INDIRECT KISS

16 1 0
                                    


Ako nga pala si LokaLoka. Gusto n'yo bang malaman kung bakit yan ang name ko?
Edi tanong mo sa nanay ko. Haha

Btw, nandito pala ako ngayon sa gymnasium kung saan naglalaro ng basketball si Crush Yanti. Nanood lang ako dito sa isang tabi habang pinagmamasdan ang crush kong pawisan.

"Hay ang gwapo n'ya talaga" nahuhumaling kong saad. Sa katunayan marami ang nakakacrush sa kanya at isa na ako dun. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para mapansin n'ya.

"Go Yanti. Go Yanti. Shoot me ay este shoot the ball. Awwww" Pagchecheer ko sa kanya. Yung mga tao naman grabe makatingin sa 'kin. Dahil ako si LokaLoka asahan mong wala akong kahihiyan. 9 months kaya si nanay nag-isip ng pangalan ko kaya super proud ako sa sarili ko dahil ako si Loka.

Tumayo ako at nagsasayaw-sayaw.
"Go Yanti. Go Yanti. Kaya mo 'yan, sige ipasok mo, igiling-giling sumabay sa paggalaw. Okay lang kahit mapawisan basta't makapuntos lang. Sige sige ishoot mo. Ishoot mo Awww" Kanta kong pagchecheer sa kanya. Haha ang galing ko nashoot nga n'ya pero grabi naman s'ya makatingin sa 'kin. Ah alam ko na this, mukhang iba iniisip nito ah.

"Haha nice one Loka" Natatawang saad ng ka player n'ya. Nagsmile naman ako sa kanila at nagpatuloy naman sila sa paglalaro.

"Oh sinong bibili ng bottled water nila dito? Wala na silang maiinom" Rinig kong saad ng coach nila. Bumaling naman ako sa kanila, inuutasan nito ang ibang mga players pero mukhang wala silang balak bumili. Kaya lumapit ako sa coach nila na nakangiti.

"Hi coach Lee. Balita ko wala na daw kayong tubig. Kaya ako na ang bibili" Nakangiti kong saad.
"Grabe balita ba talaga, Loka. Oh tsismosa ka lang" Natatawang saad nito. Ngumiti naman ako ng peke. Itong coach na 'to mapepektusan ko talaga 'to. Ako na nga ang nagvolunteer na bibili, nakuha pang laiitin ako.

Actually 3 years older lang si coach Lee sa 'kin. Hot ito at gwapo din naman. Pero wala parin s'yang panama kay Yanti my loves.

"Si coach naman. Haha. Nakakatuwa po kayo" Kunyare natatawa kong saad. Hinampas ko pa 'to sa balikat para kunyare natatawa talaga ako. Syempre medyo nilakasan ko yung paghampas para makabawi ako. Haha ang bad ko naman.
"Haha. Talaga? O sige. Bumili kana" saad nito at inabot sa 'kin ang pera pambili. Nagsmile muna ako bago umalis.

Habang naglalakad pabalik sa gym bitbit ang plastic na may mga laman na bottled water, may naisip akong idea. Haha. Kinuha ko ang isang bottled water at binuksan ito.

"Mahahalikan mo rin ako, Yanti" nakakaloko kong saad at hinalikan ko ang bibig ng bottled water. Haha.

Tinakip ko na ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating ako sa gym isa-isa kong binigay ang mga bottled water sa mga players. Malawak akong ngumiti ng inabot ko ang bottled water na may kiss ko kay Yanti. Haha. Inabot niya naman ito.
"Thanks" saad niya. Binuksan niya yung bottled water. Loka ito na yung hinihintay mo. Titig na titig ako kay Yanti ng dahan dahan niya itong nilalapit sa labi niya. Pero 'di pa nakakalapat ng inabot niya agad ito kay coach Lee.

"Coach sa 'yo nalang. May tubig pala akong dala" saad nito. Napalaki naman ang mata ko. No way.
"Sige, salamat" saad din ni coach at kinuha ito.
"Coach, wa--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng nilagok niya agad ito. My Gash coach, uhaw na uhaw lang.

Parang tumigil ang mundo ko ng marealized ko kung ano ang nangyare. Parang gusto kong sumabog dahil sa nangyare. Yung Indirect kiss ko hindi dapat sa 'yo coach. Tumalikod ako at nag-umpisa ng maglakad.

Nakakadiring pangyayare.
Such a wrong idea Loka. LokaLoka ka talaga.

Wth?
Indirect Kiss To The Wrong Person

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now