HALLOWEEN BIRTHDAY GIFT

12 1 0
                                    


"Pagod na ako" naluluha kong sambit sa sarili.

Nandito ako ngayon sa 'king kwarto, umiiyak ng patago. Nasasaktan ako ng lubos. Hindi ko naman ginustong maging ganito ako eh. Hindi gusto ang nangyayare sa buhay ko.

Marami akong problemang dinadama.
Family Problem, Financial Problem, Society Problem, School Problem and Self Problem. Napapagod na ako sa mga problemang dumadating sa buhay ko. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang problema ko o matatapos pa ba ito.

Hindi ko na kayang ihandle 'to. Kaya heto ako sa 'king kwarto nagmumokmok at umiiyak. Hinayaan ko na lang ang mga luha kong tumutulo. Hindi ko iniinda ang sakit sa 'king pulso pulsuhan sanhi ito kanina ng paghiwa ko saking kamay. Ninais kong maglaslas kanina para mamatay pero 'di ko tinuloy.
Gusto ko munang magdiwang ng kaarawan ko bukas.

17th Birthday ko na bukas at Halloween din yun. Araw ng mga patay.
Nov. 1, 2002 ako pinanganak. Ang pinakamalas na kaarawan ko at malas din naman ako.
Pumikit na ako at hinayaan ko na lang sarili kong makatulog.

Tommorow it's my birthday and also it will be my last day.

TANGHALI na ako nagising.
Pagkapunta ko ng kusina naghahanda na sila para sa kaarawan ko. Busy sila sa ginagawa nila dahil 'di man lang nila ako pinansin.
Mapakla akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang nila yan dahil special ang araw na 'to sa 'kin pero hindi ako special sa kanila.
Naghahanda sila hindi para mapasaya ako kundi ginagawa nila yan para may pagkain o may ipagmalaki sa iba. Ginagawa nila yan hindi dahil sa 'kin.
Pagkatapos ng kaarawan ko na 'to. Alam kong hindi na sila mag-aabala para kamustahin ako. Babalik na naman sa dati yung 'di nagpapansinan at ikakahiya nila ako sa iba. Ganon ang takbo ng buhay ko. Ang mundong kinalakihan ko at ang taong nasa paligid ko ay peke. Hindi sila nagpapakatotoo sa pinapakita nila sa 'kin. Nagiging nice lang sila sa 'kin pagmay nagawa akong mabuti para sa kanila.
Lahat ng pamilya ko nakikita lang nila yung badsides ko but not my goodsides.

Bumalik ako sa 'king kwarto at nag-ayos. Dapat maging maganda ako ngayong birthday ko. Nagsuot ako ng white dress at naglagay ng light make-up.

Makalipas ang ilang oras, ay handa na ang lahat sa pagdiriwang ng kaarawan ko.
Alas 6 na ng gabi at nakatayo ako ngayon sa gitna ng malaking mesa. Ang mga pagkain ay nakahain na. Maraming pagkain yung nakahain.

Family, Friends and neighborhoods ay nandito sa kaarawan ko. Lahat sila ay nakangiti at lahat ng ngiting yan ay peke.

"Happy Birthday To You" paulit ulit nilang kanta.
"Happy 17th Birthday Hallow" I blow my 17 candles. Lahat sila ay pumalakpak at ilang minuto lang ay kumuha na sila ng pinggan at kutsara. See? That's it. Tapos na ang kaarawan ko.
"Thank you" I said at nagtungo na ako sa 'king kwarto. Hindi nila na pansin na umalis ako. They are now busy with their foods.

Pagtongtong ko sa 'king kwarto malamig na hangin ang dumapo sa balat ko. Napayakap ako sa 'king sarili at naglakad papuntang mesa. Nandoon lahat ng pictures ng family ko na nakapatong.

"Salamat papa at mama. Palagi n'yong pinagdidiriwang ang kaarawan ko at lahat ng gusto kong gamit ay binibigay n'yo.
Pero hindi yan ang kailangan ko eh. Kailangan ko ang pagmamahal n'yo sa 'kin ng totoo" naiiyak kong sambit habang tinitignan ang picture ng family ko sa 'king mesa. Hinalikan at niyakap ko 'to. Mamimiss ko sila. Nilagay ko na ulit ito sa mesa. Napadako ang tingin ko sa nakafold na papel. Sulat ko 'to para sa kanila. Sinulat ko din sa papel na yan na 'wag na silang mag-alala para sa 'kin.

"Mahal ko kayo" nakangiti kong sambit at bumaling sa likod ko kung saan naroon ang nakakasabit na lubid.
Oras ko na. Kailangan ko ng tapusin ang masaklap kong buhay.

Umakyat na 'ko sa upuan at nilagay ang nakabilog na tali sa 'king leeg. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang picture ng pamilya kong nakangiti.

"Halloween Birthday Gift ko 'to para sa inyo.
Happy Birthday to me" Nakangiti kong sambit at sinipa ang upuan kong saan ako nakapatong. Pumatak na naman ang luha ko kahit nahihirapan na akong huminga.

Nang malapit na akong mawalan ng hininga ay ngumiti ako. Totoong ngiti, gusto ko malaman nilang masaya ako sa huling pagkakataon.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now