KEEP ME

24 5 0
                                    


"Mae, may peso ka bang year 2016?" Tanong ko sa kaklase ko.

"Bakit?" Masungit n'yang tanong. Nagtatanong lan eh. Kung hindi ko lang talaga kailangan, 'di ko s'ya tatanungin.

"Hihi, pahingi naman oh" syempre pakabait muna plastic ako eh.

"Tsk. wait" Hinalungkay n'ya 'yong pitaka n'ya at binigay sa 'kin ang nagniningning na peso.

"Oh" Kinuha ko ito at tinignan kung year 2016 nga.

"Salamat" nakangiti kong sambit.

Gano'n din ako sa iba kong kaklase humihingi ng peso na year 2016.

Iyong iba napapamura pa minsan dahil naiistorbo ko daw sila.

Anong akala nila, hindi ko sila minumura sa isip ko.

You don't no I'm peyk.

Kahit gano'n pa man binigyan parin nila ako ng peso, kahit plastic ako ngumiti parin ako at nagpasalamat sa kanila.

Nakangiti naman akong pumunta ako kay Betty, 'yong best friend ko.

"Best, may peso ka?" Tanong ko sa kanya ng makalapit na.
"Ano na namang kalokohan 'yan?" nakasimangot n'yang tanong at sinirado ang binabasa n'yang libro.
"Hihi. Wala naman" Mahinhin kong pagkasabi at umupo sa katabi n'yang upuan.

"Anong wala kabaliwan mo na naman 'yan kay Callyx, ano?" nakangisi na s'ya ng tanongin  muli ako.

"Sh*t 'wag ka ngang maingay baka marinig ka n'ya" Tumingin ako kay Callyx na nando'n sa tapat ng pintuan kausap ang mga kaibigan niya.

Matagal ko ng gusto si Callyx. He's handsome, smart, cool, rich kaya lang medyo suplado.

But for me, he's perfect. PeriodT.

We're now in Grade 10 and we're classmate. Hindi kami close. Kasi may group of friends na ito. Pero minsan ko na s'yang nakausap.

Kaya humihingi ako ng peso kasi tinatago ko. I want to keep it, couz' feels like its special. Year 2016 is the year I first saw him. In that time ako nainlove.

Napabaling ako ng tingin kay Betty ng tinapik n'ya ako sa braso.

"Bakit peso?" Tanong n'ya.
"Because he's my one and only. Hihi" kinikilig kong sagot dito.
"Haha. Ang corny mo naman" natatawang sagot n'ya.
"Hindi 'yon corny, 'no. Inlove lang talaga ako" masaya kong sambit at tinignan ang hawak kong peso.
"Eh bakit naman year 2016?" nagtataka n'yang tanong pagkatapos ako tawanan.
"Kasi nga nagkagusto ako sa kanya simula no'ng year 2016" saad ko. Ay kaloka si bestie Q&A na pala to?

"Kaya gano'n, aanhin mo naman ang peso?" Tanong ulit nito. Kulit n'ya ha. Pero kinikilig naman ako habang nagkukwento.

"Ikekeep ko" simple kong sagot.

"Alam mo baliw kana" natatawa na naman n'yang saad kaya natawa na din ako.

"Oh, humingi kana ba ng peso sa kanya?" Patukoy n'ya kay Callyx. Napanguso muna ako bago magsalita.

Ngunit sasabihin ko na sanang hindi pa, nang bigla na lang may nagsalita.

"Hindi na kailangan" seryusong wika ng nasa likuran ko.

OWEMJI. Kilala ko ang boses na 'yan. Nang makita ko ang reaksyon ng bestie ko ay nakanganga ito.

Dahan-dahan akong humarap at doon nakita ko si Callyx na nakangiti.

Sh*t ang ngiting 'yan, pangarap ko, ako ang dahilan.

"Ba't ka pa ba humihingi ng peso sa kanila di mo naman kailangan 'yon" nakangising sambit nito.
"Ah eh" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o may dapat ba akong sagotin. Natatameme ako pagkaharap s'ya.

"I know you like me and I like you too" walang pag-alinlangang wika nito.

OWEMJI sana dinahan dahan mo muna crush, baka atakihin ako nito sa puso, e.

Ay aarte pa ba sabi ng mumunting isip ko.

"... Instead of pesos. Keep Me" dugtong pa nito na s'yang nagpalakas ng tibok ng puso ko. Naiihi ako. Char.

"Ha?" kunyari 'di ko narinig. Gusto ko kasing ulitin n'ya. Sarap sa ears.

Ngumiti ito nang malapad at nilahad sa 'kin ang kamay n'ya. Tinignan ko naman ito at hinawakan sabay tayo ko.

Nang tumitig ulit ako sa mukha n'ya ay makikita mo ang saya nitong nadarama. Gano'n din ako ng inulit n'ya ang salitang gusto ko marinig.

"KEEP ME. FOREVER"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now