SHADOW MAN

23 3 0
                                    


"WHO ARE YOU?" Natatakot na tanong ko sa taong nasa dilim at shadow lang ang nakikita ko.
Kanina pa n'ya kasi ako sinusundan at nanginginig na ako sa takot. Ngunit 'di parin ito nagsasalita kaya napagpasyahan kong tumakbo ng mabilis.

Gayon na lang ang takot ko ng sumunod ito.

"Omoo, tulungan n'yo ako" hinihingal kong sigaw. Ba't kasi gabi na ako umuwi, wala pa namang tao dito.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa hiningal ako at napagod. Napahinto ako at napaupo.
"Ayoko na. Sino ka ba? Ba't ka sumusunod? Nais mo ba akong nakawan?" Hinihingal kong saad sa taong shadow lang ang nakikita ko.

"Oh, 'di kaya patayin? Wah... papatayin mo ako" Gulat kong saad sa impossibleng mangyare sa 'kin.
"No, ayoko pang mamatay. Nais ko pang makapag-asawa, magkaroon ng 101 na anak. Gusto ko pang isalin ang maganda kong lahi" Mangiyak ngiyak kong saad. Ngunit nangunot ang noo ko ng tumawa ito. Tawang kay sarap pakinggan.

"Anong tinatawa mo d'yan?" Naiinis kong saad.
"Hoy sumagot ka" galit kong sigaw sa kanya ng hindi ito sumasagot. Narinig ko ang malalim nitong hininga.

"Kanina takot na takot ka, ta's ngayon kung sino ka kung umasta. Haha. 'Di naman kita sasaktan, e." Natatawang saad nito. Parang pinapalalim n'ya ang boses n'ya para siguro 'di ko s'ya marecognize but still alam kong lalaki s'ya.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa 'kin?" Kalmado kong tanong.

"Nais lang kitang protektahan"
"Protektahan sa alin? o kanino?" Naguguluhan na talaga ako, ano bang nais n'yang iparating.
"Sa mga taong sinaktan ang puso mo. Sa mga lalaking nagpaiyak sa 'yo" Nanlalaki ang matang tinignan ko s'ya ngayon.

"Kung sino kaman wala kang karapatan pakialaman ang buhay ko at saka kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi kita kailangan"
"Nasisigurado kong kailangan mo ako, Kate."
"Pa'no mo nalaman pangalan ko? Btw, hindi na 'yun importante dahil stalker nga kita. Hindi kita kailangan kaya umalis kana" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako aalis hanggang 'di ka pa nakakarating sa bahay n'yo" Seryuso nitong saad. Napabuntong hininga na lang ako at nag-umpisa ng maglakad. Sabi n'ya 'di n'ya naman ako sasaktan eh. Kaya kampante na ako. Nakikita ko ang shadow nito na nakasunod lang sa 'kin.
Mabuti na lang at malapit na ang bahay namin.

"You can leave" wika ko.
"Good night,Kate" saad nito at naglaho na lang bigla sa dilim. Hindi ko s'ya kilala pero ayaw ko na s'yang makita pa muli ay este yung shadow n'ya.

I texted my boy best friend.

"Neon, alam mo bang may sumusunod sa 'king shadow man at mas nakakaloka kilala n'ya ako pero 'di ko s'ya kilala kasi shadow lang ang nakikita ko. Ta's sabi n'ya poprotektahan n'ya daw ako sa mga lalaking nanakit ng puso ko. Neon, nakakatakot s'ya at the same time napakamesteryuso" text ko kay Neon. Nagreply naman ito.

"Kate, hala ka baka gusto ka n'yan. HAHAH" gago naman 'to tinawanan pa 'ko.

"Neon naman, e. Kung gusto n'ya ako ba't 'di s'ya magpakita para malaman ko kung sino s'ya. H'wag mo 'kong tawanan" text ko.

"Hay nako, Kate, baka siguro nahihiya" reply niya.
"Ano s'ya ikaw? Bakla katulad mo. Haha" Natatawa kong reply.
"Hindi ako bakla ah"
"Ah, basta bakla ka. Bye, ILY best friend" huling text ko at nakangiting natulog.

"Bye, Neon. Text mo 'ko ha? Pagkauwi mo" nakangiti kong saad kay Neon na naghihintay ng jeep.
Niyakap n'ya naman ako.
"Sige. Basta mag-ingat ka din. Okay?" Napakasweet nitong wika.
"E, pa'no si shadow man? Palagi parin s'yang sumusunod sa 'kin" Nakasimangot kong saad. Gabi-gabi parin kasing sumusunod sa 'kin si Shadow Man. Hindi naman nagsasalita kaya hinayaan ko nalang.

"Hayaan mo nalang s'ya. Kunyare body guard mo 'yon. Sabi mo 'di ka naman sinasaktan, e."
"Lagi naman, napakamesteryuso niya. Gusto ko s'yang makilala. Oh, pa'no mauna na ako Neon, papagabi na kasi" pagpapaalam ko sa kanya.

Ngumiti naman ito at kumaway.
Naglakad na ako patungo sa bahay.
Naabutan ako ng gabi sa daan at nakikita ko na si Shadow Man na sumusunod sa 'kin. Ramdam kong tinitignan ako nito habang naglalakad.
Napahinto ako at humarap sa kanya.

"Shadow Man. Sino ka ba? Ba't 'di ka parin tumitigil sa pagsunod. Napakamesteryuso mo, pweding lumabas ka sa dilim na 'yan at magpakilala ka sa 'kin" Naiinis kong saad. Hindi talaga ako mapakali. Gustong gusto kong malaman kung sino siya. Kung sino ang taong nasa dilim na 'yan.

"Kapag nagpakilala ba ako. Magugustuhan mo 'ko" malalalim ang boses na tanong nito.
"Gusto mo ako?" Gulat kong tanong.
"Oo, gustong gusto kita, Kate. Nais lang naman kitang protektahan sa mga lalaking nanakit ng puso mo. Sa mga lalaking niloko ka" Seryuso nitong saad.

"Isa lang naman ang lalaking sinaktan ang puso ko eh. Isa lang naman ang taong nagpaiyak sa 'kin. Hindi yung mga ex ko ang nanakit sa 'kin" Parang naiiyak kong saad.

"Ha? Kung gano'n sino?" Nagtataka nitong tanong.
"Yung best friend kong si Neon" Nang banggitin ko ang pangalan na 'yon dun na ako napaiyak. Hindi sumagot si Shadow Man kaya tinuloy ko nalang ang pagdadrama ko.

"Alam mo bang sa kanya ko lahat sinasabi ang nararamdaman ko. Sa kanya ako umiiyak. Siya yung nandyan para sa 'kin. Pero ang akala niya, yung mga ex ko yung iniiyakan ko. Ngunit sa kanya lang naman ako in love. Siya yung nanakit ng puso ko pero s'ya din yung taong dinamayan ako. Ba't kasi 'di n'ya mapansin na s'ya ang mahal ko. Kaya nga nagboboyfriend ako kasi gusto kong magselos s'ya at masabi n'ya sa 'kin na mahal niya ako. Ngunit 'di n'ya yata ako mahal" umiiyak kong saad.

"Mahal kita, Kate." Sabi nito.
"Gusto ko si Neon ang magsabi n'yan" iyak kong saad.

"Mahal kita, Kate" Pag-uulit nito pero sa ibang tono ng boses. Dahilan para mapahinto ako sa pag-iyak. Nag-iba ang boses nito at nasisigurado kong kilalang kilala ko ang boses na 'yon.

Lumabas si Shadow Man sa dilim at ngayon kita ko na ang kaanyuan nito. Kaya lang may mask pa itong nakatakip sa kanyang mukha. Dahan-dahan n'ya itong kinuha. Tama nga ako kilala ko s'ya.

"Neon" sambit ko sa pangalan n'ya at tumulo na naman ang luha ko.

"Mahal kita, Kate. Maging ako man si Shadow Man at si Neon. Mahal kita" nakangiting saad nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Bakit 'di mo masabi nung ikaw pa si Neon?" Tanong ko dito.

"Dahil natotorpe ako. I'm sorry, Kate. Pero ang mahalaga alam ko ng mahal mo din ako" Tumango ako dahil sa sinabi niya.

"I love you, Neon"
"I love you too, Kate. I'll promise that I will protect you and love you until my last breath."

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now