SABIHIN MO

25 2 0
                                    


"San ka pupunta, Jeff?" Nagtataka kong tanong sa boyfriend ko. Nakaayos kasi ito at mukhang may pupuntahan. Gabi na kaya, saan naman s'ya pupunta ng ganitong oras?

Tinignan n'ya lang ako at humakbang papunta sa pinto.

"Jeff, tinatanong kita kung saan ka pupunta?" Tanong ko pa dito kaya napahinto naman ito sa pagbukas ng pinto.

"Wala kang pakialam" malamig na saad nito.
"Jeff, sabihin mo" mahinahon kong wika.
Bumaling ito sa 'kin na seryuso ang mga mata.

"Like what I've said earlier. Wala kang pakialam" pagtapos n'yang sabihin yun ay tuluyan na s'yang umalis at iniwan akong luhaan.

Wala nga ba akong pakialam?
Wala nga ba akong karapatan sa kanya?
Girlfriend n'ya ako ng almost 5 years tapos wala lang pala ako sa kanya.

Nasasaktan ako sa titig n'ya sa 'kin.
Nasasaktan ako sa pakikitungo n'ya sa 'kin.
Nasasaktan ako sa mga kilos niya.
Nasasaktan ako sa paraang pakikipag-usap n'ya sa 'kin.
Nasasaktan ako sa bawat sandaling kasama ko siya.

Hindi na s'ya yung dating Jeff na nakikita ko.
Hindi na s'ya yung jeff na nakasama ko.
Hindi na s'ya yung Jeff na nakilala ko.
Hindi na s'ya yung Jeff na minahal ko.

"Nag-iba kana, mahal ko" Mahina kong sambit habang ang mga luha ko ay patuloy sa pag-agos.

Pero isang araw hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Sobra na akong nasasaktan.
Sobra na akong nahihirapan.
Hindi ko alam kung ano ang meron kami.
Kaya I confronted him.

"Jeff, ano bang meron tayo? Sabihin mo" pagbabasag ko ng katahimikan sa aming dalawa. Kanina pa kami dito sa daan na nakatayo pero ngayon lang ako nagsalita. Dahil kinakabahan ako sa possibleng mangyare.

"Bakit lagi mo nalang ginagamit sa 'kin ang term na 'sabihin mo' nakakasawa na pakinggan," saad nito.
Napalunok naman ako dahil sa paraan na pakikipag-usap n'ya sa 'kin.

"Dahil gusto kong sabihin mo sa 'kin ang totoo. Ang totoong nararamdaman mo..." nanginginig kong sambit.
"Kung sawa kana sa 'kin, sabihin mo.
Kung pagod kana, sabihin mo.
Kung ayaw mo na, sabihin mo.
Kung hindi mo na 'ko mahal, sabihin mo..." naluluha kong sigaw sa kanya.

"Hindi yung pinagmumukha mo 'kong tangang may pag-asa pa. Kung wala naman talaga" Pailing-iling ko pang sambit. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Napakacold n'yang tignan.
Walang emosyon ang makikita.
Nakikita din kaya n'ya sa 'king mga mata, kung gaano ako ka labis na nasasaktan.

"Jeff, sabihin mo. May pag-asa pa ba ang relasyon nating dalawa?" Umaasa kong tanong. Umaasang sasagot s'ya ng oo. Pero hindi, hindi s'ya sumagot.
"Kasi kung wala na, palalayain naman kita. Basta  sabihin mo lang sa 'kin ang totoo" Saad ko.

Tumikhim muna ito bago s'ya nagsalita.
"Hindi na kita mahal Heiz, Let's break up" Napakalamig n'yang sambit at tumingin sa ibang direksyon.

Inaasahan ko na 'to eh. Pero nasasaktan pa rin ako ng sobra sobra dahil sa sinabi niya.
Hindi n'ya na ako mahal.
Pero mahal ko pa siya.
Kaya lang wala ng saysay ang pagmamahal ko sa kanya kung hindi n'ya naman pala ako mahal.
Naramdaman ko ang isang luhang pumatak sa 'king pisnge. Pinunasan ko 'to at ngumiti sa kanya ng mapakla.

"Kung gano'n, pinapalaya na kita. You're now free to enjoy your life without me. I hope you'll be happy more than you're happy before when you are with me. I love you Jeff, sobra pa sa iniisip mo" Nakangiti kong sambit.

Tumingin ito sa 'kin at sinabi ang salitang ayaw ko marinig.

"Goodbye" Sambit n'ya at umalis na ng tuluyan.
Doon na ako napaupo sa daan at humagolgol. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nais bumagsak.

"Ngayong malaya kana, sana maging masaya ka"

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now