang salita.
Salitang pinaniniwalaan ko na ngayon.

Too much love will kill you.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now