PANYO

49 5 0
                                    


"Pina, hindi na kita mahal" umiyak ako dahil sa sinabi ng boyfriend ko.

"Anong ibig mong sabihin?" mangiyak-ngiyak kong tanong. Kahit alam ko naman ang patutunguhan nito.

"Maghiwalay na tayo" agarang sagot n'ya. Nanlumo naman ako. Expect ko na 'to e.

Pero bakit nasasaktan parin ako?

"Wala kana ba talagang nararamdaman para sa 'kin?" tanong ko. Iniwas naman n'ya ang tingin sa 'kin.

"Wala na. Sorry, Pina. Ayaw kong saktan ka, pero ayaw ko namang makulong ka sa isang relasyon na alam nating wala ng patutunguhan" senserong wika nito at tinignan ako sa 'king mata.

"Kung gano'n, n-naiintindihan kita kaya pinapalaya na k-kita" garalgal ang boses ng sabihin ko 'yon dahil pinipigilan ko munang umiyak.

"Minahal kita, Drew. Minahal mo din ba ako?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko malaman kong totoo ba talaga ang pinapakita n'ya sa 'kin, no'ng kami pa.

"Minahal din kita Pina, siguro kailangan na lang natin tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa" Tumango ako sa sinabi n'ya.

Siguro, hindi nga kami para sa isa't isa.

"Masaya ako at nakilala kita. You deserve someone better than me" dugtong pa n'ya at tinap ang ulo ko bago ito umalis.

Pagkaalis n'ya ay do'n na ako humagolgol sa iyak.

Tanggap ko naman e, pero hindi maipagkakaila na nasasaktan parin ako. Naging malaking parte s'ya ng buhay ko.

Habang nakayuko ako ay may nakalahad na panyo sa aking harapan. Kinuha ko sa kamay ng taong to ang panyo at do'n umiyak ng umiyak.
Hindi ko kilala kong sino ang nagbigay, pero naramdaman ko nalang umupo s'ya sa tabi kong upuan.

Mga ilang minuto na din akong umiiyak at ang taong nasa tabi ko naman ay wala paring imik hanggang ngayon.

Nang medyo okay na ako. Tinupi ko yung panyong binagay n'ya.

Ngunit, napahinto ako sa pagtutupi ng makita ko yung pangalan ko na nakaburda sa panyo.

"Pina" basa ko sa sulat sa panyo.

At nang mapagtanto kong ako ang nagburda ng panyong ito, bigla nalang may ala-alang pumasok sa isip ko.

FLASHBACK. 10 years ago.

"Pangako mo babalik ka ha" umiiyak na sabi ko sa batang lalake.

"Oo pangako, Pina, babalikan kita" nakangiting saad ng batang lalake.
"Talaga ha. Hihintayin kita, Ziel" pinunasan n'ya ang aking pisngeng basa na ng luha.

"Oo, kaya 'wag ka ng umiyak. Smile kana" nakangiting saad nito kaya ngumiti narin ako.
"Ganito ba" sabay pakita ko ng aking ngiti.
"Lakihan mo pa yung ngiti mo"
"Ganitong ganito ba" nilawakan ko pa ang aking ngiti, dahilan para matawa s'ya.

"Haha. Okay na 'yan, baka mapunit labi mo" natatawang saad n'ya at ginulo ang buhok ko.

"Bago ka umalis may ibibigay ako sa 'yo" kinuha ko sa bulsa ko ang binurda kong panyo para sa kanya, at inabot ito.

"Ano to?" taka n'yang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya ng malapad.
"Nais kong ibigay sa 'yo 'yan. Ginuhit ko kasi sa panyong iyan ang pangalan ko, para 'di mo ako makalimutan. O 'di kaya kapag umiyak ka, ang panyong 'yan ang magiging sandalan mo habang wala muna ako" wika ko at pinakita sa kanya ang nakaburdang pangalan ko sa panyo.

"Pina..." basa n'ya.
"Hindi kita makakalimutan" nakangiti n'yang wika at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang panyong 'yan ay mapa natin" sabi ko.

"Mapa?" Nagtatakang tanong n'ya at kumalas sa yakap.

"Oo, dahil ang panyong 'yan ay ang daan na tayo'y muling magtagpo" saad ko. Nakangiting tumango naman ito.

"Kung gano'n, iingatan ko itong mabuti" saad ni Ziel.
"Dapat lang" sagot ko naman.
"Oh paano, kailangan na naming umalis. Ingat ka palagi" pagpapaalala n'ya at pumasok na s'ya sa kotse nila.

"Ikaw din" kumaway na ako sa kanya, pero bago n'ya isara ang pinto may sinabi pa siya.

"Pagnagkita ulit tayo, may sasabihin ako sa 'yo" huling salitang binitawan n'ya bago sila tuluyang umalis.

PRESENT.

"Ikaw si Ziel?" Gulat na tanong ko sa lalaking kaharap ko na ngayon.

"Pano mo nalaman?" Nagtataka n'yang tanong. Ngunit ngumiti lang ako sa kanya. Ang laki ng pinagbago n'ya. Namiss ko s'ya.

"Pina, ikaw ba 'yan?" Ang nagtataka n'yang expression ay napalitan ng gulat at pagkamangha.
Tumango naman ako.

"Oo. Ako nga" nakangiti kong sagot. Yong mga luha ko ay kusa na namang tumulo ng dahil sa saya.

Siya nga 'yong kababata kong si Ziel.

Niyakap n'ya ako. Naramdaman kong umiiyak din s'ya.

"Masaya akong makita ka muli" masayang wika nito.

"Masaya din ako, Ziel" pinunasan n'ya 'yong pisnge ko gamit ang panyo.

"Naalala mo pa ba 'yong huli kong sinabi bago tayo magkawalay?" Tumango ako sa tanong n'ya.

"Na may sasabihin ka sa 'kin pagbalik mo" sabi ko.
"Oo, nais kong sabihin ngayon na mahal kita. Matagal na" Napangiti ako dahil sa sinabi n'ya.

Alam ko bata pa lang kami mahal ko na s'ya.

"Tama nga ang sinabi mo, Pina" dugtong pa n'ya.
"Na ano?" Tanong ko naman.

"Na ang panyo ang daan na tayo'y muling magtatagpo" nakangiting wika nito na animo'y may naaalala. Napangiti na din ako sa aking napagtanto.

Kapag may umalis, may darating.
Kapag may nawala, may magbabalik.
Kapag nalungkot, may magpapasaya.

Sa buhay, laging may pag-asa.

END.

Art of GalaxyWhere stories live. Discover now