REAL OR FAKE

22 4 0
                                    


"Write YOUR FIRST name if the statement is real and write YOUR CRUSH name if the statement is fake" Instruction ng aming guro na s'yang nagpaangal sa 'min.

My Gash. Halata talagang may mga crush sila sa classmates namin. Ay ako din pala may crush dito.

"Ma'am naman nakakahiya po" angal ng isa kong kaklase. Nakakahiya daw pero kinikilig.
"Anong nakakahiya dun, sasagutan niyo lang naman ang quiz, e." Saad ng aming guro at isa-isa kaming tinignan. Ba't pa kasi magpapaquiz si ma'am e.

"Ma'am naman pwedi bang kahit nickname na lang namin yung ilalagay namin kapag fake ang statement" angal din ng isa ko pang kaklase. Tinignan naman kami ni ma'am ng masama.
"Huwag na lang kayong magquiz at kayo'y failure na. Gusto niyo yun?" Saad ni ma'am na s'yang dahilan ng paglaki ng mata namin at pagtahimik naming lahat.

My Gash ayaw kong mafailure, paano na lang ang future namin ni crush.
"Hihi, ma'am 'di naman kayong mabiro. Joke joke lang namin yun ma'am nu. Kahit ilagay pa namin buong pangalan ng crush namin ok na ok lang. Diba classmates?" Natatawa kong saad at tinignan ang mga classmates kong dahan dahang tumango. Alam kong napipilitan lang sila. Anong magagawa namin wala kaming choice.
"Yun naman pala, e. So sige full name na ng crush niyo ang ilagay. Pwedi na kayong magsimulang magsagot" Nakangiting saad ng aming guro at umupo sa kanyang upuan.

"Yes ma'am" saad namin. Nagsimula ng sumagot ang mga kaklase ko. Tinignan ko muna ang crush kong si Cyrus, nakangiti ito habang nagsasagot na ito sa kanyang papel. Ang gwapo niya talaga. Pero napapaisip ako bakit kaya s'ya ngumingiti habang nagsasagot? Ah siguro naiisip n'ya ang crush n'ya. Pero sino naman kaya iyon? Tumingin na ako sa 'king papel at sinagutan yun.

Mga ilang minutong lumipas ay tapos na kami. Kinuha na lahat ng aming answer sheet at isa isa din kaming binigyan ng echecheck namin. My Gash kinakabahan ako. Sana hindi si Cyrus ang nakakuha ng papel ko. Omo magbubukingan na talaga 'to.

"Lahat ng sagot ay fake. So lahat dapat ay pangalan ng crush n'yo ang nilagay" Napalaki ang mata namin dahil sa gulat sa sinabi ni Ma'am. Omo hindi ko expect yun. Hindi na ako perfect sa quiz namin e.

"Lahat ng answer sheets ibigay sa 'kin" Dugtong ni ma'am. Pinasa naman namin yung answer sheets.
"So si Aliza crush niya pala si-" hindi natapos ni ma'am ang sasabihin kasi umepal na si Aliza.
"Ma'am 'wag niyo na pong sabihin. Nakakahiya" nahihiyang saad ni Aliza.
"Oo nga ma'am 'wag na po" saad ko rin.

"Sige hindi ko na sasabihin. Yung score niyo nalang" nakangiting saad ni ma'am. Mabuti nalang 'di niya sasabihin.
"Aliza you've got 10/20"
"Carl you've got 14/20"
"Vien you've got 16/20" patuloy na saad ni ma'am.
"Celes you've got 18/20. Oh crush mo pala si Cyrus" napapitlag ako ng marinig ang boses ni ma'am. Omo buking na ako.
"Ayieee Celes" tukso ng mga kaklase ko sa 'kin. My Gash.

"Ma'am akala ko ba 'di mo sasabihin" angal ko dito. Kasi naman e, nakakahiya. Buking na ang pinakamalupit kong secreto.
"Ay nadulas ako e" Natatawang saad ni ma'am. Mga kaklase ko naman 'di matigil sa kakatukso sa 'kin kay Cyrus.
"Oh by the way. Cyrus you've got a perfect score. Mukhang swerte ka sa nilagay mong crush ah" Natatawang saad ni ma'am. Napatingin naman kaming lahat kay Cyrus na ngayon ay nakangiti.
"Sinong crush niya ma'am?" Kinikilig na tanong ng mga kaklase ko. He looks so happy. I am jealous? Because that girl makes him smile genuinely. Malungkot akong bumaling kay ma'am at hinihintay ang sagot niya.

"Hmm. Si Celes" mapanuksong sagot ni Ma'am. Ako naman ay laglag pangang tinignan siya. Omo totoo ba ang narinig ko?

"Ayieee Celes crush ka din pala ni Cyrus" Tukso nang mga kaklase ko. Omo ba't kinikilig ako.
Pero sandali dapat hindi ako magpadala sa nararamdaman ko. Baka pinagtritripan lang ako ni Cyrus. Eh hindi niya nga ako pinapansin n'yan eh pag nagpapansin ako sa kanya.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan si ma'am.
"Ma'am 'di po ako ang swerte n'ya. Baka pinagtritripan lang ako niyan. Di po ako crush ni Cy. Kita mo lahat ng sagot n'ya pangalan ko kasi tulad ng sagot nya fake din na may crush siya sakin. Eh wala ngang fake (pake) yan sa 'kin e" Seryusong saad ko.

Oh anong pinaglalaban mo girl?

"Owwwww" mga reaksyon ng mga kaklase ko.

"Kahit Real pa lahat ng sagot sa quiz natin. Pangalan mo parin ang aking ilalagay kahit Zero man ang makuha kong score. Basta malaman mo lang na kahit may pagpipilian ako, ikaw parin ang pipiliin ko magmukha man akong tanga. Gano'n kita ka gusto, Celes" Dahan dahang akong lumingon kay Cyrus na nakatingin na sa 'kin.

Totoo ba ang narinig ko? Puso kalma ka muna.

"Ayieee my gash" malakas na sigaw ng mga kaklase ko pati puso ko malakas din ang tibok nito.
"Totoo ba ang sinasabi mo, Cyrus?" Kalmado kong tanong kahit gusto ko ng sumabog sa kilig.
"Oo naman Celes. Mahal na nga yata kita eh. Ako ba mahal mo rin?" Nakangiti nitong saad.
"Oo mahal kita, Cyrus" nakangiti kong sagot.
Lumapit ito sa 'kin na may dalang kulay purple na bulaklak, may favorite.

"Celes, pwedi bang maging girlfriend ka?" Nakangiting saad nito at binigay sa 'kin ang bulaklak. Tumango naman ako.
"Oo, Cyrus" sagot ko at kinuha ang bulaklak.

Grave, speed.

"Omoooo ayieeee. Kakainggit" mga tilian ng mga kaklase ko.
Napangiti naman kami at tumingin kay ma'am na kinikilig din.
"Ma'am pwedi po bang magdate na kami ni Celes? Magcecelebrate lang kami ng aming minutesarry" Tanong ni Cyrus kay ma'am. Omo my minutesarry pa s'yang nalalaman.

"Oo naman. Support kita pamangkin" nakangiting saad ni ma'am. Nga pala tita pala s'ya ni Cyrus. Hihi, kaya pala todo support.

"Congrats sa inyo. Celes welcome to our family" Dugtong pa ni ma'am na s'yang nagpamula sa 'kin.

"Thank you po tita ay este ma'am pala" natatawa kong saad. Hihi
Natawa naman yung mga kaklase ko.
"Sige po tita salamat po. Mauna na po kami ng misis ko" pagpapalaam ni Cyrus at hinila na ako palabas ng classroom.

"Misis ko magcecelebrate na tayo ng ating minutesarry" natatawang saad nito.
"Oo Mister ko" Natatawa ko ding sagot.

Sounds badoy?
But, heaven ang feeling.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now