PAPER LOVE

61 6 0
                                    


Papasok na ako ng classroom ng may tumamang matigas na bagay sa napakaganda kong mukha. Putcha naman.

Kinuha ko naman yung bolang papel na nasa sahig na.
Oo papel yung binato nila sa 'kin.
Naiinis na nga ako, e.
Sa araw-araw ba naman na pagpasok ko sa classroom na ito, papel lagi ang bumubungad sa 'kin.
Kung si crush kaya ang bumungad sa 'kin, edi sana hindi ako maiinis.
Makikita ko pa ang blue ocean na mata nito.

"Putcha" sigaw ko
Napatigil naman ang mga kaklase ko sa pagbabatuhan ng papel. Kay aga-aga nagbabatuhan kaya tuloy natatamaan ako, e.
Napatingin naman silang lahat sa 'kin.

"Anong drama 'yan Ms. Stanell?" Taas kilay na tanong sa 'kin ni Aim nakahawak pa ito ng bolang papel. Isa kasi s'ya sa naglalaro ng bato-batuhan.

"Tsk. Itigil n'yo na nga ang paglalaro n'yan" naiinis kong saad, kasi naman,e. Kung kayo hindi ba kayo maiinis palagi ka nalang natatamaan ng bolang papel sa mukha.

"At bakit naman? Hindi ka naman namin inaano ah" saad naman ni Ken isa din s'ya sa naglalaro.

"Anong hindi, sa tuwing papasok ako sa classroom na ito palagi n'yo nalang akong tinatamaan ng bolang papel na 'yan. Okay lang sana kung hindi sa mukha, pero kasi bakit sa pinakamaganda at cute ko pang mukha? Huhu" mahaba-habang litanya ko at nagpapadyak pa dahil sa inis na nararamdaman ko.

Ngumiwi naman sila na akala mo hindi naniniwala sa sinabi kong maganda ako.

Tsk tae kasi sila. Tae, except lang sa crush kong mala blue ocean ang mata.

"Hindi namin kasalanan 'yon" Napatingin ako kay crush ng magsalita ito. Nakatingin ito sa 'king magagandang mata, ang mukha n'ya ay napakaseryoso.

Akala mo naman kinuha ako sa kanya. Charot.
Nang marealize ko kung ano ang sinabi n'ya. Napabusangot naman ako.

"So, kasalanan ko pa pala gano'n?" Iritadong saad ko. Abay loko din pala to. Ako pa pala may kasalanan. Sila na nga yung nakasakit.

Siya si Justin at crush ko s'ya pero ito kami parang aso't pusa laging nag-aaway ng dahil lang d'yan sa papel na 'yan.

"Oo, dahil manhid ka kasi" sagot nito dahilan para manlaki ang mga mata ko..l

Anong manhid na sinasabi nito?
Ang mga kaklase naman namin palipat-lipat ang tingin samin ni Justin.
Ano nanonood lang ng sine gano'n?
Ano gusto nilang genre, tragic?
Papatayin ko si Justin gano'n?
Papatayin ko sa pagmamahal. Ay charot.
Nag-aaway pa pala kami ngayon.

"Ako manhid?" tanong ko at tinuro ang sarili.
"... Tinamaan na nga ako ng papel at nasaktan na. Manhid pa ba 'yon?" Dugtong ko dito.

"Iyon na nga, pinatamaan ka na nga hin-"

Hindi natapos ni Justin ang kanyang sasabihin ng dumating ang pinakastriktong guro namin.

"All of you take a seat" Seryusong sambit ng guro namin sa Math.

Kaya mabilis naman kaming nagsiupo. Kay aga-aga stress na kami sa Math. Putek.

Ano kaya ang sasabihin sana ni Justin? Nakakacurious.
Si ma'am kasi e, napakawrong timing. Hihi

'Di ko alam hawak ko pa pala 'yong bolang papel kaya sinilid ko muna ito sa bag.
H'wag kayong ano guiz. Tinatago ko 'to, syempre remembrance 'to nu. Lahat na bolang papel na binabato sa 'kin ni Justin tinatago ko. Actually marami na do'n sa locker ko. Hindi ko alam kung bakit tinatago ko 'yon. Diba dapat sinusunog na 'yon, pero kasi feel ko special 'yon.

Nagsimula ng maglecture yung teacher namin.

Putek. Wala na naman akong maintindihan.
Pano ba naman kasi laman ng isip ko puro.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now