AIN'T CLEAR SKIN

58 2 0
                                    


"Yak, ang pangit naman n'ya"
"Ang itim naman n'ya"
"Oo nga, ang dami pang pimples"
"Madami din s'yang peklat"
"Ang pangit niya talaga at nakakadiri"
"Eww. So ugly duckling"

Iilan lamang 'yan sa mga masasakit na salitang naririnig ko habang naglalakad ako palabas ng school. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa 'kin at nandidiri dahil sa itsura ko.

Oo, hindi ako clearskin.
Pero dapat ba talaga akong kutyain? Asarin at iparamdan sa 'kin na hindi ako nababagay dito?
Araw araw ko nalang ba maririnig ang mga masasakit na salitang 'yan. Araw araw ba dapat akong masaktan.
Araw araw na lang ba ako ikakahiya.
Wala na ba talaga akong lugar na maging malaya at masaya?
Saan ba ako lulugar sa mundong ito, na puno ng mapanghusgang tao?

Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi nila ay hinayaan ko nalang sila at lumabas na lang ako ng paaralan. Hindi ko na sila papatulan, dahil lalaki lang ang gulo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi bitbit ang bag ko. Nang may nakita akong bata na nadapa at umiiyak sa gilid ng kalsada, wala din siyang kasamang nakakatanda kaya pinuntahan ko ito at tinulungang tumayo baka kasi mapano pa 'to.

"Okay kalang ba? Masakit pa rin ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Umiiyak pa rin ito at binibigkas ang salitang mama.

"Baby Girl, tahan kana makukuha rin ang sakit na 'yan. At saka nasaan ang mama mo? Ba't wala kang kasama dito?" Tanong ko pa sa bata nasa edad 5 pataas ito. 

"Pain pain go away. Don't come again. This pretty girl doesn't deserve to be hurt. Pain pain go away. Don't make this girl cry again." Napahinto naman ang bata sa pag-iyak at humigikgik ng tawa dahil siguro sa maling tuno ng kanta.
Pero napangiti ako dahil hindi na siya umiiyak.

"Ang galing niyo pong kumanta. Pain reliever po ba kayo? Nawala po kasi yung sakit nung kumanta kayo" natatawang saad nito. Napatawa naman ako.
"Ay 'wag mo akong bulahin, 'di kaya ako magaling kumanta. Kaya siguro nawala yung sakit dahil ayaw niyang marinig boses ko" Natawa naman kaming dalawa dahil sa sinabi ko.

"So baby girl, Nawawala ka ba? Sinong kasama mo kanina?" Tanong ko dito. Nagpout naman ito.

"Si mama po. Kaya lang nawala po ako kasi po hinabol ko po yung ice cream vendor" Nalulungkot na saad nito habang nakatingin sa 'kin.

I tap her head and then I smiled widely at her.

"Gusto mo bang kumain ng ice cream?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at ngumiti.

"Sige bibili kita ng ice cream. Tapos hanapin natin yung mama mo ha" Nakangiti kong dugtong. Mas lumawak naman ang ngiti nito.

Nag-umpisa na kaming maglakad at binilhan ko din siya ng ice cream habang hinahanap namin ang mama niya.
Maliit lang naman itong park siguro mahahanap din namin yung mama niya.

Napabaling kaming dalawa sa sumigaw sa likuran namin.
"Anak, Bea" 
Kaya napalingon naman kami at nakita ko ang medyo may katandaan ng babae.

"Mama" sigaw din ng kasama kong bata. Ah s'ya pala yung mama n'ya. Nang makarating sa pwesto namin ang mama n'ya ay nagyakapan silang dalawa.

"Anak, saan ka ba nagpunta. Pinag-alala mo si mama" nag-aalalang sambit ng mama n'ya.
"Sorry po mama" sagot ng bata.
Tumingin ang mama n'ya sa'kin at ngumiti.

"Salamat iha ha. Salamat kasi sinamahan mo ang anak ko" Nakangiting sambit ng mama n'ya.
"Walang anuman po 'yun" nakangiti ko ding saad.
"So papaano. Mauuna na kami ng anak ko. Maraming salamat sa iyo" pagpapaalam nito. Tumango naman ako sa kanila.
Tinignan ko ang bata at ngumiti.

"Sige. 'Wag mo ng uulitin yun baby girl ha" pagpapaalala ko sa kanya.
Ngumiti ito at tumango.

"Maraming salamat po Ate Ganda" saad nito
"Anla. Walang anuman. Pero hindi naman ako maganda eh"
Umiling-iling ito at mas lalo pang ngumiti. Ang cute niya tignan.

"Maganda ka po ate. Maganda ka sa panlabas at maganda ang kalooban mo. Kaya sa mata ng dyos maganda ka" Napakamahinhin na sambit nito sa 'kin.
"Salamat" sagot ko na lang dahil sa sobrang tuwa. Siya lang yung nagsabing maganda ako.

"Paalam na po ate ganda" Sambit nito ng mag-umpisa na silang maglakad palayo sa 'kin. Kumaway ito kaya kumaway din ako sa kanya.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay tumingala naman ako sa kalangitan na papagabi na.
Ngumiti ako ng malawak.

"Ain't clearskin, but I'm still beautiful in outside and inside. Cheer up self. You just have a unique beauty that they can't see couz' maybe they're blind so that they not see the true beauty within you."

Ain't clearskin, doesn't mean you're ugly.
It means you have a unique and true beauty.

Cheer up. You're beautiful in outside and inside.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now