REACTOR

105 4 0
                                    


"Aanhin mo ang gwapo, kung mas magaling naman ako sa kanya" Basa ko sa post ng Crush kong si Zander. Nag react heart naman ako sa post n'yang 'yon.

"Haha. Talaga ba crush?" Natatawa kong wika habang prenteng nakaupo sa sofa. Nagscroll ulit ako sa fb, baka may makita pa akong iba.

"Wag ka ng kumain ng iba, ako nalang kainin mo. Rawr" post n'ya ulit. Natatawa akong nireact 'yon ng heart. Nakakaloko ka crush, nilalandi mo kaming marurupok.

"Kumusta tulog n'yo? Siguradong napanaginipan n'yo ako" ay lagi lagi kitang napapanaginipan crush. Haha.

Every post nya hinaheart react ko 'yon. Napapansin ko lang ha.

Ang lande pala n'ya. Haha.
Pero okay lang sa 'kin 'yon. We're the same.

At last tinignan ko 'yong profile picture niya.

"shit ang pogi" kinikilig kong wika bago ko ito pinusuan. Nakatopless lang kasi, shemay. Ulalam.
5k reacts, 2k comments ,1k share, ay ang famous ha.

"Nak, alis kana" sigaw sa 'kin ni inay. Nag out na ako sa Facebook at tumayo sa kinauupuan ko.

"Kaloka si inay, pinapalayas mo na ba ako 'nay?" kunyare nagtatampo ang aking tono.

"Hoy Maylan Dee, pinapaalis lang kita dahil may pasok ka inuuna mo pa 'yang pagcecellphone mo" reklamo ni nanay. Nakabusangot pa ito ng makita ko.
"Ay ganon po ba 'nay. Sige papasok na ang maganda n'yong anak," sabay flip nang hair ko.
Naibuga naman ni nanay iyong iniinom n'yang kape at saka tumawa ng malakas.

"Baka malanding anak hahah" Natatawa pa rin nitong wika sabay hampas sa t'yan n'ya.

"Ouch 'nay ha" wika ko at nagkukunware akong nasaktan.

"oh bakit hindi ba? Magkatunog naman kasi ang pangalan mong Maylan Dee at malandi haha" saad ni inay na may pahampas hampas pa siyang nalalaman sa mesa.

Kaloka si inay ah makatawa wagas.

"E, sino ba ang nagpangalan sa 'kin?" nakakaloko king tanong. Tinignan naman ako nito.
"Ako" agad na sagot ni inay. Napangisi naman ako dahil sa na isip ko.

"Oh, baka kayo yung malan-" 'Di ko natapos ang sasabihin ko ng hinabol n'ya na ako bitbit ang tsinelas niya.

"HAHAHA" Natatawa akong tumatakbo palabas ng bahay namin.
"Anong sabi mo?" sigaw ni nanay at huminto na sa paghabol sa 'kin dahil nakalayo na ako.

"Haha. Wala po inay alis na po ako" kumaway na ako sa kanya at nagtungo na ako sa Paaralan.
Hay kaloka si inay 'di kaya ng bangs ko haha.

KAKATAPOS lang ng klase namin ngayong umaga, dahil boring nag Facebook ulit ako. Habang nagscoscroll nakita ko yung new post ni crush.

"Ang ganda ng mga reactor ko isa ka na ba dun? Haha"

Ay bongga si crush di s'ya nagkamali maganda naman talaga ako. Nireact ko ito ng heart nag out na ako ng magsimula na ulit ang klase.

UWIAN na at ito ako naglalakad pauwi ng bahay habang nagcecellphone.
As usual nagrereact ulit ako sa mga post ni crush ito kase libangan 'ko.

'Ting' simbolo ng may nag chat sa 'kin. Himala ha, ngayon lang may nagchat. Inopen ko yung messenger ko at tinignan ko kung sino ito.

Owemji si Crush.

Crush: Wag mo ng pusuan mga post ko.
Ako: Why? Ayaw mo na ba ako maging kaisa sa mga magaganda mong reactor kasi Dyosa na ako. Haha
Crush: lah hindi yun, pero ang funny mo pala. Haha.
Ako: Haha. talaga? Pero seryuso naman ako sa 'yo, baby.
Crush: LOL.
Ako: Pero, teka nga, ba't ayaw mo na ako mag heart react sa mga post mo?
Crush: Kasi-
Ako: Kasi?

Crush: Ako na lang pusuan mo. Haha
Ako: Matagal na kitang pinusuan crush. Usto mo pakasal na tayo agad? Haha.
Crush: So tayo na? Haha.
Ako: Oo, I love you bebe ko.
Crush: I love You too bebe ko.

Kinikilig akong tumakbo papasok ng bahay namin.

For the first time. May boyfriend na ako. Yohooo...

"Nay may boyfriend na ako. Hihi" sigaw ko at nagsasayaw-sayaw pa ako dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Ngunit, napahinto ako dahil sa sinigaw ni nanay..

"Ay Maylan Dee ka talaga"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now